![]() |
Hindi pa nakakalayo ang Jeep ng huminto ulit ito. May sumakay. Isang babae at isang lalaki. Walang duda magkasintahan sila. Umupo sila sa tapat namin. May itsura ang lalaki, may kataasan, maputi, gwapo. Ang babae naman, naka lipstick ng pink. Yun na yun basta naka lipstick siya.
Hindi naman talaga ko mahilig magmasid ng mga babae na may bowa na. Pero itong si ate iba. Ang lakas ng arrived! Pano ba naman bunganga lang niya ang naririrnig sa Jeep. To think na ang lakas na ng tunog ng tambutso ng Jeep ni Manong. Sa bawat pagdaan ng sinasakyan naming Jeep sa mga establishments along the Hi-Way, may comment siya. Na kesyo "Diyan ako nagpa SALOON last month" "Ay! Gusto ko magpa Spa diyan minsan" "Diyan malapit nakatira si Camille yung freind ko, remember?" At nilalabas niya ang kanyang 4th Gen ipod touch, kausap ang jowa niya na panay naman ang ayos sa kanyang buhok.
Napataas ang naka curl kong kilay, para tuloy gusto kong hugutin sa aking bag ang aking Ipad3, Samsung S3, Iphone 4s at dawalang Mac Book Pro with Retina Display! Pero hindi na. Dahil wala naman akong ganun. Hehe.
Dahil para siyang binabayaran para magsalita, nakatingin na kanya si Ate, yung magjowa sa harapan at kaming dalawang magjowa rin. May mga pagkakataon ngang nagkakatinginan kami ni Ate na unang pasahero at napapangiti. Si gelpren naman pag tinitignan ko at nakikita kong nakatitig siya dun sa babaing naka lipstick, alam kong isa lang nasa isip naming dalawa. Ang arte-arte niya!
Lumiko ang Jeep para magpa gas. Habang nagpapagas ang sinasakyan namin, biglang nagsalita ang bowa ng babaing naka lipstick.
"Ang oily ng mukha ko."
"Sige i will put powder" Sagot ng babae sabay labas ng pulbo sa bag.
Akma ng lalagyan ng babae ng pulbo ang bowa niya ng nagsalita ang lalaki ng: "Mamaya na lang, baka lumipad lang yan."
Nahiya ata.
"You waste my effort! You always do that! I hate you!"
Putangina! Parang gusto kong tumambling bigla! Englisera? Soyal? Sa limousine nakasakay? Kaloka.
Sasabihin ko sana "Te, baka ang ibig mong sabihin eh You just wasted my effort! Your always doing that! I hate you!" Tama ba ang grammar ko? Correct me if your right. lels.
Umusad na ang Jeep. Pagdating sa isang kanto bumaba na sila at sumakay sa isang trisikel
Pag andar ng Jeep, nagawi ang tingin ko sa inuupuan ng mag jowa. At nakita kong basang basa ang
upuan kung saan umupo ang babaing naka lipstick. Kitang kitang nakabakat ang
hita ng babae. Naka shorts kasi siya ng maikli at walang duda kung ano yun.
Pawis! Isang kutsarang pawis!
