Friday, May 18, 2012

Koya Wag Po.. (a true story)

Tatlong araw pa lang ako noon dito sa Qatar. Dahil sa bagohan at ito ang unang karanasan ko sa pangingibang bansa, sabik ako makipagkwentohan sa mga nauna o mga batikan na sa pangingibang bansa para magtanong at makipagkwentohan ng mga karanasan nila dito sa Qatar .

Dito ko nakilala si Alfred (hindi tunay na pangalan) Si Alfred ay kasama sa ating mga kababayang nabibilang sa third sex. Matanda siya ng limang taon sa akin. Mabait, makwento at kalog itong si Alfred. Sa mahigit na isang oras kong pakikipagkwentohan sa kanya kasama ang mga housemates sa bahay ni kuya, chos! nalaman kong siya ay breed winner ng kanyang pamilya. Nakakaantig ang kwento ng buhay ni Alfred at kung ikekwento ko pa sa inyo ay baka mapasulat pa kayo bigla sa Wish ko lang Or Dear Showtime Family kaya huwag na lang.

Sa maikling oras ng pakikipag kwentohan namin kay Alfred, nakagaanan na rin namin siya ng loob. Dahil na rin siguro sa kwento ng buhay niya at sa pagiging palabiro niya.

Bago matapos ang kwentohan namin may ibinulong sakin si Alfred.

"Punta ko sa kwarto niyo mamaya, wag kang mag lolock ng pinto"

Nawindang me sa sinabi niya. T'was like! WTF?!! Agad agad? sabi ko sa sarili ko.

"Hahaha! loko loko!

Ang sagot ko sa kanya para matapos na lang ang usapan at umalis na rin ako kasama ang mga housemates ni kuya. 

Kinagabihan:

Maaga akong humiga sa aking kama. Dahil wala pang libangan, nagkwentohan na lang kami ng aking mga kakwarto.  Wala pa kaming mga trabaho noon kaya umabot ang kwentohan namin ng ala una ng madaling araw hanggang sa napagkasunduan na rin naming matulog na.

Mga alas tres na po yun Kuya Tulfo, mahimbing ang aking tulog. Madilim ang buong kwarto at ang tanging maririnig mo lamang ay tunog ng aircon sa aming silid.

Nang walang ano ano'y naramdaman kong may nagtataas ng aking makapal na blanket.


TULOY KO BUKAS ANG KWENTO MANONOOD PA PALA KO NG LIFE STORY NI BOB MARLEY.


Thursday, May 17, 2012

The Hot Teacher


Tama na muna ang mga balita tungkol sa pagbu-bully at pagha-hack ng China sa Pilipinas. Dito muna tayo sa magandang babae na isa ring chekwa.

Meet Zhu Songhua. Si ate Zhu ay isang elementary teacher sa isang iskul sa China. Dahil nga sa Hot at maganda siya, binansagan si atembang bilang "China's Sexiest Female Teacher". Ang Vital statistic niya ay  34-26-34 may taas na 168cm at may timbang 50kg. Oh di ba panalo si mam?!

Dahil sa pagiging hot and sexy niya at dahil na rin sa biglang pagsikat niya, nagduda ang ilan kung makakapagturo ba ng maayos ang isang magandang titser tulad niya. Pero kung ako? kahit wala ng recess at may pasok pa ng sabado at linggo! Kung ganito ang magtuturo sakin. hehe






Parang ang sarap bumalik sa elementarya.


Images from Google

Wednesday, May 16, 2012

Ang Aking Desktop

Dahil buryong buryo na ko, ise-share ko na lang ang aking humble Windows Desktop pampadagdag na rin ng post count. Na released na rin kasi ang hinihintay kong 5.0 Version ng Omnimo.

