Sunday, May 13, 2012

A Mudrax Day Ispeysyal Part 2


Bukas na liham para sa aking Pangalawang Inay
Inspired by: Open Letter to Mom by Sir Jepoy at jepoytabachoy.blogspot.com

Dear Mama, 
Sa 24 taon kong nabubuhay sa mundong ibabaw, hindi pa yata kita nabibigyan ng sulat. Kahit na simpleng birthday card yata wala pa. Pero sa pagkakataong ito, kahit na hindi ko alam kung mababasa mo ito ay gagawan pa rin kita.

Dalawang taon na rin tayong di nagkikita at nagkakasama. Alam mo naman ang solo mong anak sipag sipagan kaya OFW muna ang peg ko. Huwag kang mag alala malapit na rin tayong magkasama ilang linggo na lang.  Alam ko namang miss na miss mo na ang iyong unico hijo at ganun din naman ako. Miss ko na ring gayahin kang magsalita kapag di mo suot ang pustiso mo.

Mama, salamat sa pag aalaga sakin hah? Salamat at itinuring mo akong tunay mong anak. Kahit matigas ang ulo ko di ka pa rin nagsasawang pagsabihan ako at paluin ng sanga ng bayabas nung batang musmos pa ko. Di ko makakalimutan ang mga alaga moments mo sakin. Tulad nalang kapag maliligo ako sa ulan at ilog di ba nilalagyan mo pa ng langis ng niyog ang likod ko para di malamigan? tsaka dapat 1 oras lang para di magkasakit. Natatandaan ko pa noon kapag may sakit naman ako, nag fefeeling albularya ka at pinapainom mo ako ng nilagang dahon ng oregano at kung ano anong dahon ang tinatapal mo sakin. Tsaka di ba po salitan kayo ni papa na magpaligo sakin nung 6 yrs old pa ko? At maghugas ng pwet ko tuwing pagtapos kong magpopo kasi nandidiri ako sa sarili kong shit? Natatandaan ko po lahat yun at ang marami pang ibang mga pag be-baby niyo sakin kahit nasa grade 4 na ko.

Happy Mother's Day sau Mama! Alagaan mo naman ang sarili mo. Di naman kaila sayong di ka na bata at wala na ang beauty queen mong ganda. Tigilan mo na ang paninigarilyo ng Lakampana at Champion please lang. Ipaubaya mo na sa akin ang pagyoyosi, Ok?

Pasensiya ka na at di ko pa mabigay ang apong gusto mo. Alam mo naman taliwas yun sa gusto ni Mommy. Tsaka hindi ko pa talaga kaya magka anak. Di pa pwede isingit sa budget. Sige kayo rin, mababawasan ang remittance ko inyo buwan buwan pag nagkataon. Gusto mo ba yun? hehe. Huwag kang mag alala at aabutan mo pa ang magiging apo mo basta alagaan mo lang ang sarili mo at ipagpatuloy mo lang ang kembot exercise mo tuwing umaga.

Gaya ng sabi ko kay Mommy, mahal na mahal din kita. Alam niyong isa kayo sa mga dahilan ni papa kaya nag flysung ako dito sa Middle East para kahit papano makatulong sa inyo.

Masaya ako at ikaw ang naging pangalawang nanay ko. Kahit di tayo mayaman at wala tayong lupain tulad ng kapitbahay nating ni Donya Linda, masaya pa rin ako at sayo ako napunta. I lab you Ma!

Mahal na mahal kita Mah, kahit hindi ko ito sinsabi ng madalas.

See you soon. Muah! Muah! Tsup! Tsup!

Ang iyong Unico Hijo,
          Richie

 Si Mommy at ang Maalagaing si Mama

4 comments:

  1. D'awww... ang sweet ng letter. :)

    Happy Mom's day to your Mommy and Mama. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. awwww din. isang super leah ang bumusita sa blog-blagan ko. thx mam! kilig much me! ^^

      Delete
  2. aw tamis! may remittance talagang factor eh no? ^_^

    i use canon 500D lamang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahh canon 500D pala yun. thx mem!

      gudluck sa phl360 "The Urban Nomad" ^^

      Delete