Saturday, August 11, 2012

Tarbaho

Dalawang linggo na ring natutuyo ang Three centimeters and 16 mb capacity kong utak.  Kahit na binaha na ko dito sa apartment nung isang araw ay di pa rin nagawang diligan ng baha ang natutuyo kong utak. Pano ba naman? Parang bumalik ulit ako sa pag aaral. Sumasailalim (hong lalim!) kasi ako ngayon sa isang matinding traning sa isang BPO Company. Oo! ako po ay nakahanap na ng bagong trabaho dito sa Pilipinas pagkatapos ng dalawang buwang pagigiging tambay.

Mahirap ang training na ito para akin kasi aminado naman akong di ako matalino at  medyo di ko talaga nakahiligan ang pag-aaral. Tsumatsansing lang kasi ako nung elementary sa mga kaklase kong babae, Pumuporma nung High School at lumalandi nung College.  Kaya ang pag upo at pakikinig sa isang Trainer ay talagang nakakapag paantok sa akin. Idagdag mo pang magandang babae ang Trainer kaya di talaga ako maka focus sa pakikinig sa kanya dahil kung ano ano na lang ang pumapasok sa isip ko pag nasa harap na siya. Hehe.

Moving on, masaya naman pala ang magtraining sa isang company tulad nito. Bukod sa mga lessons ay may Games and Activities pa na na eenjoy ko naman talaga. May mga rules pa na bawal magsalita ng tegelog, bawal ang over breaks, bawal ang late at siyempre ang pinaka sikat na bawal: Bawal ang Selpon sa loob ng klase. Ang pagsuway sa mga batas na ito na kami kami lang din ang gumawa, ay katumbas ng isang Litrong malamig na Redhorse o kung tawagin nila ay Mucho Points. Isang paglabag = 1 Mucho (Php 60). Nakaka dalawang pagsuway palang naman ako dahil sa Over Breaks kaya dalawang Mucho na para sa akin na qouta na ng bahay alak ko para sa pag inum ng beer. Kaya wala na kong balak dagdagan pa. Maybe?

Meron din kaming mga question and answer portion pag natatalo sa mga games. Mga tanong tulad ng:

Are you still Virgin?

What Position?

Does it hurt?

Really?? Virgin? weh? Where?

At marami pang iba na wala namang kinalaman sa pinag aaralan namin dahil nasa Technical and Billing Support kami ng isang ISP at hindi sa isang Porn Account. Pero masaya naman. Ilavet nga eh!  :)

Natatakot at kinakabahan lang ako ngayon. Next week kasi uumpisahan na namin yung tinatawag nilang Mock Calls? at pagkatapos naman nun yung Nesting Period naman daw. Tingin ko kasi parang ang hirap ata. Gusto ko sanang sabihin sa Trainer namin na Di ba pwedeng puro games at dirty questions na lang? Wala ng mock-mock at nest-nest na yan mem?

Naku! Bahala na!

Kakayanin Ser!!



Monday, August 6, 2012

Story of Appreciation


Very very touching story.

One young academically excellent person went for an interview for a managerial position in a big company. He passed the first interview; BUT in that Company, the director did the last interview, and made the final decision.

The director discovered from the CV, that the youth’s academic result was excellent all the way, from the secondary school until the postgraduate research, never was there a year he did not score. The director asked,

“Did you obtain any scholarship in school?” and the youth answered “no”.

The director asked,” Did your father pay your school fees?”. The youth answered, “my father passed away when I was one year old and it was my mother who paid my school fees”.

The director asked, ” Where did your mother work?”

The youth answered, “my mother worked as cloth cleaner.” 

The director requested the youth to show his hands and the youth showed a pair of hands that was smooth and perfect to the director.

The director asked, ” Did you ever help your mother wash clothes before?”

The youth answered,” never, my mother always wanted me to study and read more books, furthermore, my mother could wash clothes faster than I could”

The director said, I have a request, when you go back today, go and help to clean your mother’s hand, and then see me tomorrow morning.

The youth felt that the chance of landing the job was high and when he went back, he happily wanted to clean his mother’s hands. His mother felt strange. With happiness mixed with fear, she showed her hands to the kid.

The youth cleaned his mother’s hands slowly and his tears fell as he did that. It was the first time he noticed that his mother’s hands were so wrinkled, and that there were so many bruises in her hands. Some bruises were so painful that she shuddered when his mother’s hands were cleaned with water.

This is the first time that the youth realized and experienced that it is this pair of hands that washed the clothes every day to earn him the school fees and that the bruises in the mother’s hand were the price that the mother paid for his graduation and academic excellence and probably his future.

After finishing the cleaning of his mother’s hands, the youth quietly washed all the remaining clothes for his mother.

That night, the mother and son talked for a very long time.

Next morning, the youth went to the director’s office.

The director noticed the tear in the youth’s eye and asked:

” Can you tell me what you did and learned yesterday in your house?”
The youth answered, ” I cleaned my mother’s hands and also finished washing all the remaining clothes.’

The director asked, ”Please tell me what you felt.”

The youth said:

“Number 1, I know what appreciation is now’. Without my mother, I would not be successful today.
Number 2, Now I know how to work together with my mother. Only now do I realize how difficult and tough it is to get something done. Number 3, I know the importance and value of family relationship.”
The director said, “This is what I want. I want to recruit a person that can appreciate the help of others, a person who knows the suffering of others to get things done, and a person that would not put money as his only goal in life to be my manager. You are hired.”

Later on, this young person worked very hard, and received the respect of his subordinates, every employee worked diligently and as a team and the company improved tremendously.

The Lessons from this anecdote:

A child who has been protected and habitually given whatever he needs, develops an“entitlement mentality” and always puts himself first. He is ignorant of his parents’ efforts. When he starts work, he assumes every person must listen to him. When he becomes a manager, he will never know the suffering of his employees and always blame others. These kinds of people, may/will achieve good results and may be successful for a while, but eventually will not feel a sense of achievement or satisfaction.

If we happen to be this kind of (protective) parent, this is the time to ask the question - whether we did/do love our children or destroy them.

* You can let your child live in a big house, eat a good meal, learn to play the piano, watch a big screen TV but when you are cutting grass, please let them experience it.

* After a meal, let them wash their plate and bowl together with their brothers and sisters.

* It is not because you do not have money to hire a maid, but it is because you want to love and show them the correct way.