Windows 8 Metro UI Inspired Desktop
Click me papi to enlarge meee

Windows Visual Style: .Soft7.iMod
Rainmeter Skin: Omnimo 5.0
Facebook for Rainmeter: Facebook for Rainmeter 2.1

Rocket Dock Icon: Glossy Standard 1.1
Start Orb Icon: Metro Squared 7 Start Orb


PEACE!!

Sunday, May 13, 2012

A Mudrax Day Ispeysyal Part 2


Bukas na liham para sa aking Pangalawang Inay
Inspired by: Open Letter to Mom by Sir Jepoy at jepoytabachoy.blogspot.com

Dear Mama, 
Sa 24 taon kong nabubuhay sa mundong ibabaw, hindi pa yata kita nabibigyan ng sulat. Kahit na simpleng birthday card yata wala pa. Pero sa pagkakataong ito, kahit na hindi ko alam kung mababasa mo ito ay gagawan pa rin kita.

Dalawang taon na rin tayong di nagkikita at nagkakasama. Alam mo naman ang solo mong anak sipag sipagan kaya OFW muna ang peg ko. Huwag kang mag alala malapit na rin tayong magkasama ilang linggo na lang.  Alam ko namang miss na miss mo na ang iyong unico hijo at ganun din naman ako. Miss ko na ring gayahin kang magsalita kapag di mo suot ang pustiso mo.

Mama, salamat sa pag aalaga sakin hah? Salamat at itinuring mo akong tunay mong anak. Kahit matigas ang ulo ko di ka pa rin nagsasawang pagsabihan ako at paluin ng sanga ng bayabas nung batang musmos pa ko. Di ko makakalimutan ang mga alaga moments mo sakin. Tulad nalang kapag maliligo ako sa ulan at ilog di ba nilalagyan mo pa ng langis ng niyog ang likod ko para di malamigan? tsaka dapat 1 oras lang para di magkasakit. Natatandaan ko pa noon kapag may sakit naman ako, nag fefeeling albularya ka at pinapainom mo ako ng nilagang dahon ng oregano at kung ano anong dahon ang tinatapal mo sakin. Tsaka di ba po salitan kayo ni papa na magpaligo sakin nung 6 yrs old pa ko? At maghugas ng pwet ko tuwing pagtapos kong magpopo kasi nandidiri ako sa sarili kong shit? Natatandaan ko po lahat yun at ang marami pang ibang mga pag be-baby niyo sakin kahit nasa grade 4 na ko.

Happy Mother's Day sau Mama! Alagaan mo naman ang sarili mo. Di naman kaila sayong di ka na bata at wala na ang beauty queen mong ganda. Tigilan mo na ang paninigarilyo ng Lakampana at Champion please lang. Ipaubaya mo na sa akin ang pagyoyosi, Ok?

Pasensiya ka na at di ko pa mabigay ang apong gusto mo. Alam mo naman taliwas yun sa gusto ni Mommy. Tsaka hindi ko pa talaga kaya magka anak. Di pa pwede isingit sa budget. Sige kayo rin, mababawasan ang remittance ko inyo buwan buwan pag nagkataon. Gusto mo ba yun? hehe. Huwag kang mag alala at aabutan mo pa ang magiging apo mo basta alagaan mo lang ang sarili mo at ipagpatuloy mo lang ang kembot exercise mo tuwing umaga.

Gaya ng sabi ko kay Mommy, mahal na mahal din kita. Alam niyong isa kayo sa mga dahilan ni papa kaya nag flysung ako dito sa Middle East para kahit papano makatulong sa inyo.

Masaya ako at ikaw ang naging pangalawang nanay ko. Kahit di tayo mayaman at wala tayong lupain tulad ng kapitbahay nating ni Donya Linda, masaya pa rin ako at sayo ako napunta. I lab you Ma!

Mahal na mahal kita Mah, kahit hindi ko ito sinsabi ng madalas.

See you soon. Muah! Muah! Tsup! Tsup!

