Monday, May 7, 2012

I lab/h8 my Sabado

Kahit na puyat dahil nakipag inuman nung hwebes ng gabi, nagawa ko pa rin magpuyat ulit at natulog ng 5:00 ng umaga kaka nood ng porn. Joke!! Nagising ako bandang 11:35 ng tanghali. Nag branch, jumibs, naligo at nagbihis. Shorts, Tshirt at nag Shoes syempre nag brip din ako. Majinit kasi kwarentay singko ang jinit kaya dapat komptabol ang suot ko para di masyadong pagpawisan ang kili kili ko.

May lakad kasi ako. Luluwas ang probinsyano at pupunta ng lungsod. Makikipagkita ako sa babaing pamangkin ng gelpren ko. Kukunin ko yung mga padala niya dadalhin ko pauwi ng Pinas. Sasamahan niya rin akong bumili ng make-up at bag para sa gelpren ko. Kailangan ko ng kasama baka mapagkamalan na naman akong beki ipahuli pa ako sa mga CID. Tsaka anong malay ko sa mga make-up and bag eclavo na yan! my gas!

So ayun nga, sumakay ako ng bus. Maluwag naman at dahil isang oras din ang byahe, nakuha ko pa picturan ang sarili ko at nag emo to death habang binabagtas ang kahabaan ng byahe at nakatingin sa malawak na disyerto.
oh my noes!!
After 48 years, nakarating din sa bus station at sumakay ulit ng isa pang bus para makarating sa mall na pagkikitaan namin ng pamangking ng gelpren ko. At after 35 years, nasa mall na ako.

Pagbaba sindi muna ko ng yosi. Di ko inalis shades ko para di halata pag nakatitig ako sa mga mogogondang babae. Yung totoo? Gawain din yan ng ibang kalalakihan!

Pag ubos ng yosi pasok na ko sa loob ng mall. Tinawagan ang pamangkin ni gelpren at inalam kung san ko siya makikita. Sa looob din kasi siya ng mall nag tatrabaho at naka duty siya nung araw na yun.

Habang naglalakad at hinahanap ang lugar kung nasan siya, may naramdaman akong kakaiba. Punyeta yung paa ko parang may humihiwa sa bandang sakong! At ang humihiwa ay sapatos ko! Alam ko na agad mangyayari. Magkakasugat ako nito sa paa at buong hapon ko itong iindahin.

Di nagkamali ang Madam Auring power ko. Habang papunta ko sa pamangkin ng gelpren ko, nararamdaman ko na na may sugat na nga ang kanang sakong ng paa ko. Pero keri lang! sabi ko sa sarili ko.

At nagkita na nga kami ni pamangkin. Nagkwentohan at konting bolahan. Tapos nagpaalam muna ko sa kanya sabi ko mag iiikot ikot muna ko sa mall kasi mamayang 5 pa ng hapon ang break nya eh 3:30 palang naman nun.

Pero ang di niya alam bibili ako ng medyas dahil di ko na kaya ang sakit sa paa ko. Bumaba ako at pumunta sa Supermarket at naghanap ng medyas. Sa kasamaang palad walang low cut na medyas (low cut talaga?) puro mahahaba pero kinuha ko na rin itututpi ko na lang. No choice ayoko na maglakad pa at maghanap.

Pagkabayad, takbo ko agad sa Comport Rum at nag medyas. Masakit pa rin pag naglalakad pero ok na rin. Binalikan ko si pamangkin mag papa payb na rin kasi nun.

Habang naglalakad kami, masakit pa rin talaga walang pagbabago. Manipis lang din kasi ang medyas na iyon. Pero kinaya naman ng powers ko at nabili rin namin ang mga pasalubong para kay gelpren. Kinuha ko na rin ang padala niya at nagpa alam na kami sa isa't isa.

Lipad ako agad sa bus stop dahil di ko na talaga kaya maglakad at medyo mabigat din ang dala ko kaya gusto ko na rin umuwi.

Pagbaba sa bus station, dalawang bagay ang gusto kong gawin bumili ng tsinelas at kumain dahil nagugutom na ako. May nakita akong sports churva na store at dun ako naghanap ng tsinelas. Buti na lang nakakita agad ako. Walang kemi-kemi sinuot ko agad ang yellow na tsinelas, nilagay sa paper bag ang letseng sapatos at medyas saka nagbayad!

Ayun natapos din ang paghihirap ko. Sobrang saya ko ng mga oras na yun. Parang yung feeling na taeng tae ka na, halos bumulwak na sa wetpaks mo ung ebak, at pag upo mo palang sa inidoro, nagtutulakan pa ang mga shits kung sino ang mauunang lumabas? ganun.

Pagtapos ng momnet na yun lipad ulit ako sa isang Pinoy Restaurant. Nilantakan ang Bicol Express at dalawang order ng kanin. Tapos naghanap ng perfume store at bumili ng pabango para parin sa aking gelpren saka umuwi pabalik sa probinsya ng Qatar.

TAPOS!!
Ang mga nabili para sa jowa
Ang nabili dahil sa paltos na paa
At ang paltos na kanang paa
ang aking foor pit T_T

4 comments:

  1. At yung ilong mo talaga ang napansin ko sa unang picture. LOL! Oh noes! :)

    Bilib ako sa pagiging galante sa dyowa ha. Lalo pa pag napangasawa na yan. Haha.

    PS. Blog lang ng blog. Mamalay ka na lang, marami ka na rin fans, readers at blogger friends.

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang gusto kong tumambling napadaan ka at nagcomment pa sa munti kong blog!

      salamat sa pagdaan ser sob!

      Delete
  2. hong yomon mo koya! hihi taragis

    ReplyDelete
  3. di nomon sor! ilang gabi din akong naghapunan ng cup noodles mabili lang nyan..

    salamat din sa pagdaan ser. isang karangalan! ^^

    ReplyDelete