* You want them to understand that no matter how rich their parents are, one day they will grow old, become weak and that their hair too will turn grey.

* The most important thing is for your child to learn how to appreciate, experience and learn the effort and ability needed to work with others in order to get things done. They should also value, appreciate what the parents have done and love them for who they are!



Wednesday, July 25, 2012

Sayang Lang Oras mo Dito

Habang winawalis ko yung dalawang ipis na napatay ko kanina dito sa MalacaƱang, may mga kabastusan bagay-bagay na sumagi sa aking isip. Ewan ko ba siguro dahil sa wala akong makausap dito, kung ano anong shit na lang ang pumapasok sa isip ko. Mga bagay bagay tulad ng prito ba o may sabaw ang iluluto ko mamayang tanghalian, nakikita ba ko sa bintana ng kapitbahay ko pag sumasayaw ako ng moves like jagger, anong oras at araw kaya naimbento ang relo at kalendaryo at marami pang ibang kaulolan. Namputa! Ito na naman. Lumalayo na naman ako sa dapat na isusulat ko at humahaba na naman ang intro ko. Ito dapat isusulat ko eh.


Aminin Mo!!


Aminin mo tuwing nakaupo ka sa inidoro at jumejebs, may mga magagandang idea o bagay bagay kang naiisip. Madalas pa nga habang tumatae ka, dito mo naaalala ang mga dapat mong gawin o mga bagay na nakalimutan mo.

Aminin mo nung minsang naglalakad ka sa mall, at nakakita ka ng mag jowang HINDI BAGAY o sa madaling sabi pangit yung isa pero yung partner niya ay gwapo o maganda ay walang pagtitimpi mo silang inokray sa isip mo ng "Ano ba yan ang jutay naman ng bf/gf niya!" Kahit na kaibigan mo pa na ipinakilala sayo ang mabait pero di naman kagwapohan na jowa niya walang patumangga itong nilait ng  mabuti mong isip.


Aminin mo nung elementary ka ay ginawa mo ring meryenda ang takip ng iyong ballpen. Walang awa mo itong nginatngat ng nginatgat habang nag iisip ka ng isasagot mo sa iyong test paper.


Aminin mo minsang ka ring naapektohan sa sakit na naramdaman ni Popoy nung makipaghiwalay si Basha sa kanya. Kumislot din ang puso mo nung binitiwan ni Basha ang mga katagang "Sana ako na lang, Sana ako pa rin, Sana ako na lang ulit"




Aminin mo nung minsang nanonood ka ng isang nakakatakot na palabas noong bata ka pa ay tinakpan mo rin iyong mata gamit ang iyong mga kamay. Habang nakatakip, ay sinisilip mo naman ito sa maliit na siwang ng iyong mga kamay at nagagalit ka sa katabi mo kapag pilit nilang inaalis ang kamay mong nakatakip sa mata/mukha mo.


Aminin mo...

Wala na kong maisip na iba. Kung hindi ka naka relate well, sorry naman. Sabi ko sayo masasayang lang ang gintong oras mo dito eh. :)


PEACE!!

images from Google

Monday, July 9, 2012

Lucky Third


Ipinagdiriwang ni Mr. Bernard Umali ng HIBANG {tagni-tagning ideya} ang kanyang ikapitong taon ng pagbo-blog ngayong taon. Sa pagkaka alam ko dahil sa aking mga nababsa, si Sir Bernanrd ang founder ng United Bloggers of the Philippines or U-Blog at isa sa mga tao sa likod ng Saranggola Blog Awards (correct me if I'm wrong). Dahil sa pitong taon ng masaya, malikhain at matagumpay sa larangan na ito, gumawa siya ng isang handog para sa kanyang mga mambabasa at mga kaibigan bilang pasasalamat. Tinawag niya itong "Lucky 7"


Pagkabasa ko pa lang ng mechanics para makasali sa na excite agad ako. Isipin mo susulat ka lang sa kanya at sabihin mo iyong kahilingan. Ganun lang ka simple! At Kung ikaw ang mapiling lucky sender, ipapalabas ang sulat mo sa MMK! chos!

Unang pumasok sa isip ko ay MacBook or isang magarang DSLR sana kaso napag isip-isip ko hindi naman sa Wish Ko Lang o kay Wako-Wako ako sumusulat. Kaya binago ko na lang ang makasariling hangarin ko.   
Ito ang aking hiniling at ang tugon ni Mr. Bernard Umali:

Lucky Third
Importante din ang ikatlong hiling. Naisip ko, oo nga, marami ang matutulungan ng hiling na ito.
ito ay mula kay Richie Mendoza ng One Man One World
bago lang po ako sa pagboblog. Matagal ko na gusto magblog ngunit itong mga nakaraang buwan pa lang ako nakapag umpisa talaga. Natutuwa kasi ako tuwing nagbabasa ng mga kwento ng ibang tao kaya naisipan ko rin gumawa ng sarili ko.
Dalawang bagay po ang aking hiling:
Una, nais ko po sanang ifollow niyo ang aking blog at magcomment ng kahit isang simpleng “nice post” lang sa isa sa mga blog post ko. Bukod sa isa palang ang follower ko, gusto ko po sanang maimprove ang mga blog entry na ginagawa ko at ang mga comment o puna ng isang beteranong tulad niyo ay alam kong makakatulong sa akin.
Pangalawa, kung maaari po bang magpost kayo ng isang entry na tumutukoy sa mga bagohang blogger na tulad ko. Mga tips and tricks mga ganun bang eksena. Tips tulad ng:
1. Payo sa mga bagong bloggers
2. Payo para makatagal ng 7 taon tulad niyo o higit pa.
3. At mga kung ano ano pang mga chenes para sa mga bagong bloggers.
Naghahanap kasi ako ng mga ganung post kaso wala akong makita. Yun lamang po. Sana isa ako sa mga mapipili ng niyo. Marami salamat po
Para sa kanyang unang hiling : na like ko na ito at nagcomment na rin.
Para sa pangalawa, ito ang aking  pitong payo.
Alagaan ang sarili dahil hindi ka aabot ng pitong taon kung mahina ang katawan. Echos! Basic lang naman ang dapat tandaan sa pagbablog.
1.Piliin mo kung anong klaseng blog ang gagawin o isusulat mo. Anong niche? Medyo Technical ba o Personal?  Kadalasan, nagsisimula tayo sa mga personal na blog. Huwag mong paghaluin para hindi malito ang mambabasa. Kailangan kasi ma establish mo ang blog mo para balik-balikan ka nila.
Ang payo ko dito ay tungkol sa personal blog dahil iyon ang tema ko palagi.
2. Mas masarap magsulat kung may nagbabasa, tama? Ganun din ang pakiramdam ng iba pang bloggers. Kaya nga magbasa ka rin ng blog ng iba. In short, makipagkaibigan ka, dumalaw sa blog ng iba, magcomment, makipag batian portion, magretweet, share, like at subscribe, sigurado gagawin din nila yun sa blog mo. Lagyan din ng social media buttons ang bawat entry para kung magustuhan nila ay madali sa kanila ang magshare ng blog mo. Sa ganitong paraan, hahatak ka ng readers at mga kaibigang bloggers. Pero syempre hinay-hinay sa kakapromote, hindi cool ang nagpa flood ng invitation at palaging nagrerequest ng exchange link o kaya yung magcocomment kunyari pero hindi naman sincere, masabi lang na dumaan ka sa entry nila. Talamak yan dito.
3. Ang iyong blog ay ang iyong boses. Kaya piliin mo nang mabuti ang tono ng iyong salita. Bagamat malaya tayong nakapagsusulat, saklaw ng batas ang pagbablog. Pwede kang mademanda. Kaya igalang ang karapatan ng iba. Hindi ako nagtatagal sa blog na maraming reklamo, puro angas, puro yabang, puro negatibong opinyon at wala akong natututunan. Good vibes ika nga.
4. Hindi ka pinipilit magsulat kaya wag kang magpapressure sa mga readers mo. Hindi kinakailangang  updated palagi ang blog mo. May araw talaga na wala ka sa mood magsulat. Gaya ng araw na wala ako sa mood makipagkwentuhan. Kailangan mo ng karanasan, ng subject na ikukwento kaya kailangan ka ring lumabas at makipag socialize. Wag gawing mundo ang blog, diary mo lang ‘to. Mas  creative tayo pag ganado. Tandaan ang salitang CREATIVITY. Sa Filipino : Pagkamalikhain. Ang salitang ugat nito ay LIKHA. sa madaling salita, obra mo ang ipopost mo. Pinag-isipan, bunga ng imahinasyon at mula sa iyo. Maaari kang makakuha ng inspirasyon pero gamitin iyon para may matutunan ka, iwasang mangopya. Kung may paksa na gusto mong kunin o talakayin, banggitin ito at ipaalam.
5. Kapag may mga mambabasa ka na o regular readers, isipin ang kanilang kapakanan. Sana may natututunan o nakukuha sila sayo. Hindi ka obligado dito dahil ang blog ay personal nga pero suhestyon lang naman na magset ka ng standard. Yun bang kinikilala ka na nila dahil iba ka, refreshing at orihinal. Okay, granted na wala namang masyadong matututunan sa ibablog mo, sana man lang ay iba ito.
6.Huwag puro tungkol sa sarili. Sumisikat ang artista hindi lang dahil sa kwento ng buhay nila kundi sa role na ginagampanan nila sa TV. Maraming bloggers na feeling artista, turn off yun. Turn off ang puro picture nila, kung gusto mong magsulat ng mga lugar na pinupuntahan mo, pwede namang hindi ka kasama sa litrato! Tama na yung isang picture na andun ka. Blog to, hindi photo album mo. Kung interesado yan sayo, malamang inadd ka na nya sa facebook at like ng like ng pictures mo 
7. Bukod sa contents, ayusin din ang lay-out, design, color ng fonts at mag update ng theme pa minsan-minsan. Bihisan ang blog ayon sa panlasa mo 
Ilan lamang ito sa mga dapat tandaan sa pagbablog:)
Pandagdag na pwedeng gawin:
Sumali sa mga grupo na mga bloggers gaya ng UBlog para matuto ka sa mga kapwa bloggers 
Wish Granted !

Dear Kuya Bernard,

Lubos pa rin akong nagagalak at isa ako sa inyong napili para mapagbigyan ang aking munting kahilingan. Isang malaking karangalan ang mapagbigyan ng isang tulad niyo. Muli po akong nagpapasalamat. Marami po akong natutunan sa mga bagay na sinabi niyo at makakaasa kayong susundin at gagawin ko ang mga payong ibinigay niyo. Naway lalo pang tumagal ang inyong mga blogs at pagpalain pa kayo ng maykapal. Happy 7th ulit! :)



Ang seryoso ko sa entry na toh'. Kalerks! Di me sanay!

Dahil hindi na publish ang buong sulat ko kay Sir Bernard dito ko ilalahad. Itew yung part na di na publish. lols
Magandang araw sa inyo Ginoo. Luma ang lahat, maligayang ika pitong anibersaryo ng inyong blog at naway tumagal pa inyong pagsusulat.
Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa dahil mahina po ako sa mga intro.

Nakita ko ang inyong post sa U-Blog page sa peysbuk. Nais ko po sanang humiling sa inyo. Simple lang ang aking hiling. Baboyin niyo ang pagkatao ko,1 night stand ganun. charot!
PS:
Bago magbago isip niyo, magpapababoy talaga ko pare! joke! :) 
Ang pokpok ko lang! :)
 
image from Google

Saturday, July 7, 2012

The Avengers

Kahapon naghahanap ako ng mga wallpapers sa deviantART para i-download. Hanggang sa makita ko tong mga cool arts ng isang artist doon. Ang astig kasi para silang mga characters sa DOTA pero inspired from The Avengers characters.

Dahil sa ganda ng pagkakagawa, naging popular agad ito for the month of July.

Ito sila:


Black Widow

Captain America

Hawkeye

Hulk

Iron Man

Loki

Nick Fury

Thor

Ay shit di pala kasama itew!

All Arts are made by theDURRRRIAN except the last picture. lels

Happy Weekend!! 

PEACE!!

Wednesday, July 4, 2012

Repost: From Phil. Star


Google

Frustrated ako nitong mga nakaraang araw. Naghahanap kasi ng bagong trabaho dito sa Pilipinas. Bukod kasi sa naiinip na ko eh kailangan ko na rin ng income. Pero ang hirap pa rin pala. Parang nung taong 2009- 2010 nung kaka graduate ko pa lang ng college. Hirap na hirap akong maghanap ng mapapasukan dito sa Pinas. Bukod sa wala pa kong experience nun, umarte arte pa ko nun sa trabahong gusto ko kaya ako din ang nahirapan. Ang choosy ko lang nun  mam, promise! Yun din yung mga panahong napapatingin na lang ako sa salamain tapos kakausapin ko ang sarili ko ng "Puta! Mag artista na lang kaya ko!?" Joke!! Tapos ayon lumipas ang mga buwan at napagpasyahan ko na lang na magtrabaho sa ibang bansa kahit na sa mura kong edad. Mura talaga? 17 yrs old? Menor de edad? Banayad? Pak naman ang disesyon ko at nakaalis ako agad.   