Ang iyong Unico Hijo,
          Richie

 Si Mommy at ang Maalagaing si Mama

A Mudrax Day Ispeysyal Part 1


Bukas na liham para sa aking Unang Inay
Inspired by: Open Letter to Mom by Sir Jepoy at jepoytabachoy.blogspot.com

Dear Mommy,
Pagkatapos ng mahabang panahon, nakapagsulat ulit ako sayo. Kung dati ay sumusulat ako sayo para ibili mo ako ng cartridge ng gameboy, ngayon gusto ko naman sumulat sayo para magpasalamat at sabihin ang  mga nararamdaman ko.

Salamat sa pagpupursige mo sa akin mula pa nung cute na bata pa ako. Salamat sa pagpapa aral at patuloy na pagtulong sa akin kahit na may trabaho na ako. Yung mga luho ko pinagbibigyan mo parin. Ganun talaga mas malaki ang kita mo sakin eh. Kahit na lagi mong sinasabi na pagod na pagod ka na at gusto mo na rin magpahinga sa pagtatrabaho, hindi ka pa rin tumitigil. Salamat.

Kahit na 24 anyos na ako at siguro mga 3 times palang tayong nagkasama sa buong buhay ko, (joke) gusto kong malaman mo na mahal na mahal pa rin kita. Wala man tayong maraming memories na magkasama, alam kong miss mo na rin ako, don't worry ganun din ako sayo.

Naintindihan ko rin naman kung bakit mo ko nagawang iwan kila Mama at Papa. Alam kong nagawa mo iyon kasi kailangan at hindi dahil gusto mo. Naiintindihan ko po yun Mommy don't worry. Tsaka baka kung di niyo ginawa yun, di ko lang alam kung saan tayo pupulutin ngayon. Baka maaga kong naibenta ang payatot kong katawan pati na rin ang aking kidney. 

Alam ko di ako naging masyadong mabuting anak nung bata bata pa ko at di ako lumaki ng ayon sa gusto mo. Pasensiya na po at wala na akong magagawa tungkol dun, alam ko naman sa sarili ko na hindi ako matalino madiskarte lang. Di tulad ng mga payboret mong mga pamangkin na nung nagsabog ata ng katalinuhan balde ang dala nila at ako baso lang . Pero ito lang masasabi ko: Sa oras na talikuran ka ng lahat ako at si utol ang tatayo at sasandalan mo tapos sisigaw tayong tatlo ng "PAK U OL!!"

Huwag ka rin mag alala mommy at di pa kami mag-aasawa ni Pat. Alam ko namang feeling mo eh 12 pa lang ako. Di pa ako mag aasawa hanggat wala pa kong sariling bahay at stable na buhay kahit na kating kati na akong maglakad sa dambana. :)

Ngayong maders day, as usual wala akong regalo sayo. Apo gusto mo? Pero kahit na wala akong gift, simpleng "Happy Mother's Day Mommy! I love you and Thank you" ay alam kong masaya ka na. Wag ka ng demanding sa gift sanay ka naman walang natatanggap samin ni pango. hehe.

At tungkol naman sa paghahanap mo ng bagong bowa o asawa, ayos lang naman sakin yun. Basta alam kong aalagaan ka niya, mamahalin at di iiwan hindi katulad ng asshole kong tatay. Kung sino mang demonyo yun. hehe.

Hanggang dito na lang ang liham kong toh. Salamat ulit sa lahat. Salamat at ikaw ang naging nanay ko. Salamat at di mo ko pinabayaan. Salamat din sa walang sawang pagmamahal samin ni pango. Your the best mudrax in the world. Happy Mother's Day ulit! I Laaaahhbb You!!

PS:
Wag mo na sanang sabihin sa mga katrabaho mo na magkamukha tayo at iwasan mo na sana ang pagiging matampuhing frog. Napaghahalatang nag mi-menopause ka na. haha!

