Wednesday, June 27, 2012

Nagmamaganda

Google
Ok mabilis lang to. Sinamahan ko kahapon si gelpre para bumili ng sapatos para sa kanyang trabaho. Alas Dos ng hapon ang labas niya so hinintay ko pa siya at nagkita kami bandang Alas Tres na. Sumakay kami ng Jeep.   Pagkasakay sa jeep walang masyadong pasahero. Isang Ate at dalawang lovers lang. Umupo kami ni gelpren sa bandang dulo ng Jeep.


Hindi pa nakakalayo ang Jeep ng huminto ulit ito. May sumakay. Isang babae at isang lalaki. Walang duda magkasintahan sila. Umupo sila sa tapat namin. May itsura ang lalaki, may kataasan, maputi, gwapo. Ang babae naman, naka lipstick ng pink. Yun na yun basta naka lipstick siya.


Hindi naman talaga ko mahilig magmasid ng mga babae na may bowa na. Pero itong si ate iba. Ang lakas ng arrived! Pano ba naman bunganga lang niya ang naririrnig sa Jeep. To think na ang lakas na ng tunog ng tambutso ng Jeep ni Manong. Sa bawat pagdaan ng sinasakyan naming Jeep sa mga establishments along the Hi-Way, may comment siya. Na kesyo "Diyan ako nagpa SALOON last month" "Ay! Gusto ko magpa Spa diyan minsan"  "Diyan malapit nakatira si Camille yung freind ko, remember?" At nilalabas  niya ang kanyang 4th Gen ipod touch, kausap ang jowa niya na panay naman ang ayos sa kanyang buhok.


Napataas ang naka curl kong kilay, para tuloy gusto kong hugutin sa aking bag ang aking Ipad3, Samsung S3, Iphone 4s at dawalang Mac Book Pro with Retina Display! Pero hindi na. Dahil wala naman akong ganun. Hehe.


Dahil para siyang binabayaran para magsalita, nakatingin na kanya si Ate, yung magjowa sa harapan at kaming dalawang magjowa rin. May mga pagkakataon ngang nagkakatinginan kami ni Ate na unang pasahero at napapangiti. Si gelpren naman pag tinitignan ko at nakikita kong nakatitig siya dun sa babaing naka lipstick, alam kong isa lang nasa isip naming dalawa. Ang arte-arte niya!


Lumiko ang Jeep para magpa gas. Habang nagpapagas ang sinasakyan namin, biglang nagsalita ang bowa ng babaing naka lipstick.


"Ang oily ng mukha ko."


"Sige i will put powder" Sagot ng babae sabay labas ng pulbo sa bag.


Akma ng lalagyan ng babae ng pulbo ang bowa niya ng nagsalita ang lalaki ng: "Mamaya na lang, baka lumipad lang yan."


Nahiya ata.


"You waste my effort! You always do that! I hate you!"


Putangina! Parang gusto kong tumambling bigla! Englisera? Soyal? Sa limousine nakasakay? Kaloka.


Sasabihin ko sana "Te, baka ang ibig mong sabihin eh You just wasted my effort! Your always doing that! I hate you!" Tama ba ang grammar ko? Correct me if your right. lels.


Umusad na ang Jeep. Pagdating sa isang kanto bumaba na sila at sumakay sa isang trisikel



Pag andar ng Jeep, nagawi ang tingin ko sa inuupuan  ng mag jowa. At nakita kong basang basa ang upuan kung saan umupo ang babaing naka lipstick. Kitang kitang nakabakat ang hita ng babae. Naka shorts kasi siya ng maikli at walang duda kung ano yun. Pawis! Isang kutsarang pawis!

10 comments:

  1. ha ha ha salamat!
    pinasaya mo ang sira kong araw lolz. Aliw na aliw talaga ako sa post na to, uber!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Btw, ako'y nagbalik (at tawa pa rin ng tawa) upang iphatid sayo na ikaw ay may award dito:
      http://balutmanila.blogspot.com/2012/06/versatile-blogger-award.html

      Delete
  2. hahaha asiwa ako sa mga ganung babae, conyo-conyohan hahaha. social climber

    ReplyDelete
  3. Hahahaha! ang saya neto.. ang bongga ng pang-ookray mo! Yamot yun mga arte arteng mga ganyan sa jeep, o kahit sang pampublikong lugar, lalo na kung ang arte ay hindi naman naaayon sa ganda, hahaha!!!

    ReplyDelete
  4. Hahaha. Sarap sapakin ang babaeng yan! Hahaha

    ReplyDelete
  5. Hahaha! Ang arte ng babae. Siguro mataba yon no? LOL

    ReplyDelete
  6. HAHAHAHAHAHA! tawang tawa ako!! uber much arte naman ni ate. super feeling!

    ReplyDelete
  7. aw she's having pawis on her singet! hehehe kaines!

    napadaan lang po.. gandang araw!

    ReplyDelete
  8. grabi tong sturya mo ha. Pareho pala tayo. Isa talaga sa mga kinaaasaran ko ay yung mga babaeng akala mo kung sinung maganda. Sheeeekz!!. hahah

    ReplyDelete
  9. i hate those kind of gurls hahaha

    ang sarap ihulog eh haha

    :))

    ReplyDelete