Pero balik tayo sa frustration. So ayon nga nag aapply ako nitong mga nakaaraang araw. Pasa-pasa ng resume, kembot dun, kendeng dito, aura diyan ang ginagawa ko habang sipag sipagan pa ang peg ko. Yung iba di pa tumatawag o mga wala talagang balak tumawag. Nahire naman ako dun sa isang company. Pero nung orientation/training na, napagtanto ko na parang di yun ang career na gusto ko. Kaya ayun kinabukasan di na ko nagpakita.

Amputang intro ang haba! Sige na nga ito na yung repost chever sa tittle. Nakita ko 'tong pinost ng friend ko facebook. Kaya naisipan ko ring i-share sa inyo ang nabasa ko na nagbigay sakin kahit papano ng inspiration para mag Go Large lang sa pag hahanap  ng trabaho. Pasasaan bat' bukas lulubog din ang mga tala at makakahanap din ako ng work na mag eenjoy at mamahalin ko. :)

To the twentysomething who wants to change the world

By Antoinette Jadaone (The Philippine Star) Updated June 30, 2012 12:00 AM
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=822417&publicationSubCategoryId=448

MANILA, Philippines - Dear Fresh Grad,

I think I saw you yesterday along Makati Avenue, wearing the most smart-casual attire your closet will allow, waiting for the traffic light to change to red. You were clutching a brown envelope — they contained your rĆ©sumĆ©s, right? But you looked a little flustered. Did your job interview not go so well? It’s your fifth interview in six weeks, I hear? Don’t worry, they say “Don’t call us, we’ll call you” to almost everybody. Hindi ka nag-iisa. Oh, your best friend nailed her interview on the first try? And your other ka-barkada, too? Well, good for them. Wag ka lang inggitera.

I know, I know. You’ve imagined yourself to be in your dream job immediately after graduation, getting paid (a lot), and doing what you love to do (so “it doesn’t feel like work at all,”). You saw yourself changing the world, while live posting it on Twitter.

I must say, your imagination’s pretty impressive, and you must’ve been reading a lot of Steve Jobs. Darling, the real world doesn’t work that way, and definitely not that fast. So your two friends who nailed it on their first try? I’ll bet you’ll spend at least one Friday night with them at a karaoke bar, singing your angst away. Alanis’s Hand in My Pocket is a good first song, by the way.

Buying Starbucks

You’ll find a job yourself soon. It won’t be your dream job, but hey, at least it will pay for happy hour. You will be asked to buy Starbucks for your boss’s guests, and while walking out of the office, you’ll tell the universe, “Nag-graduate ako ng cum laude para lang bumili ng kape?” When you return, the boss will be angry to know that you forgot to put Splenda in his coffee, and the universe will tell you, “E kape nga lang hindi mo mabili nang maayos, cum laude ka pa nyan ha.” You will print the wrong report. You will be yelled at for a lousy job someone else did, and you will be yelled at for a job you put your whole heart into. You will be told you’re stupid, and if you’re lucky, the whole office will be there to hear it. You will cry in your cubicle. You will lose the promotion to the boss’s son, or to someone less hardworking than you. You will learn about dirty office politics, and you will be frustrated to know that you can’t do anything about it. You will figure in office tsismis, and you’ll make your Twitter account private. You will see your friends going to Boracay, Bangkok and Europe, having the time of their lives, while you’re left here, living paycheck to paycheck, wishing you were born an Ayala, a Gokongwei, or a Gosling. You will think about quitting. You will lose the sparkle and the passion. You will forget about your ultimate dream when the real world crushes it right before your eyes.

But please don’t.

Make Passion Last

The truth is, you will never be as passionate as your Fresh Grad self ever again. Make that passion last as long as you can. I don’t want to be dramatic, but really, that sparkle? Once it’s gone, you can never take it back. Oo, parang virginity lang.

So while you have it, savor the moment. Go make mistakes, while you’re still expected to be imperfect. Go cry in the cubicle, while your age allows it. Go sing Hand in My Pocket and You Learn at the karaoke bar, while you’re still “young and underpaid.” Go chase your dreams and change the world. The best time to change the world? It’s right after college, when you are f*cking sure you can.

See, you will become 26. Then 28. Then 30. And you will be busy looking for money to pay for the bills, or yelling at your assistant who printed the wrong report, and you will just forget about the world you badly wanted to change before.

How old are you again? Actually, I don’t really need to know. You were glowing from where I saw you, and that gave away your age. So stand up straight, clutch your rĆ©sumĆ©s, hold on to your dreams, and stay glowing as long as you can. Make the most of your youth. I swear, you’ll miss it when it’s gone, and by that time, you will only be able to write about it.

Best regards,

An Ex-Fresh Grad

Hindi man ako fresh grad, nasa twenty something pa naman ako kaya feel na feel ko pa rin ang nakasulat. Kaya sa mga wala pa rin work diyan at naghahanap, apply lang ng apply makakahanap din tayo ng trabaho!!





Monday, July 2, 2012

Versatile Blogger Award (Part 2 The Award's Night)

Google
Oh di ba umo Oscar Award lang ang piktyur?

Binigyan ako ng award nung isang araw ni Medem Balut ng Balut Manila na Versatile Blogger Award. English ang award kaya di ko maipapaliwanag kung ano ang ibig sabihin nito. hehe. Pero check mo na lang DITO ang Part 1 ng post na'to kung gusto mong malaman ang buong istorya.

Versatile Blogger Award's 3rd Rule: 

Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.