Ang iyong Panganay,
     Richie

Ran (Dog), Maiko (Haponesang Kapatid) at Ang Matampuhing Nanay

Saturday, May 12, 2012

OPERATION-365

Dahil inggeterong palaka ako, naisipan ko rin gawin ang project na ito. Panay kasi ang pag ba-blog hop ko nitong mga nakaraang araw at nakita ko ito sa ibang mga bloggers. Ito yung project na ido-document mo ang mga highlights sa buhay mo sa pamamagitan ng pagkuha ng isang picture araw-araw. 


Gusto ko sanang gawin ko sa birthday ko sa 23 kaso eggcited much na ko kaya sisimulan ko na ngayong araw.

Sa tumblr ko na lang ginawa ito para naman may pakinabang ang account ko doon, puro agiw na kasi tsaka wala pang laman.

Bakit ko naisipang gawin ito? Dahil nga inggetero ako at para naman may pagkakaabalahan ako sa mga sususunod na araw habang naghihintay ng pag uwi sa Pilipinas kong mahal. Tsaka pa rin maiwasan ko manood ng porn. 

Di ko na matandaan kung sino yung mga bloggers na pinag gayahan ko nito sa dami ng mga nabibisita kong blogs nitong mga nakaraang araw. Kaya kung sino man kayo, Solomot!

Commencing OPERATION-365

ansabee??


Edited: July 7, 2012
FAILED! FAILED! FAILED!!



Friday, May 11, 2012

SAK MO

Google
Ilang linggo ko na rin sinusubaybayan ang docu styled travel series na BIZARRE FOODS with Andrew Zimmern. Dahil hindi naman ako mahilig  manood ng tv sa Pilipinas, kakatuklas ko palang ng programang ito last month. Nasa first season palang ako (torrent mode) kahit na nakaka 7 seasons na ito sa kasalukuyan sa America.

Anyway, ang programang ito ay Rated PG. chos!

Tungkol ito sa isang matabang mama na lumilibot sa ibat ibang singit ng mundo para lumantak ng mga kakaibang pagkain. Ang saya di ba? Binabayaran para bumyahe at lumamon.

Nakakatuwa kapag tinitikman na ng matabang mama na ito ang pagkain. Ang galing niya kasi kapag dini-describe niya ang mga pagkain na pumapasok sa bunganga niya. Wala siyang inuurungan kahit na anong klaseng pagkain mapa bulate, hilaw na utak ng mga hayop o insekto yan, walang kemi niya pa rin tong kinakain.

Ito mga sampol ng mga pagkain na hinalungkat ko sa Google.

Barbecued Racoon
Porridge made with Enset Paste and Butter
Monkfish
Duck Head
Dried flying Lizard
Fish Head Curry
Uncooked Snails
Scorpions on Shrimp Toast
Anak ni LoLong The Buwaya
Camel Tounge
Dugo ni Valentina
Ito ang mga bansang napuntahan na ni kalbo. (source: Wikipedia)
oh di ba dinaig pa niya ang pinagsamang Dora at Bogart the Explorer

Gaya ng nasa map, nakabisita na rin si kalbo sa Pilipinas sa kanyang 2nd EPISODE SEASON 1. Nasa Youtube yung episode nya sa Pinas search niyo na lang kung gusto niyong panoorin. Nakakatuwa ang episode na yun lalo na yung gulat na gulat siya sa ice cream na pinalaman sa tinapay.

Sabi nga ni kuya Andrew: "If it looks good, EAT IT!!"



Thursday, May 10, 2012

Mga Bagay na Gusto kong Sabihin sa Aking Peysbuk Friends

Google

"Tang ina pati ba naman yan"
Ang madalas kong masabi sa sarili ko kapag nag pepeybuks at nakakakita ng kung anong status, video o picture sa feeds ng peysbuk ko. Dahil wala akong balls para sabihin ng harapan o magcomment sa mga post na ito, dito ko na lang sasabihin.

1. Unang-una hindi na ako naglalaro ng games sa peysbuks kaya tigil tigilan niyo na ang pagbibigay sakin ng request ng mga games! tengenengyen!

