Monday, July 2, 2012

Versatile Blogger Award (Part 2 The Award's Night)

Google
Oh di ba umo Oscar Award lang ang piktyur?

Binigyan ako ng award nung isang araw ni Medem Balut ng Balut Manila na Versatile Blogger Award. English ang award kaya di ko maipapaliwanag kung ano ang ibig sabihin nito. hehe. Pero check mo na lang DITO ang Part 1 ng post na'to kung gusto mong malaman ang buong istorya.

Versatile Blogger Award's 3rd Rule: 

Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.

Di ba english ulet? Pero kinaya naman ng understanding ko kaya ito na't ipapasa ko na ang corona ng  mga babaylan sa kagubatan!
  1. T.R Aurelius ng Theo's Casanova
  2. Marvin De Gracia ng Just my two cents *edited: De Gracia pala hindi De Garcia :)*
  3. Jessica Lopez ng Pagguhit ng mga Salita
  4. Orange Pulps ng A Dose of Orange Ink
  5. Jela ng Seeker of Perfection
  6. tadong daniel ng latak ng utak
  7. rchardjcob ng just like you. only better
Ayun na! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mahina talaga ko sa enumeration. Pasensiya na at hindi ko mabubuo ang labing-limang taong dapat pagpasahan ng award na ito. Pito lang kaya ng powers ko. May mga naiisip akong bigyan ng award pero bukod sa meron na sila eh nahihiya ako dahil mga batikan na sila sa mundo ng blogging at sino ba naman ako para bigyan sila ng award? Ako na isang hamak lamang na bagito, bagohan, dugyot, putik, kuyukot, tutuli at lamang lupa! :)

Kaya Lucky 7 na lang. Ipagpatawad mo Madam Balut at sa kung sino man ang nagpasimula o gumawa ng award na ito.

Sa mga nabigyan/na-tag naman ng award, hindi man ako palaging nag-cocomment sa mga blog niyo palagi ko naman itong binabasa tuwing lumalabas ang inyong entry sa aking Reading List. Shy type lang talaga ko.


PEACE!!

18 comments:

  1. yey! may awardees na!
    CONGRATULATIONS sa lahat ng napili mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kulang nga lang madam. sencya na.

      Delete
  2. Hala ka, lagot ka kay Medem Balut, bibigyan ka din nya ng matinding parusa! Congrats sa lahat ng awardees! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. honga baka isumpa niya meee!! charing!

      Delete
  3. napabuntong hininga naman ako dito. thank you so much sa award kuya. and CONGRATULATIONS to the rest who got an award :)))

    this made my day ♥

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag cute kasing kagaya mo dapat may award din tapos ang galing mo pa sumulat. hehe


      salamat! congrats din sau! :)

      Delete
  4. Yay! Mainam mainam! :D at dahil sa post na ito naalala ko na mayroon pa pala akong ipamimigay na award! :)

    Congrats sa lahat ng nakatanggap :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. isa ka dapat sa pagpapasahan ko eh kaso tinignan ko meron na u! :)

      Delete
  5. isang malaking karangalan talaga ang mabigyan ng award kaya sana kahit mga batikan na yung iba na gusto mong bigyan, sinubukan mo pa rin dapat. meron akong binigyan ng award, si Nurse Tina at alam mo ba, mas may-K pa sya sa akin sa mundo ng blog kasi nga eh nagsusulat yun sa mga magazines kasi freelance writer sya. at isa pa, naaliw ako sa mga binigyan din nya ng awards, may mga lawyer bloggers pa sya binigyan and to think na isa lang din akong nagpapanggap na blogger eh yung binigyan ko isang heavy weight na sa blogosphere. o db? kaya sana kompletuhin mo rin mga awardess mo. wala naman yata deadline kung kelan mo dapat buoin yung 15 eh, db "Medem Balut"?

    nga pala, congrats! inuna kasi mga kaek-ekan eh. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa payo ser. yaan nyo at sa pag nagka balls na ko ng malaki, susundin ko ang inyong payo.

      btw, nag email ako sau ser about something. kindly check it. thx. :)

      Delete
  6. ahaha, ang haba pala comment ko, sing haba na ng post.

    ReplyDelete
  7. naku first time ito sa tanan ng buhay ko...

    nakakatuwa naman, halos hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang galak ko, hehehe.

    SALAMAT :D
    Congrats sa iba pang AWARDEES ^_^

    ReplyDelete
  8. Congratuleyshonssssssssssss! hehehe

    ReplyDelete
  9. ayun oh! nakita ko ang blog ko sa listahan.

    ay teka lang.. ako nga ba yun? "De Garcia" kasi eh. "De Gracia" ako.

    maraming salamat! =] hindi man din ako madalas magcomment sa blog mo, nababasa ko ang nakatutuwa mong mga blog posts!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay sorry for the typo. oo ikaw yan. edit ko na lang. hehe. congrats sau!

      Delete
  10. WOW! nagulat naman ako. maraming salamat! ngayon lang ako nakatanggap ng award. akala ko walang nagbabasa ng mga sinusulat ko. hindi ko rin maintindihan yung award. pero feeling ko naman positive, kaya salamat pare!

    ReplyDelete