Di ba english ulet? Pero kinaya naman ng understanding ko kaya ito na't ipapasa ko na ang corona ng  mga babaylan sa kagubatan!
  1. T.R Aurelius ng Theo's Casanova
  2. Marvin De Gracia ng Just my two cents *edited: De Gracia pala hindi De Garcia :)*
  3. Jessica Lopez ng Pagguhit ng mga Salita
  4. Orange Pulps ng A Dose of Orange Ink
  5. Jela ng Seeker of Perfection
  6. tadong daniel ng latak ng utak
  7. rchardjcob ng just like you. only better
Ayun na! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mahina talaga ko sa enumeration. Pasensiya na at hindi ko mabubuo ang labing-limang taong dapat pagpasahan ng award na ito. Pito lang kaya ng powers ko. May mga naiisip akong bigyan ng award pero bukod sa meron na sila eh nahihiya ako dahil mga batikan na sila sa mundo ng blogging at sino ba naman ako para bigyan sila ng award? Ako na isang hamak lamang na bagito, bagohan, dugyot, putik, kuyukot, tutuli at lamang lupa! :)

Kaya Lucky 7 na lang. Ipagpatawad mo Madam Balut at sa kung sino man ang nagpasimula o gumawa ng award na ito.

Sa mga nabigyan/na-tag naman ng award, hindi man ako palaging nag-cocomment sa mga blog niyo palagi ko naman itong binabasa tuwing lumalabas ang inyong entry sa aking Reading List. Shy type lang talaga ko.


PEACE!!

Sunday, July 1, 2012

Versatile Blogger Award


Hindi ko talaga alam kung papano ko uumpisahan ang entry na ito. Hindi naman kasi ako sanay nabibigyan ng award. Huling award ko ata eh nung Grade 6 pa ko "Most Cheerful" pa. Puta lang right? Pwede namang Most Honest, Most Generous, Most Kind o kahit ano pang Most-Most diyan bakit Cheerful pa!? Kill me now! Charing!

Anyway, nabigyan ako nung isang araw ng award na Versatile Blogger Award galing sa isang magaling na blogger na si Balut ng BALUT MANILA. May tatlong rules daw ang award na itew. Una, ang mabibigyan daw ng award na ito ay magkaka pigsa sa pwet at tumor sa mukha. Joke! Seryoso, ito yung mga rules:
  1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link his/her blog.
  2. Post seven random things about you.
  3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.
Kaya umpisahan na natin. Lezgereron! :)

Pasasalamat:

Dear Balut,

Una sa lahat, ano po ba talaga ang pangalan niyo maam? Balut lang kasi ang nakalagay sa blog niyo na aking sinusundan. Nakiki Balut na lang din tuloy ako. Pumi-feeling close. Hehe. Salamat nga pala at isa ako sa mga  napili niyo para bigyan ng award. Pero sana pinera niyo na lang kailangan ko na kasi talaga. Joke! Isang malaking karangalan ang mabigyan ng isang award lalo na sa isang katulad kong hindi naman talaga marunong magsulat. Mag adik pwede pa. Hehe. Biro lang ulit. Isa po ako sa mga tagahanga ninyo. Hindi man ako palaging nag co-cocomment, binabasa ko naman ang mga entry na inyong ginagawa. Hindi lang ang mga sa sulatin sa BALUT MANILA kundi pati na rin sa iba niyo pang mga blogs. Maraming salamat po ulit madam. 

PS:
Good luck sa pagtakbo sa darating na 36th Milo Marathon. Sana manalo po kayo. Hindi na ko makapaghintay na ipost mo ang resulta. :)

Pitong Bagay tungkol sa akin:

Mahirap to hindi ko alam kung magsisinungaling ba ko o totoo ang mga sasabihin ko. :)
  1. Mahilig akong kumain. Hindi lang halata kasi kahit anong gawin kong kain nahihirapan pa rin akong magdagdag ng timbang.
  2. Ang lakas ng imagination ko. May mga pagkakataong kahit may kausap ko bigla na lang lilipad ang isip ko at mag i-imagine ng kung anong anong shit.
  3. Wala akong kinahiligang sports. Ay meron pala! Surfing and Gulf. Internet Suring tska mag gulf-gulf-gulf ng Redhorse at Emperador Light.
  4. Ang dami kong pangarap at gusto gawin sa buhay. Minsan hindi ko na alam kung pano uumpisahan at kung matutupad pa ba ang mga ito. Pero positive lang. Alam kong nandiyan si God para tulungan ako.
  5. Ang hirap ng Enumeration kembot na itew! Suntukan na lang tayo! :) Mahilig akong manood ng movie. Nahilig ako nung nasa Qatar pa ako. Naka 2-3 movies ako sa isang araw. Dalawa pag nasa trabaho gamit ang ipod, at isa bago matulog gamit naman ang laptop. Lugaw lang kasi ang trabaho ko nun sobrang petiks. Pero ngayon isa na lang sa isang araw. Mabuhay PirateBay! 
  6. Minsan sa panahon ng aking kabataan, pinagpantasyahan kong maging girlfriend ang isa sa mga miyembro ng Sexbomb Girls ng Eat Bulaga. Hindi lang pala isa minsan iniisip ko silang lahat magiging syoting ko balang araw. lol. Natatawa ko pag naiisip ko mga pinag gagawa ko nun. Ayoko na ikwento. Nahihiya meeee!
  7. Ayoko ng Math. Hindi pala, bobita ako sa Math! Naalala ko nung nag aaaral ako simula Grade School hanggang College pag Math na ang subject o kahit na anong subject na may numbers, pakiramdam ko The End of the World na.
Ipasa ang Award

Itututuloy ko na lang po sa sususunod na entry ang pagpasa ng award na ito. Magkikita pa kami gelpren eh, magsisimba kami mamaya. :)

Wednesday, June 27, 2012

Nagmamaganda

Google
Ok mabilis lang to. Sinamahan ko kahapon si gelpre para bumili ng sapatos para sa kanyang trabaho. Alas Dos ng hapon ang labas niya so hinintay ko pa siya at nagkita kami bandang Alas Tres na. Sumakay kami ng Jeep.   Pagkasakay sa jeep walang masyadong pasahero. Isang Ate at dalawang lovers lang. Umupo kami ni gelpren sa bandang dulo ng Jeep.


Hindi pa nakakalayo ang Jeep ng huminto ulit ito. May sumakay. Isang babae at isang lalaki. Walang duda magkasintahan sila. Umupo sila sa tapat namin. May itsura ang lalaki, may kataasan, maputi, gwapo. Ang babae naman, naka lipstick ng pink. Yun na yun basta naka lipstick siya.