2. Oo na ikaw na cool, ikaw na ang Rakista pero pwede ba bawasan mo ang pagpopost ng mga video ng idol mong mga rockbands? Ok sana eh kaso kung konti lang pero punyeta every minute 1 video?! Unli lang?

3. Kung may problema ka wag ka sa peysbuk umiyak. Di malulutas yan kahit na ilang milyong beses mo pang post yan sa status mo. Tapos pag tatanungin ka ang isasagot mo "basta kaya ko toh" Attention seeker ka?

4. Huwag mong ilalagay sa status mong magpapakamatay ka o gusto mo ng mamatay kung wala ka naman bayag para gawin yun. Ista-status ka ng ganyan tapos mamayang konti nakikita na naman kitang pakalat kalat sa peysbuk feeds ko.

5. Pwede bang wag niyo akong ipm para lang ipa like ang picture, status o jejemon page na gingawa niyo? Ila-like ko yan kapag gusto kong ilike. Hard to get talaga ko sa paglilike pilitin niyo muna ko.

6. Maari bang wag ka post ng post ng mga resto at picture ng pagkain? Pano kung diet ang iba mong friends edi para mo silang tinu torture. At sa kalagayan ko naman, ilang linggo na ring pa ulit ulit na putahe ang aking kinakain at ang mga picture ng masasarap na kainan at pagkain at nagpapa hirap sa pang araw araw kong pamumuhay.

7. Ikaw na mayaman, ikaw na ang may magandang trabaho at buhay. Pero bawasan mo naman ang pagkuha ng picture ng mga bagay na nabili mo tulad ng bagong cellphone, relo, ipad, bahay at kung ano ano pang kimberly. Taragis! Naiinggit ako!

8. Mga Kuya, mga Ate please lang mag tagalog na lang kayo pag nagpopost kayo ng mga status niyo kung alam niyo naman sa sarili niyo na di kayo magaling mag ingles tulad ko. Di yung ganito pag nababasa ko nanlalambot ang katawang lupa ko! 

kill me now!!
 9. Mag log out ka muna bago ka manood ng porn sa Metacafe o Dailymotion at wag mong gagamitin ang facebook platform nila. Napupublish kasi sa feeds ko na man to man ang porn na hilig mo. Men na Men pa naman ang peg mo kapag nag uusap tayo. 

10. At bilang panghuli, sa mga ibang lahing nag aadd sakin, di po ako beki mga koya. Lalaki po ako. Lalaki! Kaloka. Reslengin ko kayo eh!


Monday, May 7, 2012

I lab/h8 my Sabado

Kahit na puyat dahil nakipag inuman nung hwebes ng gabi, nagawa ko pa rin magpuyat ulit at natulog ng 5:00 ng umaga kaka nood ng porn. Joke!! Nagising ako bandang 11:35 ng tanghali. Nag branch, jumibs, naligo at nagbihis. Shorts, Tshirt at nag Shoes syempre nag brip din ako. Majinit kasi kwarentay singko ang jinit kaya dapat komptabol ang suot ko para di masyadong pagpawisan ang kili kili ko.

May lakad kasi ako. Luluwas ang probinsyano at pupunta ng lungsod. Makikipagkita ako sa babaing pamangkin ng gelpren ko. Kukunin ko yung mga padala niya dadalhin ko pauwi ng Pinas. Sasamahan niya rin akong bumili ng make-up at bag para sa gelpren ko. Kailangan ko ng kasama baka mapagkamalan na naman akong beki ipahuli pa ako sa mga CID. Tsaka anong malay ko sa mga make-up and bag eclavo na yan! my gas!

So ayun nga, sumakay ako ng bus. Maluwag naman at dahil isang oras din ang byahe, nakuha ko pa picturan ang sarili ko at nag emo to death habang binabagtas ang kahabaan ng byahe at nakatingin sa malawak na disyerto.
oh my noes!!
After 48 years, nakarating din sa bus station at sumakay ulit ng isa pang bus para makarating sa mall na pagkikitaan namin ng pamangking ng gelpren ko. At after 35 years, nasa mall na ako.

