Magdadalawang taon na akong nagtratrabaho dito sa Middle East. Sa dalawang taon na ito, ang dami ko ng nakilalang iba't - ibang taong galing sa iba't - ibang panig ng planeta natin. At sa dami nila, madalas kilala ko na lang sila sa mukha dahil ang hirap bigkasin ng mga pangalan nila. Gustuhin ko man silang kilalaning mabuti at kabisaduhin ang kanilang mga pangalan, ay hindi kami masyadong magkaintindihan. Kung Carabao kasi ang ingles ko Hippopotamus naman sa kanila at madalas hindi ko rin matagalan ang amoy nila. No opeyns mga sadik.
Pero hindi naman tungkol sa amoy at ingles nila ang entry na ito. Ito ay tungkol sa aking naging kaibigan. Ladies and Gentlemens ipinakilala ko sa inyo si Mr. Laksmi Prakash.
Pero hindi naman tungkol sa amoy at ingles nila ang entry na ito. Ito ay tungkol sa aking naging kaibigan. Ladies and Gentlemens ipinakilala ko sa inyo si Mr. Laksmi Prakash.
Name: Laksmi Prakash Basnet
Nickname: Call me Prakash. Laksmi is not good name
Hometown: Ilam, Nepal
Age: 19
Status: Single *sad face*
Occupation: Office Cleaner
Religion: Hindu
Crush: I want Joyce. (Joyce - Pinay Receptionist)
Favorite Food: Chicken Biryani with Curry and Dahl on the side.
Favorite Song: Hindi Songs
Sports: Football. I am a Striker my friend. Three games three goals because I am a good
player. Malum?
Motto: What Motto? *confused*
Hindi ko alam kung pano nakalusot sa embassy ng Qatar ito dahil 18 palang siya ng umalis ng Nepal. Ito ang pangalawang sabak niya sa pag aabroad dahil sa edad na 17 nagtrabaho na daw siya sa Malaysia sa loob ng walong buwan. Kaya kung ako eh OFW siya naman ay ONW - Overseas Nepali Worker.
Nakakasama ko si Prakash limang beses sa isang linggo at kung minamalas nakikita ko rin siya pakalat kalat sa ilang mga pamilihan dito sa lokasyon namin. Window Shopping din ang peg ng loko. Kahit na minsan nangangamoy zombie siya, sa tagal na rin namin magkasama, magkasing amoy na rin kami este nasanay na rin ako sa aura niya. Nakakatuwa rin naman kasi siya bukod sa masipag at nauutusan mo talaga, makulit din siya. Kaya lagi kaming nag aasaran at nagkukulitan. Isa lang utos ko na di nya magawa gawa ang "Go to the rooftop and jump!!" Minsan naglalaro rin kami ng boxing, karate tsaka sampalan kapag walang gingawa o kahit may gingawa basta trip lang namin saktan ang isa't - isa, sweet di ba? Kahit madalas siya palagi ang nasasaktan, hindi naman siya napipikon.
Makulay din ang buhay ni Prakash. Pinili niya mag ONW dala rin sa hirap ng buhay sa bansa nila. Nangingisda sa ilog at nagtatanim ng gulay sa Nepal ang ginagawa ko. Kaya nga nag abroad na lang ako ang sabi nya. Oo literal nag tagalog siya! joke. Dalawa daw kasi ang asawa ng tatay niya na legal naman sa bansa at relihiyon nila ang kwento niya sa akin. Dahil nga dalawa ang pamilya ng erpat niya, napapabayan daw ang nanay at ang mga kapatid niya. Kaya para makatulong, nag alsa balutan siya papunta sa dito sa Qatar. At dahil din diyan, galit galitan siya sa tatay niya.
Nakita ko na rin mag emo si Prakash. Isang araw kasi wala siya sa mood. Tinanong ko naman kung bakit. Una ayaw niya sabihin at umiiwas siya sa tanong ko pero dahil sa pangungulit ko, umamin din siya. Magpapasakal na daw kasi ang gelpren niya na naiwan sa Nepal. Ipinagkasundo daw kasi ung babae ng mga magulang niya sa ibang lalaki. Fixed Marriage kung tawagin na isang tanggap na tradisyon din sa bansa nila. Kaya iyon hindi ko makausap ng matino ang loko nung araw na iyon. Pero ngayon ok na siya sabi nga niya sakin "I'm handsome my friend, kaliwali that lady! no problem!" oh di ba ang taray? Talk about confidence!
Kaya ngayong, malapit na akong umuwi sa Pilipinas, ang sabi niya sa akin "Dajo, (Dajo ibig sabihin Brother. Langya, dito ko pa pala makikita ang nawawala kong kapatid) when you go in Pilipin i will buy you Perfume!" nakanang, nababantutan ata siya sa akin at ibibili daw niya ako ng pabango!
No comments:
Post a Comment