Hindi naman talaga ko mahilig magmasid ng mga babae na may bowa na. Pero itong si ate iba. Ang lakas ng arrived! Pano ba naman bunganga lang niya ang naririrnig sa Jeep. To think na ang lakas na ng tunog ng tambutso ng Jeep ni Manong. Sa bawat pagdaan ng sinasakyan naming Jeep sa mga establishments along the Hi-Way, may comment siya. Na kesyo "Diyan ako nagpa SALOON last month" "Ay! Gusto ko magpa Spa diyan minsan"  "Diyan malapit nakatira si Camille yung freind ko, remember?" At nilalabas  niya ang kanyang 4th Gen ipod touch, kausap ang jowa niya na panay naman ang ayos sa kanyang buhok.


Napataas ang naka curl kong kilay, para tuloy gusto kong hugutin sa aking bag ang aking Ipad3, Samsung S3, Iphone 4s at dawalang Mac Book Pro with Retina Display! Pero hindi na. Dahil wala naman akong ganun. Hehe.


Dahil para siyang binabayaran para magsalita, nakatingin na kanya si Ate, yung magjowa sa harapan at kaming dalawang magjowa rin. May mga pagkakataon ngang nagkakatinginan kami ni Ate na unang pasahero at napapangiti. Si gelpren naman pag tinitignan ko at nakikita kong nakatitig siya dun sa babaing naka lipstick, alam kong isa lang nasa isip naming dalawa. Ang arte-arte niya!


Lumiko ang Jeep para magpa gas. Habang nagpapagas ang sinasakyan namin, biglang nagsalita ang bowa ng babaing naka lipstick.


"Ang oily ng mukha ko."


"Sige i will put powder" Sagot ng babae sabay labas ng pulbo sa bag.


Akma ng lalagyan ng babae ng pulbo ang bowa niya ng nagsalita ang lalaki ng: "Mamaya na lang, baka lumipad lang yan."


Nahiya ata.


"You waste my effort! You always do that! I hate you!"


Putangina! Parang gusto kong tumambling bigla! Englisera? Soyal? Sa limousine nakasakay? Kaloka.


Sasabihin ko sana "Te, baka ang ibig mong sabihin eh You just wasted my effort! Your always doing that! I hate you!" Tama ba ang grammar ko? Correct me if your right. lels.


Umusad na ang Jeep. Pagdating sa isang kanto bumaba na sila at sumakay sa isang trisikel



Pag andar ng Jeep, nagawi ang tingin ko sa inuupuan  ng mag jowa. At nakita kong basang basa ang upuan kung saan umupo ang babaing naka lipstick. Kitang kitang nakabakat ang hita ng babae. Naka shorts kasi siya ng maikli at walang duda kung ano yun. Pawis! Isang kutsarang pawis!

Thursday, June 21, 2012

A Father's Day Post

Oo alam ko June 21 na pero pang Fathers Day pa rin ang entry na ito. Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw. Abala ako sa pagiging butihing nobyo, paghahanap ng trabaho at paglalamyerda. Kaya ako na ang maraming ginagawa. Huli man, nais ko pa rin ihabol ang post na ito para sa taong walang sawang nagmamahal at nag alaga sakin mula pagkabata hanggang ngayon. Para sayo to erpat!

Google
Dear Pudra,

Nung nakaraang linggo, hinatid mo ako sa sakayan ng bus. Kailangan ko na naman kasing lumayo sa inyo ni Mama para humanap ulit ng trabaho. Alam mo naman ubos na bread na dala ko kakapainom sa tropa. Habang nasa biyahe papunta sa Terminal, napagmasdan kita. Matanda ka na nga. Nakita kong unti unti ng kumukulubot ang balat mo. Dati maganda pa ang katawan mo pero ngayon nangayayat ka na. Sabi mo sakin noon kamukha mo si Edu Manzano at napapaniwala mo pa ako pero ngayon, si Max Albarado na ang nakikita ko sayo pag tinitignan kita. Alam ko rin marami na ring masakit sa katawan mo. Yung balikat mo na lagi mo iniinda at yang likod at sikmura mo na sinasabi mong sumasasakit. Kung may magagawa lang sana ako para mawala agad yang mga dinadaing mo ginawa ko na. Ayokong nakikita kang naghihirap sa kirot, di baleng ako na wag lang ikaw, huwag lang kayo nila Mama at Mommy.

Natatandaaan mo pa ba nung bata ako? Nung mga panahong kailangan mong lumayo samin ni Mama para magtrabaho sa Baguio? Naalala ko pa noon tuwing aalis ka, kailangan patulugin muna pa nila ako para di ako umiyak dahil gusto kong sumama sayo. Sabi pa sakin ni pinsan bago ka daw umalis habang natutulog ang cute na batang ako, maluha luha ka pa daw umaaalis. Totoo ba yun? Baguio lang yun Papa pero feeling mo ata sa abroad ka pupunta. Pero seryoso, naiiyak ako nung sinabi sa akin yun.

Alam ko dati feeling niyo ni Mama nung nasa elementary pa ko, ikinakahiya ko kayo. Pero hindi totoo yun. Nahihiya lang ako nun sa mga classmates ko. Kayo ba naman kasi, nasa Grade 4 na ko hatid-sundo niyo pa ako sa school. Hindi lang yun, kayo pa nagdadala ng baon ko tuwing recess. Tapos pag uwian na, gusto mo kaw pa magbibitbit ng bag ko. Tinutukso kasi ako ng mga ka eskwela ko eh, Baby Damulag daw ako. Pero ngayon ko narealize ang lahat. Ginawa niyo lang yun dahil mahal niyo ko. Ayaw niyo akong masaktan gusto niyo lang na maging safe ako at ayaw niyo akong mahirapan.

Nung college naman ako, di pa rin nawala ang pag aalaga niyo sakin. Tuwing bakasyon at uuwi ako sa bahay ng nakainom, ikaw pa magbubukas sa akin ng pinto at ipaghahain mo pa ko o tatanongin kung nakakakain na ba ako. Kahit hanggang ngayon na nagka edad na ko ginagawa mo pa rin yun. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko at sayo kasi di ka naman umiinom o naninigarilyo.  Salamat Papa.

Hindi ko man sinasabi sa iyo ng madalas o sa text ko lang sinsabi nung nasa Qatar pa ko, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat pagmamahal, pag aalaga at lahat ng sakripisyong ginawa mo para sa akin. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya maibalik ko lang ang lahat ng yun. Hindi man ngayon, dadating ang panahon na mabibigayan ko kayo ni Mama ng magandang buhay. Yung tipong pag aaralan mo maglaro ng Majong kasi wala ka ng ginagawa. Ganun. Promise ko yan. Maraming maraming salamat po ulit sa lahat. Mahal na mahal ko po kayo ni Mama.

