Friday, May 11, 2012

SAK MO

Google
Ilang linggo ko na rin sinusubaybayan ang docu styled travel series na BIZARRE FOODS with Andrew Zimmern. Dahil hindi naman ako mahilig  manood ng tv sa Pilipinas, kakatuklas ko palang ng programang ito last month. Nasa first season palang ako (torrent mode) kahit na nakaka 7 seasons na ito sa kasalukuyan sa America.

Anyway, ang programang ito ay Rated PG. chos!

Tungkol ito sa isang matabang mama na lumilibot sa ibat ibang singit ng mundo para lumantak ng mga kakaibang pagkain. Ang saya di ba? Binabayaran para bumyahe at lumamon.

Nakakatuwa kapag tinitikman na ng matabang mama na ito ang pagkain. Ang galing niya kasi kapag dini-describe niya ang mga pagkain na pumapasok sa bunganga niya. Wala siyang inuurungan kahit na anong klaseng pagkain mapa bulate, hilaw na utak ng mga hayop o insekto yan, walang kemi niya pa rin tong kinakain.

Ito mga sampol ng mga pagkain na hinalungkat ko sa Google.

Barbecued Racoon
Porridge made with Enset Paste and Butter
Monkfish
Duck Head
Dried flying Lizard
Fish Head Curry
Uncooked Snails
Scorpions on Shrimp Toast
Anak ni LoLong The Buwaya
Camel Tounge
Dugo ni Valentina
Ito ang mga bansang napuntahan na ni kalbo. (source: Wikipedia)
oh di ba dinaig pa niya ang pinagsamang Dora at Bogart the Explorer

Gaya ng nasa map, nakabisita na rin si kalbo sa Pilipinas sa kanyang 2nd EPISODE SEASON 1. Nasa Youtube yung episode nya sa Pinas search niyo na lang kung gusto niyong panoorin. Nakakatuwa ang episode na yun lalo na yung gulat na gulat siya sa ice cream na pinalaman sa tinapay.

Sabi nga ni kuya Andrew: "If it looks good, EAT IT!!"



2 comments:

  1. hala don pa sa ice cream sa tinapay sya na-weirduhan e mas mukhang mahirap kainin ang mga photos ng weird foods na nasa taas! san ka sa mid east?

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha! oo nga ser dun nga rin ako nagtaka. sa Qatar. Pauwi na rin this month. Kayo nakauwi na di ba?

      Delete