Pagbaba sindi muna ko ng yosi. Di ko inalis shades ko para di halata pag nakatitig ako sa mga mogogondang babae. Yung totoo? Gawain din yan ng ibang kalalakihan!

Pag ubos ng yosi pasok na ko sa loob ng mall. Tinawagan ang pamangkin ni gelpren at inalam kung san ko siya makikita. Sa looob din kasi siya ng mall nag tatrabaho at naka duty siya nung araw na yun.

Habang naglalakad at hinahanap ang lugar kung nasan siya, may naramdaman akong kakaiba. Punyeta yung paa ko parang may humihiwa sa bandang sakong! At ang humihiwa ay sapatos ko! Alam ko na agad mangyayari. Magkakasugat ako nito sa paa at buong hapon ko itong iindahin.

Di nagkamali ang Madam Auring power ko. Habang papunta ko sa pamangkin ng gelpren ko, nararamdaman ko na na may sugat na nga ang kanang sakong ng paa ko. Pero keri lang! sabi ko sa sarili ko.

At nagkita na nga kami ni pamangkin. Nagkwentohan at konting bolahan. Tapos nagpaalam muna ko sa kanya sabi ko mag iiikot ikot muna ko sa mall kasi mamayang 5 pa ng hapon ang break nya eh 3:30 palang naman nun.

Pero ang di niya alam bibili ako ng medyas dahil di ko na kaya ang sakit sa paa ko. Bumaba ako at pumunta sa Supermarket at naghanap ng medyas. Sa kasamaang palad walang low cut na medyas (low cut talaga?) puro mahahaba pero kinuha ko na rin itututpi ko na lang. No choice ayoko na maglakad pa at maghanap.

Pagkabayad, takbo ko agad sa Comport Rum at nag medyas. Masakit pa rin pag naglalakad pero ok na rin. Binalikan ko si pamangkin mag papa payb na rin kasi nun.

Habang naglalakad kami, masakit pa rin talaga walang pagbabago. Manipis lang din kasi ang medyas na iyon. Pero kinaya naman ng powers ko at nabili rin namin ang mga pasalubong para kay gelpren. Kinuha ko na rin ang padala niya at nagpa alam na kami sa isa't isa.

Lipad ako agad sa bus stop dahil di ko na talaga kaya maglakad at medyo mabigat din ang dala ko kaya gusto ko na rin umuwi.

Pagbaba sa bus station, dalawang bagay ang gusto kong gawin bumili ng tsinelas at kumain dahil nagugutom na ako. May nakita akong sports churva na store at dun ako naghanap ng tsinelas. Buti na lang nakakita agad ako. Walang kemi-kemi sinuot ko agad ang yellow na tsinelas, nilagay sa paper bag ang letseng sapatos at medyas saka nagbayad!

Ayun natapos din ang paghihirap ko. Sobrang saya ko ng mga oras na yun. Parang yung feeling na taeng tae ka na, halos bumulwak na sa wetpaks mo ung ebak, at pag upo mo palang sa inidoro, nagtutulakan pa ang mga shits kung sino ang mauunang lumabas? ganun.

Pagtapos ng momnet na yun lipad ulit ako sa isang Pinoy Restaurant. Nilantakan ang Bicol Express at dalawang order ng kanin. Tapos naghanap ng perfume store at bumili ng pabango para parin sa aking gelpren saka umuwi pabalik sa probinsya ng Qatar.

