Wednesday, June 13, 2012

Apartment


Ika labing-isa ng Hunyo taong Dalawang libo’t labing-dalawa, natupad din ang isa sa mga goal ko. Nakahanap na rin ako ng isang maliit na apartment. Hindi man ito kalakihan o glamorosa tulad ng mga naglalakihang condominium sa Makati ay masaya na rin ako.

Maliit man ay sa palagay ko safe naman ako dito. Basta ang importante may kama at banyo ok na ko. Di naman ako maarte. Mababait pa landlord ko. Isa pa walking distance lang sa ESEM kaya kung gusto ko magmall ay lalakarin ko na lang.

Kapitbahay ko pala dito ang pinsan ko. Yung napangasawa kasi niya anak ng may ari kaya ito magkatabi lang kami ng bahay. Isanama ko rin ang isa ko pang pinsan na wala pa rin trabaho tulad ko para may kasama ko at di maburyo mag isa.

Magastos man mamuhay ng mag isa, ay pipilitin kong kayanin. Maganda rin ito para matuto akong magtipid, lagi na lang kasi akong napapagalitan ni gelpren ang gastos ko daw. Gosh! Isa pa, gusto ko kasing maging independent ulit. Mahirap din kasi minsan pag nasa bahay ako bini baby ako ni Mudrax-2 feeling niya ata PBB TEEN pa rin ako kahit bente kwatro anyos na ko.

O siya at bibili pa ko ng mga konting gamit para sa aking bahay bahayan.

Ito pala ang aking munting tahanan:

Google

Hehe. Ako na ang meyembro ng First Family.

15 comments:

  1. hahahahahaha . natawa ako kala ko seryoso na sa huli!

    ReplyDelete
    Replies
    1. seryoso naman lumipat talaga ko ung huling pic lang ang hindi. hehe

      Delete
  2. Wow, congrats sa bagong apartment! pangarap ko din na maging independent at tumira mag-isa somewhere, pero mukhang di ko keri, haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya mo yan! hehe. lakasan mo lang loob mo.

      Delete
  3. Good luck sa pagiging independent, naalala ko tuloy nung mga panahon na gusto kong maging ganyan. :) Napadaan si Akoni.

    ReplyDelete
  4. go for independency!

    hehe

    :))

    ReplyDelete
  5. ganda ng apartment mo hehe... may bakante pa ba dyan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. marami pa ser basta ikaw. hati tau sa upa. hehe

      Delete
  6. congrats 1 down na sa bucket list mo! kaya pala hindi tumira dyan si PNoy, naunahan mo pala sya ;0

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat ser. maarte kasi siya ayaw nya akong roommate. hehe

      Delete
  7. pwede dumalaw dyan? sarap siguro tumira dyan ano?

    ReplyDelete
    Replies
    1. masarap din kaso naliligaw lang ako minsan ang daming pinto eh. hehe

      Delete
  8. ha ha ha bilib na sana ako sa pagiging independent mo eh sukat ba namang nakitira ka pa dyan sa "bahay ko" aha ha ha

    ReplyDelete