Mawalan man ako ngayon at ipanganak ulit after 5 mins, ikaw ang gusto kong maging tunay na Ama.

Ang iyong lasenggong anak,
          Richie

Wednesday, June 13, 2012

Apartment


Ika labing-isa ng Hunyo taong Dalawang libo’t labing-dalawa, natupad din ang isa sa mga goal ko. Nakahanap na rin ako ng isang maliit na apartment. Hindi man ito kalakihan o glamorosa tulad ng mga naglalakihang condominium sa Makati ay masaya na rin ako.

Maliit man ay sa palagay ko safe naman ako dito. Basta ang importante may kama at banyo ok na ko. Di naman ako maarte. Mababait pa landlord ko. Isa pa walking distance lang sa ESEM kaya kung gusto ko magmall ay lalakarin ko na lang.

Kapitbahay ko pala dito ang pinsan ko. Yung napangasawa kasi niya anak ng may ari kaya ito magkatabi lang kami ng bahay. Isanama ko rin ang isa ko pang pinsan na wala pa rin trabaho tulad ko para may kasama ko at di maburyo mag isa.

Magastos man mamuhay ng mag isa, ay pipilitin kong kayanin. Maganda rin ito para matuto akong magtipid, lagi na lang kasi akong napapagalitan ni gelpren ang gastos ko daw. Gosh! Isa pa, gusto ko kasing maging independent ulit. Mahirap din kasi minsan pag nasa bahay ako bini baby ako ni Mudrax-2 feeling niya ata PBB TEEN pa rin ako kahit bente kwatro anyos na ko.

O siya at bibili pa ko ng mga konting gamit para sa aking bahay bahayan.

Ito pala ang aking munting tahanan:

Google

Hehe. Ako na ang meyembro ng First Family.

Friday, June 8, 2012

Random Post


Dahil wala na rin akong maisipan rarandom na rin ako.

  1. Naiinip na ko. Dalawang linggo pa lang akong tumatambay pero gusto ko na ulit mag trabaho.
  2. Di purket galing na sa ibang bansa eh marami ng dalang pera. Isa lamang akong aliping sagigilid sa Qatar wala akong maipapa utang! Kaloka kayo!
  3. Gusto kong kumuha ng kahit isang maliit na apartment lang. Gusto ko ulit maging independent.
  4. Naiinip akong maghintay na matapos ang duty ng gelpren ko. Nakakainip dito sa bahay nila.
  5. Naaaliw ako sa anak ng kapatid ni gelpren. Ang cute kasi. Nacucutetan nga lang ba ako o gusto ko na rin talaga magka anak?
  6. Nakakabadtrip si mudrax di man lang niya ko magawang itext! Di man lang sumasagot sa mga text ko!
  7. Gusto ko magkasyon kaso walang budget para sa bakasyon. Magtataninm na lang muna ko siguro ng kamote.
  8. Ano kayang masarap kainin na di ko pa natitikman? Parang gusto kong kumain ng exotic food.
  9. Ang laki ng tiyan ko! Nakakasuya tignan. Makapag seat-up nga pag tinamaan ng sipag.
  10. Gusto ko magpamasahe. Makapag mall nga at makapagmasahe sa bulag. Sumasakit na likod ko puno na ata ng lamig.
  11. Kailan kaya ko makaka bisita sa Dentist? Ang tagal kasi ng off ni gelpren dapat sabay kami eh.

PEACE!!

Saturday, June 2, 2012

Qatar National Day 2010

Last December 18 2010, napag diskitahan ng Pinoy Community namin sa Qatar ang manood ng National Day nila. Sa umaga kami pumunta parada kasi. Sa gabi naman fireworks na lang yata yun tsaka iba pang activities sa pagkakatanda ko. Mas bet namin yung parada. Isa pa may pasok kami kinabukasan kaya sa umaga kami pumunta.

Kung sa atin ay simple lang ang silebrasyon tuwing Araw ng Kalayaan, sa kanila hindi. Magarbo at Mayabang ganyan ko mailalarawan.

Unang pagkakataon ko makakita ng personal at malapitan ng mga naglalakihang tangke, mga kanyon at iba pang mga sandatang pandigma. Mga mamahaling sasakyan na pininturan ng kulay purple at dinisenyohan ng kanilang bandila para lang sa araw na iyon. Namangha lang ako kasi yung mga bagay na nakikita ko lang sa mga Hollywood films ay sa Qatar ko pala makikita ng personal.

Ito ang ilan sa mga kuha. Pasensiya na at cellphone lang gamit ko diyan. Tsaka isa pa, mahigit isang taon na ang mga kuhang yan. 



War kung War





Arabs Stolen Shot

Ito yung picture nung tatlong bata na naging instant celebrity dahil sa kacutetan nilang tatlo. Ang ganda nung nasa kaliwa! <3 hehe.



Ten te ne nen! ang mga Jologs na OFW ng Qatar




PEACE!!

Friday, June 1, 2012

Biyaheng Pinas

Sa wakas nakapag blog din! Naputol na kasi ang connection namin dito sa bahay. Pinabayaan ng mga frog kong kapamilya. Kaya ito nakikihiram na lang muna ng USB Broadband ng Globe sa kapitbahay. Ang hina nga eh. Nakuha ng pagpawisan ng kili kili ko di pa tapos magload ang isang page. Kalowka! Mahina ata reception dito samin. Anyway, di naman tungkol sa Broaband review ang entry na to.

Tungkol ito sa masaya, nakaka imbyerna at nakakapagod na byahe ko pauwi sa ating bansang pinakamamahal ang Mainland China! tsarot! siyempre Pilipinas.

Bandang 9:00 pm gora na ako sa Airport sakay ng company mini bus namin. Mini talaga? Maaga. Kasi yun ang free time ng bus namin. Kaya kahit na 3:45 pa ng madaling araw ang flight, 10:00 pm nasa airport na ko. Keri na kesa kumuha pa ko ng taxi. Wala na akong pera pambayad. So ayun pagdating sa airport. Pacute ng konti, yosi-yosi, kape-kape, ihi-ihi tska na ko nag check-in bandang 12:00 ng madaling araw.

