Friday, May 18, 2012

Koya Wag Po.. (a true story)

Tatlong araw pa lang ako noon dito sa Qatar. Dahil sa bagohan at ito ang unang karanasan ko sa pangingibang bansa, sabik ako makipagkwentohan sa mga nauna o mga batikan na sa pangingibang bansa para magtanong at makipagkwentohan ng mga karanasan nila dito sa Qatar .

Dito ko nakilala si Alfred (hindi tunay na pangalan) Si Alfred ay kasama sa ating mga kababayang nabibilang sa third sex. Matanda siya ng limang taon sa akin. Mabait, makwento at kalog itong si Alfred. Sa mahigit na isang oras kong pakikipagkwentohan sa kanya kasama ang mga housemates sa bahay ni kuya, chos! nalaman kong siya ay breed winner ng kanyang pamilya. Nakakaantig ang kwento ng buhay ni Alfred at kung ikekwento ko pa sa inyo ay baka mapasulat pa kayo bigla sa Wish ko lang Or Dear Showtime Family kaya huwag na lang.

Sa maikling oras ng pakikipag kwentohan namin kay Alfred, nakagaanan na rin namin siya ng loob. Dahil na rin siguro sa kwento ng buhay niya at sa pagiging palabiro niya.

Bago matapos ang kwentohan namin may ibinulong sakin si Alfred.

"Punta ko sa kwarto niyo mamaya, wag kang mag lolock ng pinto"

Nawindang me sa sinabi niya. T'was like! WTF?!! Agad agad? sabi ko sa sarili ko.

"Hahaha! loko loko!

Ang sagot ko sa kanya para matapos na lang ang usapan at umalis na rin ako kasama ang mga housemates ni kuya. 

Kinagabihan:

Maaga akong humiga sa aking kama. Dahil wala pang libangan, nagkwentohan na lang kami ng aking mga kakwarto.  Wala pa kaming mga trabaho noon kaya umabot ang kwentohan namin ng ala una ng madaling araw hanggang sa napagkasunduan na rin naming matulog na.

Mga alas tres na po yun Kuya Tulfo, mahimbing ang aking tulog. Madilim ang buong kwarto at ang tanging maririnig mo lamang ay tunog ng aircon sa aming silid.

Nang walang ano ano'y naramdaman kong may nagtataas ng aking makapal na blanket.


TULOY KO BUKAS ANG KWENTO MANONOOD PA PALA KO NG LIFE STORY NI BOB MARLEY.


9 comments:

  1. i-unfollow na nga tong blogger na to. bitin magsulat eh! LOL! peace!

    ReplyDelete
  2. wow ha! nakakabititn yun . hahahah.. Almost there na eh . interested talaga ako, lalo pa't true story sya. Siguraduin mong hindi mu lang kami ginu-good time. hehehe.. i-fofollow talaga kita nang maupdate ako sa susunod mong post. Hope u would do the same. ;-)

    cutyjeix143.blogspot.com (Have a visit!)

    ReplyDelete
  3. grabeeee! bitin ako dun ha. Bakit agad-agad naman koya? HAHA :D sige ill wait for your next post. :)

    Jewel Clicks

    ReplyDelete
  4. hahaha!! hey! nice blog you have in here. :) btw, im richard :) im new to blogging and looking for more readers? hmm follow for follow> :) check out my new blog. at www.iamrchardjcob.blogspot.com :) thanks!

    ReplyDelete
  5. dropping by from Filipino Link Exchange.

    ReplyDelete
  6. uy ang galing mo po sumulat. :)
    kakabitin pre

    ReplyDelete
  7. nasan na ang next chapter?? haha..

    ReplyDelete