TAPOS!!
Ang mga nabili para sa jowa
Ang nabili dahil sa paltos na paa
At ang paltos na kanang paa
ang aking foor pit T_T

Saturday, May 5, 2012

Walang Basagan ng Trip

Kanina habang naglalaba ako, kung ano -  ano na namang pumasok sa isip ko. Yun bang tamang muni - muni ka habang panay ang kusot mo ng mga maruruming damit? Isa sa mga pinagtuunan ng aking gunita (waw may ganun?) ay ang mga kakatwang bagay na una kong nakita sa dalawang taong pag tatrabaho sa bansa ng Arabyano. Kakatwa para sa akin kasi di naman normal sa Pilipinas ang mga ito tska yung iba pers taym kong makita. Boy First Time lang?

Di na ako magpapa ligoy - ligoy pa ito na:

Mga tunay na lalaking nag beso -beso pag nagkikita
Nawindang ako nung una kong nakita itong mga arabo nag chi-cheek to cheek pag nagbabatian. Una shake hands muna tapos sunod beso beso na. Mga lalaki lang gumagawa nito at mga babae simpleng kamustahan lang pero ang mga lolo niyo talagang skin to skin, kaskasan kung kaskasan ng balbas. Ito may nahagip ang camera ko minsan.
Mga lalaking nag HHWW
Hindi naman mga Arabyano ang gumagawa nito kundi mga dayuhan din dito sa Qatar. Ayoko magbanggit ng lahi baka sabihn niyo racist ako. Hindi naman sila beki pero HHWW talaga sila. Minsan sinubukan namin ng isa kong kaibigan yung ganito at di nagtagal nandiri kami sa mga sarili namin,napa putangina tuloy kaming dalawa. Well, tradition is tradition. Walang basagan ng trip. Nakakita ako ng piktyur sa flickr.
Mga naka paldang men
Hindi naman bago sa paningin ko ito kasi nakakita na rin ako sa tv ng mga pinoy na naka suot ng sarong at yung ibang mga rock bands ay may mga ganito ring eksena. Pero sinama ko na rin. Bakit? Kasi gusto ko blog ko naman to. Ay oo nga pala tuwing summer marami rin naka palda sa Pilipinas yung mga totoy na bagong binyag. Imahe galing kay Google.
Iabot mo sa kanan
Nakaugalian na siguro ng mga Arabo ang pag abot ng at pagtanggap ng mga grasya galing kay God sa kanilang kanang kamay. Para sa kanila tanda daw ng respeto kung iaabot mo sa kanila ang food o drinks using your right hand. Siyempre tatanggapin din nila ito sa right hand nila tanda rin ng respeto nila sa nag abot. Gets niyo pa ba? Ang gulo puro abot at tanggap. Bukod sa respect factor, marumi daw kasi ang left hand. Napa isip tuloy ako, tama nga naman kasi right hand ang pinanghuhugas ko ng wetpakels ko pagtapos kong jumerbaks. Maliban na lang kung kaliwete ka.

Tama na muna ang apat sa ngayon, Sa susunod na lang ang iba baka kasi tamarin na kayo magbasa kung may nagbabasa man. Adios! 


Pauna:
Hindi ko po pinagtatawanan o gingawang katatawanan ang mga tradisyon sa entry na ito. Ito po ay mga bago lang sa paningin ko kaya pi-nost ko para lang ma ishare. Kung may nainis, ipagpatawad niyo ang aking kapangahasan.

Tuesday, May 1, 2012

Ang Porenjer kong Kaibigan

Magdadalawang taon na akong nagtratrabaho dito sa Middle East. Sa dalawang taon na ito, ang dami ko ng nakilalang iba't - ibang taong galing sa iba't - ibang panig ng planeta natin. At sa dami nila, madalas kilala ko na lang sila sa mukha dahil ang hirap bigkasin ng mga pangalan nila. Gustuhin ko man silang kilalaning mabuti at kabisaduhin ang kanilang mga pangalan, ay hindi kami masyadong magkaintindihan. Kung Carabao kasi ang ingles ko Hippopotamus naman sa kanila at madalas hindi ko rin matagalan ang amoy nila. No opeyns mga sadik.