Ilang araw ko na rin pinuproblema ang mga bagahe ko. Alam ko kasi na sobra sa 30 kilos ang mga buhanging dala ko na nilagay ko sa bag at karton. Kaya paglagay ko ng isang maleta at isang karton sa counter para kilohin, ayun at sobra nga ng anim na kilos! At sinisingil ako ng 720 Qr (8,000 Php)  para sa sobrang bigat ng bagahe. Dahil sa kakuripotan ko, at ayoko na gumastos sabi ko sa manong counter:

"Wait sir, I dont wanna pay!" (slang? wanna talaga?)
"I will just reduce the weight"

Edi ayun binaba ang maleta at karton. Pumwesto sa tabi, Bukas maleta, Inalis ang mga butas na brief, tshirts, shorts at pantalon tapos pinilit isiniksik sa Hand Carry Bag. Di na daw kasi kinikilo ung hand carry kaya ayun naka umbok much ung bagpack at laptop bag ko.


Pagbalik ko kay manong counter, ipinakilo ko agad at puta lang sobra pa rin ng 3 kilo! Puro medyas at panyo na nga lang ang laman ng maleta pero sobra pa rin?! Hanggang sa mapagtanto ko na ang mabigat talaga ay ang mismong maleta. Ibababa ko na sana ang maleta ko ulit pero may lumapit saking Indian. Bumulong siya sakin at sabi:


"Pare, leave it. Just give 100 Qr No problem"


Dahil sa desperado na ko, at basang basa na rin ang kili kili ko kaka buhat ng mga lecheng bagahe, pumayag na rin ako. Isang kindat lang ni manong fixer sa counter pina diretso na agad yung mga bagahe ko at bigay na siya ng ticket sakin. Sabay pasimple na rin ako ng abot ng 100 Qr kay manong fixer.


Oh di ba? Nakatipid pa ko. Buti na lang may mga ganong padulas kembot din pala sa ibang bansa. Parang Pilipinas lang!


So ayun na pagkatapos ng ilang minutong  pre departure procedures naka check in na ko. Yey!


Bandang 3:00 am nakasakay na kami ng eroplano. Connecting Flight kasi ako. Tipid much ang kompanya namin kaya may stop over pa ko sa Dubai.


Ito yung mga kuha ng byahe ko papuntang Dubai. Pagpa sensyahan niyo na at cellphone lang gamit ko.






Breakfast ng Economy

Dubai from the top


















Around 5:00 ng umaga Dubai Time nasa Dubai na ko. At ang una kong gusting gawin? Manigarilyo! Kaya naghanap agad ako ng mapagtatanongan kung san ang Smoking Area ng paliparan na iyon. Sabi ng unang napagtanongan ko, diretso lang sabay turo sa direction. Ako naman sunod sa sinabi ni kuya. Siguro mga 3 hours 5 minutes na ko naglalakad wala pa rin akong makitang Smoking Area.

After ilang metrong 60 kilometers ng paglalakad, nakita ko rin. Nakita ko rin ang saradong Smoking Area! Amputa under renovation! smoking area lang? Anong ilalagay nila dun swimming pool?! Pagkatapos kong maglakad ng ganun kahaba sarado pala?! Futa Gusto kong sumigaw ng WORST AIRPORT EVErrrR! Arte lang. hehe.

Hindi pwede ito sabi ko sa sarili ko. Kaya nagtanong ulit ako. Sabi ng miss na napagtanongan ko nasa baba na daw. Kaya takbo ko sa escalator. Pagbaba ko, mga 3 mins ulit akong naglalakad ng diresto pero di ko pa rin talaga makita ang punyetang Smoking Area! So I said. Ahhh Fck it! Sa Pilipinas na lang ako maninigarilyo. Hehe. Kaya napagpasyahan ko na lang bumalik sa Waiting Area at mag sa sightseeing na lang ako ng mga magagandang Pinay OFW na pauwi na rin.

Di ko na babanggitin na ang baaaaagaaaaalll ng wifi sa Dubai International Airport baka kasi sa pwesto ko lang yun or marami lang talagang naka connect ng mga oras na yun.

Wala naman masyadong nangyari pagsakay ko ng Emirates papunta ng Pilipinas. May katabi rin kasi akong seaman at dalawang mag asawang galing pa ng New York kaya nahihiya me mag picture ng loob ng plane baka isipin pa nila first time ko. Kaya super behave na lang ang peg ko.

Tinitigan ko na lang lahat ng body parts ng mga Flight Stewardess, nanood ng movies, nakipagkwentohan sa katabi, kumain ng  lunch at dinner, kumain ng cup noodles, nagmeryenda at nagkape. Nanghingi din pala ko ng dalawang can ng beer at isang maliit ng bote ng scotch tsaka ko jumebs. Oh di ba behave pa ko niyan.

Pagbaba ng sinasakyan kong eroplano sa NAIA, siyempre bumaba na rin ako ano pa bang gagawin ko dun eh sawang sawa na kong umupo dahil sa 8 oras din na biyahe from Dubai to Philippines.

Paglabas ko ng plane, jumingle na muna ko napapa wiwi me sa happiness and excitement. Napakasaya ko dahil pagkatapos ng dalawang taong paninilhan sa bansa ng langis at buhangin, sa wakas nasa bansang sinilangan na ko. Parang gusto kong ang halikan ng torid ang sahig ng NAIA sa tuwa. Ganun.

Pagkatapos kong ipagpag, naghugas na ko ng kamay at dumiretso na ko sa Immigration. Kung Immigration nga ang tawag dun di ko alam, basta may counter din.

Biglang nawala ang saya ko ng nakita ko ang haba ng pila! Punyeta lang parang nakasale ang SM sa dami ng nakapila para iprocess ang mga passport namin. Siguro 30 minutes din akong nakipila. Sa dinami dami ng computers at bakanteng counter bakit apat lang yata ang bukas at nagtatatak ng mga Passport ng mga OFW at mga foreigners?! Imbyerna much! Di ko kasi nabunot ang aking 3210i kaya di ko na piktyuran eh. Kumalma na lang ako dahil ayokong maubos ang mga natitira ko pang good vibes sa katawang lupa ko.

Pagkatapos ng mabagal na proseso at pakikipagbalyan sa NAIA, lumabas na ko at nakita ko na rin ang aking dawalawang 25 kataong sundo.

Kamustahan ng konti tapos bumeyahe na kami pauwi ng Pangasinan.