Hindi ko talaga alam kung papano ko uumpisahan ang entry na ito. Hindi naman kasi ako sanay nabibigyan ng award. Huling award ko ata eh nung Grade 6 pa ko "Most Cheerful" pa. Puta lang right? Pwede namang Most Honest, Most Generous, Most Kind o kahit ano pang Most-Most diyan bakit Cheerful pa!? Kill me now! Charing!
Anyway, nabigyan ako nung isang araw ng award na Versatile Blogger Award galing sa isang magaling na blogger na si Balut ng BALUT MANILA. May tatlong rules daw ang award na itew. Una, ang mabibigyan daw ng award na ito ay magkaka pigsa sa pwet at tumor sa mukha. Joke! Seryoso, ito yung mga rules:
- Thank the blogger who gave you this award. Don’t forget to link his/her blog.
- Post seven random things about you.
- Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.
Kaya umpisahan na natin. Lezgereron! :)
Pasasalamat:
Dear Balut,
Una sa lahat, ano po ba talaga ang pangalan niyo maam? Balut lang kasi ang nakalagay sa blog niyo na aking sinusundan. Nakiki Balut na lang din tuloy ako. Pumi-feeling close. Hehe. Salamat nga pala at isa ako sa mga napili niyo para bigyan ng award. Pero sana pinera niyo na lang kailangan ko na kasi talaga. Joke! Isang malaking karangalan ang mabigyan ng isang award lalo na sa isang katulad kong hindi naman talaga marunong magsulat. Mag adik pwede pa. Hehe. Biro lang ulit. Isa po ako sa mga tagahanga ninyo. Hindi man ako palaging nag co-cocomment, binabasa ko naman ang mga entry na inyong ginagawa. Hindi lang ang mga sa sulatin sa BALUT MANILA kundi pati na rin sa iba niyo pang mga blogs. Maraming salamat po ulit madam.
PS:
Good luck sa pagtakbo sa darating na 36th Milo Marathon. Sana manalo po kayo. Hindi na ko makapaghintay na ipost mo ang resulta. :)
Pitong Bagay tungkol sa akin:
Mahirap to hindi ko alam kung magsisinungaling ba ko o totoo ang mga sasabihin ko. :)
- Mahilig akong kumain. Hindi lang halata kasi kahit anong gawin kong kain nahihirapan pa rin akong magdagdag ng timbang.
- Ang lakas ng imagination ko. May mga pagkakataong kahit may kausap ko bigla na lang lilipad ang isip ko at mag i-imagine ng kung anong anong shit.
- Wala akong kinahiligang sports. Ay meron pala! Surfing and Gulf. Internet Suring tska mag gulf-gulf-gulf ng Redhorse at Emperador Light.
- Ang dami kong pangarap at gusto gawin sa buhay. Minsan hindi ko na alam kung pano uumpisahan at kung matutupad pa ba ang mga ito. Pero positive lang. Alam kong nandiyan si God para tulungan ako.
- Ang hirap ng Enumeration kembot na itew! Suntukan na lang tayo! :) Mahilig akong manood ng movie. Nahilig ako nung nasa Qatar pa ako. Naka 2-3 movies ako sa isang araw. Dalawa pag nasa trabaho gamit ang ipod, at isa bago matulog gamit naman ang laptop. Lugaw lang kasi ang trabaho ko nun sobrang petiks. Pero ngayon isa na lang sa isang araw. Mabuhay PirateBay!
- Minsan sa panahon ng aking kabataan, pinagpantasyahan kong maging girlfriend ang isa sa mga miyembro ng Sexbomb Girls ng Eat Bulaga. Hindi lang pala isa minsan iniisip ko silang lahat magiging syoting ko balang araw. lol. Natatawa ko pag naiisip ko mga pinag gagawa ko nun. Ayoko na ikwento. Nahihiya meeee!