Pero hindi naman tungkol sa amoy at ingles nila ang entry na ito. Ito ay tungkol sa aking naging kaibigan. Ladies and Gentlemens ipinakilala ko sa inyo si Mr. Laksmi Prakash.
Name: Laksmi Prakash Basnet
Nickname: Call me Prakash. Laksmi is not good name
Hometown: Ilam, Nepal
Age: 19
Status: Single *sad face*
Occupation: Office Cleaner
Religion: Hindu
Crush: I want Joyce. (Joyce - Pinay Receptionist)
Favorite Food: Chicken Biryani with Curry and Dahl on the side.
Favorite Song: Hindi Songs
Sports: Football. I am a Striker my friend. Three games three goals because I am a good
             player. Malum?
Motto: What Motto? *confused*

Hindi ko alam kung pano nakalusot sa embassy ng Qatar ito dahil 18 palang siya ng umalis ng Nepal. Ito ang pangalawang sabak niya sa pag aabroad dahil sa edad na 17 nagtrabaho na daw siya sa Malaysia sa loob ng walong buwan. Kaya kung ako eh OFW siya naman ay ONW - Overseas Nepali Worker.

Nakakasama ko si Prakash limang beses sa isang linggo at kung minamalas nakikita ko rin siya pakalat kalat sa ilang mga pamilihan dito sa lokasyon namin. Window Shopping din ang peg ng loko. Kahit na minsan nangangamoy zombie siya, sa tagal na rin namin magkasama, magkasing amoy na rin kami este nasanay na rin ako sa aura niya. Nakakatuwa rin naman kasi siya bukod sa masipag at nauutusan mo talaga, makulit din siya. Kaya lagi kaming nag aasaran at nagkukulitan. Isa lang utos ko na di nya magawa gawa ang "Go to the rooftop and jump!!" Minsan naglalaro rin kami ng boxing, karate tsaka sampalan kapag walang gingawa o kahit may gingawa basta trip lang namin saktan ang isa't - isa, sweet di ba? Kahit madalas siya palagi ang nasasaktan, hindi naman siya napipikon.

Makulay din ang buhay ni Prakash. Pinili niya mag ONW dala rin sa hirap ng buhay sa bansa nila. Nangingisda sa ilog at nagtatanim ng gulay sa Nepal ang ginagawa ko. Kaya nga nag abroad na lang ako ang sabi nya. Oo literal nag tagalog siya! joke. Dalawa daw kasi ang asawa ng tatay niya na legal naman sa bansa at relihiyon nila ang kwento niya sa akin. Dahil nga dalawa ang pamilya ng erpat niya, napapabayan daw ang nanay at ang mga kapatid niya. Kaya para makatulong, nag alsa balutan siya papunta sa dito sa Qatar. At dahil din diyan, galit galitan siya sa tatay niya.
Nakita ko na rin mag emo si Prakash. Isang araw kasi wala siya sa mood. Tinanong ko naman kung bakit. Una ayaw niya sabihin at umiiwas siya sa tanong ko pero dahil sa pangungulit ko, umamin din siya. Magpapasakal na daw kasi ang gelpren niya na naiwan sa Nepal. Ipinagkasundo daw kasi ung babae ng mga magulang niya sa ibang lalaki. Fixed Marriage kung tawagin na isang tanggap na tradisyon din sa bansa nila. Kaya iyon hindi ko makausap ng matino ang loko nung araw na iyon. Pero ngayon ok na siya sabi nga niya sakin "I'm handsome my friend, kaliwali that lady! no problem!"  oh di ba ang taray? Talk about confidence!

Kaya ngayong, malapit na akong umuwi sa Pilipinas, ang sabi niya sa akin "Dajo, (Dajo ibig sabihin Brother. Langya, dito ko pa pala makikita ang nawawala kong kapatid) when you go in Pilipin i will buy you Perfume!" nakanang, nababantutan ata siya sa akin at ibibili daw niya ako ng pabango!