Thursday, June 21, 2012

A Father's Day Post

Oo alam ko June 21 na pero pang Fathers Day pa rin ang entry na ito. Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw. Abala ako sa pagiging butihing nobyo, paghahanap ng trabaho at paglalamyerda. Kaya ako na ang maraming ginagawa. Huli man, nais ko pa rin ihabol ang post na ito para sa taong walang sawang nagmamahal at nag alaga sakin mula pagkabata hanggang ngayon. Para sayo to erpat!

Google
Dear Pudra,

Nung nakaraang linggo, hinatid mo ako sa sakayan ng bus. Kailangan ko na naman kasing lumayo sa inyo ni Mama para humanap ulit ng trabaho. Alam mo naman ubos na bread na dala ko kakapainom sa tropa. Habang nasa biyahe papunta sa Terminal, napagmasdan kita. Matanda ka na nga. Nakita kong unti unti ng kumukulubot ang balat mo. Dati maganda pa ang katawan mo pero ngayon nangayayat ka na. Sabi mo sakin noon kamukha mo si Edu Manzano at napapaniwala mo pa ako pero ngayon, si Max Albarado na ang nakikita ko sayo pag tinitignan kita. Alam ko rin marami na ring masakit sa katawan mo. Yung balikat mo na lagi mo iniinda at yang likod at sikmura mo na sinasabi mong sumasasakit. Kung may magagawa lang sana ako para mawala agad yang mga dinadaing mo ginawa ko na. Ayokong nakikita kang naghihirap sa kirot, di baleng ako na wag lang ikaw, huwag lang kayo nila Mama at Mommy.

Natatandaaan mo pa ba nung bata ako? Nung mga panahong kailangan mong lumayo samin ni Mama para magtrabaho sa Baguio? Naalala ko pa noon tuwing aalis ka, kailangan patulugin muna pa nila ako para di ako umiyak dahil gusto kong sumama sayo. Sabi pa sakin ni pinsan bago ka daw umalis habang natutulog ang cute na batang ako, maluha luha ka pa daw umaaalis. Totoo ba yun? Baguio lang yun Papa pero feeling mo ata sa abroad ka pupunta. Pero seryoso, naiiyak ako nung sinabi sa akin yun.

Alam ko dati feeling niyo ni Mama nung nasa elementary pa ko, ikinakahiya ko kayo. Pero hindi totoo yun. Nahihiya lang ako nun sa mga classmates ko. Kayo ba naman kasi, nasa Grade 4 na ko hatid-sundo niyo pa ako sa school. Hindi lang yun, kayo pa nagdadala ng baon ko tuwing recess. Tapos pag uwian na, gusto mo kaw pa magbibitbit ng bag ko. Tinutukso kasi ako ng mga ka eskwela ko eh, Baby Damulag daw ako. Pero ngayon ko narealize ang lahat. Ginawa niyo lang yun dahil mahal niyo ko. Ayaw niyo akong masaktan gusto niyo lang na maging safe ako at ayaw niyo akong mahirapan.

Nung college naman ako, di pa rin nawala ang pag aalaga niyo sakin. Tuwing bakasyon at uuwi ako sa bahay ng nakainom, ikaw pa magbubukas sa akin ng pinto at ipaghahain mo pa ko o tatanongin kung nakakakain na ba ako. Kahit hanggang ngayon na nagka edad na ko ginagawa mo pa rin yun. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko at sayo kasi di ka naman umiinom o naninigarilyo.  Salamat Papa.

Hindi ko man sinasabi sa iyo ng madalas o sa text ko lang sinsabi nung nasa Qatar pa ko, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat pagmamahal, pag aalaga at lahat ng sakripisyong ginawa mo para sa akin. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya maibalik ko lang ang lahat ng yun. Hindi man ngayon, dadating ang panahon na mabibigayan ko kayo ni Mama ng magandang buhay. Yung tipong pag aaralan mo maglaro ng Majong kasi wala ka ng ginagawa. Ganun. Promise ko yan. Maraming maraming salamat po ulit sa lahat. Mahal na mahal ko po kayo ni Mama.

Mawalan man ako ngayon at ipanganak ulit after 5 mins, ikaw ang gusto kong maging tunay na Ama.

Ang iyong lasenggong anak,
          Richie

5 comments:

  1. Ang swit mo aman sa pudra mo. hehehe.

    sabi nga nila, late man itong pang father's day post mo, late pa din. ahihi

    ReplyDelete
  2. Ang ganda ng letter mo, kakaiyak lang.. naka-relate ako, kasi yun parents ko din, uber mag-alaga, kahit ngayong ang tanda ko na..

    Kelan kaya ako makahanap ng butihing nobyo?hahaha..

    ReplyDelete
  3. dear lasenggo este richie! :(

    salamat sa pagpapabasa mo samin sa makabagbag-damdaming bukas na liham para sa iyong ama. napakaganda naman ng liham na eto at ayos lang kahit hindi na araw ng mga ama, pwede namang araw-araw, araw pa rin nile ;)

    THANKS for adding me in GFC, added you back I'm #19. see yah around ;)

    ReplyDelete
  4. your father must read this!for sure he is proud na anak ka nya..belated happy fathers day to your dad!

    ReplyDelete