Overseas Filipino Workers? Sino ba sila? Sila ba yung mga Pilipino na mahilig magpapicture sa harap ng matataas na buildings, malls at mga parks sa ibang bansa? Sila ba yung mga Pilipino na post ng post ng mga nakakapagpabagabag na videos galing sa Youtube sa kanilang Facebook pages? o sila ba yung mga pinoy na kapag nag uupdate ng status sa kanilang Facebook account eh puro ka emo - han or kapag masaya naman sila ay may jejeje sa last sentence ng status nila? Baka naman sila ung Pilipinong piniling mag ibang bansa para makapagtrabaho at para makatulong sa kanilang mga mahal sa buhay? Todo smile at pose sila para makita ng kanilang mga pamilya na sila ay maayos at hindi kailangang mag alala pero sa likod ng masasayang ngiti na ito, ay ang mga pakiramdam ng lungkot at pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Masaya at Malungkot ang magtrabaho sa ibang bansa. Masaya dahil alam mong nakakatulong ka sa mga mahal mo sa buhay at sa bawat pasasalamat na natatanggap mo, ay ang pagpawi naman nito sa lahat ng hirap at lungkot na nararamdaman mo. Malungkot talaga dahil napapalayo ka sa pamilya mo, sa kaibigang malapit sa iyo, sa mga kaugaliang minahal mo at sa bansang kinalakihan mo. Lumilipas ang mga masasayang okasyon na hindi mo kasama ang pamilya mo. Sa mga may anak, dumaraan ang mga araw na hindi mo nakikita ang kanilang paglaki.
Naalala ko pa sabi ng mga nakakakwentohan ko noon na mga beterano na sa pangingibang bansa na pinakamalungkot daw na oras sa abroad ay ang ang dapit hapon o kapag umuulan. (Buti na lang madalang ang ulan dito sa Middle East kung hindi atungal pala ng mga Pinoy at hindi ang patak ng ulan ang maririnig ko kapag umulan na).
Hindi madali ang pagiging isang OFW. Bukod sa pangungulila o homesick na kasama na sa pang araw araw na pamumuhay mo, marami pang ibang pagsubok na nararanasan ang mga PINOY ABROAD na ito. Siyempre maraming ubstakul kapag bida ka. Nandiyan ang DISKRIMINASYON na nararanasan ng mga Pilipino kapag nasa lupang banyaga na sila. Maraming mga forenjer ang natutuwa sa galing at sipag ng mga OFW pagdating sa trabaho kaya nga isa tayo sa mga in demand pagdating sa pagkuha ng mga banyagang kompanya para magtrabaho sa kanila. Ngunit hindi nawawala ang diskriminasyon sa mga Pilipino. Dahil nga sa nanggaling tayo sa mahirap na bansa eh tingin na sa atin ng ibang mga banyaga ay basta basta lamang. Nariyan ang pagmamaltrato o pag aabuso sa mga magigiting nating mga Domestic Helpers, ang mabagal na pag akyat ng posisyon ng mga Pilipinong manggagawa kahit na gaanong husay at sipag ang gawin nila, ang paghuhusga sa mga Pilipino dahil marami daw tayong mga kababayan na nabibilang sa third sex at ang mababang pagtingin sa ating mga kababayang kababaihan na sila ay nakukuha sa pera lamang (alam niyo na ang ibig kong sabihin). Sa palagay ko, hindi na mababago ang pagtingin ng ibang maga banyagang ito sa ating mga OFW. Ang magagawa na lamang natin ay ang lalong magsipag at ipakita sa kanila na mali ang kanilang iniisip na tayo ay HINDI JUST - JUST (basta - basta) lamang.

Naalala ko tuloy nung mga unang araw ko pa lang dito sa Middle East. Akala ng isang Arabo ay isa rin akong Babaylan sa Kagubatan. Dahil siguro sa maputi kong balat at balingkinitang katawan, ay akala niya na maibibigay ko ang kanyang kahilingan gamit ang mahika ng isang Babaylan. (Buti na lang at todo ignore ang peg ko kaya tumigil din siya, grabe naloka ako!) buhaha!
Kaya ito lang ang masasabi ko:
Mabuhay ang mga Manggagawang Pilipinong sa Ibang Bansa!
Mabuhay ang mga Migranteng Pilipino!
Mabuhay ang mga Bagong Bayaning Walang Bantayog! (*taray*)

No comments:
Post a Comment