- Ayoko ng Math. Hindi pala, bobita ako sa Math! Naalala ko nung nag aaaral ako simula Grade School hanggang College pag Math na ang subject o kahit na anong subject na may numbers, pakiramdam ko The End of the World na.
Ipasa ang Award
Itututuloy ko na lang po sa sususunod na entry ang pagpasa ng award na ito. Magkikita pa kami gelpren eh, magsisimba kami mamaya. :)
Ayii, congrats sa award! Palagi mo ko pinapatawa sa posts mo so I consider you na magaling na writer..
ReplyDeleteSo totoo ba o kasinungalingan pinagsasabi mo?Char! Ako rin, kahit anong kain ko, payat pa rin.. Sexbomb girls talaga?hahaha..
kung di mo pinasa tong award na toh di ako mabibigyan. hehe. salamat din! :)
Deletenga pala, totoo mga sinabi ko walang halong kacharingan! hehe
Si jopay ba pinagpapantasyahan mo sa SEXbomb? apir!
ReplyDeleteapir! hindi lang si Jopay ser silang lahat! umi spaghetting pababa at pataas! hehe
Deletemaganda yang surfing and gulf. ganyan din ako eh pero hindi emperador. parang pang-tatay yung lasa at amoy eh. Ha ha!
ReplyDeletesa umpisa lang yan pero pag sanay ka na mabango na ang amoy tatang. hehe
DeleteHahaha!! Natawa ako sa sports mo. Ako din, mahilig sa Surf. Surf powder gamit naming sabon sa bahay eh. Yun nakahiligan ni Tita eh Hihi.. Libreng promote? Lol..
ReplyDeleteLahat naman at ng Pinoy boys, nagkaroon ng pantasya na ganun? hehe. Minsan din sa buhay ko, napagpantasyahan ko na... maging kasing seksi ng mga SexBomb girls. Hayz..
ako ariel. hehe.
Deletesexy ka naman mam eh, cge nga isang get get aw! nemen jen! hehe.
salamat sa pagdaan. maligayang pagbabalik din, namiss kita este mga post mo pla. :)
ha ha ha GRABE tawa ko sa post mo riChie!
ReplyDeleteGusto kong maiyak at ma-touch sa "Pasasalamat" mo eh pinipigilan mo naman yung luha ko sa mga wagas mong singit patawa! Wagas ka talaga!
"Balut" is a term of endearment from my close friends that eventually became my nickname. The name I'm using in my running blog is my pseudonym since I started writing. I don't remember writing publicly using my real name so keri natin ang "Pumi-feeling close" lolz.
Nakaka-relate ako sa Random 4,5 & 7. But pinaka-wagas sakin yung "Most Cheerful" award kahit wala sa random ha ha ha
Seriously, I second demonyo este! the motion on Joanne's comment. Ang galing mong magsulat. I read blogs intently & your posts are among the ones that I look forward to reading. Pwera biro fan mo ako :)
And I want to sincerely thank you for wishing me luck on the Milo Marathon. I appreciate it very much. Running is one thing that is close to my heart though I'm not a competitive runner. I'm a fun runner with a serious challenge against myself.
Maraming salamat ulet for the wishes and for replying to this award/tag (sensya na sa haba ng comment ko).
salamat po ulit sa award madam Balut. so ayaw nyo talaga i share ang totoong name niyo? balang araw malalaman ko rin yan, mag stalk ako sa inyo ng bongabels or mag hihire ako ng private investigator pag tumama ako sa jueteng mamaya. ang bolohan kasi mamayang gabi, humanda uuu! hehe.
Deleteahahaha, nakakatuwa naman yung enumration ba to? suntukan na lang tyo. pero yung sports mo, ok ay ah....
ReplyDeletekaw ba ser di mo rin ba sport ang tumangga ng RH? hehe
Deleteayoko ng RH at kahit na sinong kamag-anak nya. pati mga apo ni RH ayoko dn. juice na lang o kya si RC.
Deletetalagang ginawang coded pa mga alak ano? lol