Sunday, May 13, 2012

A Mudrax Day Ispeysyal Part 1


Bukas na liham para sa aking Unang Inay
Inspired by: Open Letter to Mom by Sir Jepoy at jepoytabachoy.blogspot.com

Dear Mommy,
Pagkatapos ng mahabang panahon, nakapagsulat ulit ako sayo. Kung dati ay sumusulat ako sayo para ibili mo ako ng cartridge ng gameboy, ngayon gusto ko naman sumulat sayo para magpasalamat at sabihin ang  mga nararamdaman ko.

Salamat sa pagpupursige mo sa akin mula pa nung cute na bata pa ako. Salamat sa pagpapa aral at patuloy na pagtulong sa akin kahit na may trabaho na ako. Yung mga luho ko pinagbibigyan mo parin. Ganun talaga mas malaki ang kita mo sakin eh. Kahit na lagi mong sinasabi na pagod na pagod ka na at gusto mo na rin magpahinga sa pagtatrabaho, hindi ka pa rin tumitigil. Salamat.

Kahit na 24 anyos na ako at siguro mga 3 times palang tayong nagkasama sa buong buhay ko, (joke) gusto kong malaman mo na mahal na mahal pa rin kita. Wala man tayong maraming memories na magkasama, alam kong miss mo na rin ako, don't worry ganun din ako sayo.

Naintindihan ko rin naman kung bakit mo ko nagawang iwan kila Mama at Papa. Alam kong nagawa mo iyon kasi kailangan at hindi dahil gusto mo. Naiintindihan ko po yun Mommy don't worry. Tsaka baka kung di niyo ginawa yun, di ko lang alam kung saan tayo pupulutin ngayon. Baka maaga kong naibenta ang payatot kong katawan pati na rin ang aking kidney. 

Alam ko di ako naging masyadong mabuting anak nung bata bata pa ko at di ako lumaki ng ayon sa gusto mo. Pasensiya na po at wala na akong magagawa tungkol dun, alam ko naman sa sarili ko na hindi ako matalino madiskarte lang. Di tulad ng mga payboret mong mga pamangkin na nung nagsabog ata ng katalinuhan balde ang dala nila at ako baso lang . Pero ito lang masasabi ko: Sa oras na talikuran ka ng lahat ako at si utol ang tatayo at sasandalan mo tapos sisigaw tayong tatlo ng "PAK U OL!!"

Huwag ka rin mag alala mommy at di pa kami mag-aasawa ni Pat. Alam ko namang feeling mo eh 12 pa lang ako. Di pa ako mag aasawa hanggat wala pa kong sariling bahay at stable na buhay kahit na kating kati na akong maglakad sa dambana. :)

Ngayong maders day, as usual wala akong regalo sayo. Apo gusto mo? Pero kahit na wala akong gift, simpleng "Happy Mother's Day Mommy! I love you and Thank you" ay alam kong masaya ka na. Wag ka ng demanding sa gift sanay ka naman walang natatanggap samin ni pango. hehe.

At tungkol naman sa paghahanap mo ng bagong bowa o asawa, ayos lang naman sakin yun. Basta alam kong aalagaan ka niya, mamahalin at di iiwan hindi katulad ng asshole kong tatay. Kung sino mang demonyo yun. hehe.

Hanggang dito na lang ang liham kong toh. Salamat ulit sa lahat. Salamat at ikaw ang naging nanay ko. Salamat at di mo ko pinabayaan. Salamat din sa walang sawang pagmamahal samin ni pango. Your the best mudrax in the world. Happy Mother's Day ulit! I Laaaahhbb You!!

PS:
Wag mo na sanang sabihin sa mga katrabaho mo na magkamukha tayo at iwasan mo na sana ang pagiging matampuhing frog. Napaghahalatang nag mi-menopause ka na. haha!

Ang iyong Panganay,
     Richie

Ran (Dog), Maiko (Haponesang Kapatid) at Ang Matampuhing Nanay

2 comments:

  1. nyahahaha, natawa naman ako sa pahabol na message samom mo :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. umaarte arte arte na kasi siya nitong mga nakaraang buwan..hehe

      Delete