Showing posts with label OFW. Show all posts
Showing posts with label OFW. Show all posts

Saturday, June 2, 2012

Qatar National Day 2010

Last December 18 2010, napag diskitahan ng Pinoy Community namin sa Qatar ang manood ng National Day nila. Sa umaga kami pumunta parada kasi. Sa gabi naman fireworks na lang yata yun tsaka iba pang activities sa pagkakatanda ko. Mas bet namin yung parada. Isa pa may pasok kami kinabukasan kaya sa umaga kami pumunta.

Kung sa atin ay simple lang ang silebrasyon tuwing Araw ng Kalayaan, sa kanila hindi. Magarbo at Mayabang ganyan ko mailalarawan.

Unang pagkakataon ko makakita ng personal at malapitan ng mga naglalakihang tangke, mga kanyon at iba pang mga sandatang pandigma. Mga mamahaling sasakyan na pininturan ng kulay purple at dinisenyohan ng kanilang bandila para lang sa araw na iyon. Namangha lang ako kasi yung mga bagay na nakikita ko lang sa mga Hollywood films ay sa Qatar ko pala makikita ng personal.

Ito ang ilan sa mga kuha. Pasensiya na at cellphone lang gamit ko diyan. Tsaka isa pa, mahigit isang taon na ang mga kuhang yan. 



War kung War





Arabs Stolen Shot

Ito yung picture nung tatlong bata na naging instant celebrity dahil sa kacutetan nilang tatlo. Ang ganda nung nasa kaliwa! <3 hehe.



Ten te ne nen! ang mga Jologs na OFW ng Qatar




PEACE!!

Friday, May 18, 2012

Koya Wag Po.. (a true story)

Tatlong araw pa lang ako noon dito sa Qatar. Dahil sa bagohan at ito ang unang karanasan ko sa pangingibang bansa, sabik ako makipagkwentohan sa mga nauna o mga batikan na sa pangingibang bansa para magtanong at makipagkwentohan ng mga karanasan nila dito sa Qatar .

Dito ko nakilala si Alfred (hindi tunay na pangalan) Si Alfred ay kasama sa ating mga kababayang nabibilang sa third sex. Matanda siya ng limang taon sa akin. Mabait, makwento at kalog itong si Alfred. Sa mahigit na isang oras kong pakikipagkwentohan sa kanya kasama ang mga housemates sa bahay ni kuya, chos! nalaman kong siya ay breed winner ng kanyang pamilya. Nakakaantig ang kwento ng buhay ni Alfred at kung ikekwento ko pa sa inyo ay baka mapasulat pa kayo bigla sa Wish ko lang Or Dear Showtime Family kaya huwag na lang.

Sa maikling oras ng pakikipag kwentohan namin kay Alfred, nakagaanan na rin namin siya ng loob. Dahil na rin siguro sa kwento ng buhay niya at sa pagiging palabiro niya.

Bago matapos ang kwentohan namin may ibinulong sakin si Alfred.

"Punta ko sa kwarto niyo mamaya, wag kang mag lolock ng pinto"

Nawindang me sa sinabi niya. T'was like! WTF?!! Agad agad? sabi ko sa sarili ko.

"Hahaha! loko loko!

Ang sagot ko sa kanya para matapos na lang ang usapan at umalis na rin ako kasama ang mga housemates ni kuya. 

Kinagabihan:

Maaga akong humiga sa aking kama. Dahil wala pang libangan, nagkwentohan na lang kami ng aking mga kakwarto.  Wala pa kaming mga trabaho noon kaya umabot ang kwentohan namin ng ala una ng madaling araw hanggang sa napagkasunduan na rin naming matulog na.

Mga alas tres na po yun Kuya Tulfo, mahimbing ang aking tulog. Madilim ang buong kwarto at ang tanging maririnig mo lamang ay tunog ng aircon sa aming silid.

Nang walang ano ano'y naramdaman kong may nagtataas ng aking makapal na blanket.


TULOY KO BUKAS ANG KWENTO MANONOOD PA PALA KO NG LIFE STORY NI BOB MARLEY.


Saturday, April 28, 2012

Overseas Filipino Workers

Overseas Filipino Workers? Sino ba sila? Sila ba yung mga Pilipino na mahilig magpapicture sa harap ng matataas na buildings, malls at mga parks sa ibang bansa? Sila ba yung mga Pilipino na post ng post ng mga nakakapagpabagabag na videos galing sa Youtube sa kanilang Facebook pages? o sila ba yung mga pinoy na kapag nag uupdate ng status sa kanilang Facebook account eh puro ka emo - han or kapag masaya naman sila ay may jejeje sa last sentence ng status nila? Baka naman sila ung Pilipinong piniling mag ibang bansa para makapagtrabaho at para makatulong sa kanilang mga mahal sa buhay? Todo smile at pose sila para makita ng kanilang mga pamilya na sila ay maayos at hindi kailangang mag alala pero sa likod ng masasayang ngiti na ito, ay ang mga pakiramdam ng lungkot at pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Masaya at Malungkot ang magtrabaho sa ibang bansa. Masaya dahil alam mong nakakatulong ka sa mga mahal mo sa buhay at sa bawat pasasalamat na natatanggap mo, ay ang pagpawi naman nito sa lahat ng hirap at lungkot na nararamdaman mo. Malungkot talaga dahil napapalayo ka sa pamilya mo, sa kaibigang malapit sa iyo, sa mga kaugaliang minahal mo at sa bansang kinalakihan mo. Lumilipas ang mga masasayang okasyon na hindi mo kasama ang pamilya mo. Sa mga may anak, dumaraan ang mga araw na hindi mo nakikita ang kanilang paglaki.
Naalala ko pa sabi ng mga nakakakwentohan ko noon na mga beterano na sa pangingibang bansa na pinakamalungkot daw na oras sa abroad ay ang ang dapit hapon o kapag umuulan. (Buti na lang madalang ang ulan dito sa Middle East kung hindi atungal pala ng mga Pinoy at hindi ang patak ng ulan ang maririnig ko kapag umulan na). 


Hindi madali ang pagiging isang OFW. Bukod sa pangungulila o homesick na kasama na sa pang araw araw na pamumuhay mo, marami pang ibang pagsubok na nararanasan ang mga PINOY ABROAD na ito. Siyempre maraming ubstakul kapag bida ka. Nandiyan ang DISKRIMINASYON na nararanasan ng  mga Pilipino kapag nasa lupang banyaga na sila. Maraming mga forenjer ang natutuwa sa galing at sipag ng mga OFW pagdating sa trabaho kaya nga isa tayo sa mga in demand pagdating sa pagkuha ng mga banyagang kompanya para magtrabaho sa kanila. Ngunit hindi nawawala ang diskriminasyon sa mga Pilipino. Dahil nga sa nanggaling tayo sa mahirap na bansa eh tingin na sa atin ng ibang mga banyaga ay basta basta lamang. Nariyan ang pagmamaltrato o pag aabuso sa mga magigiting nating mga Domestic Helpers, ang mabagal na pag akyat ng posisyon ng mga Pilipinong manggagawa kahit na gaanong husay at sipag ang gawin nila, ang paghuhusga sa mga Pilipino dahil marami daw tayong mga kababayan na nabibilang sa third sex at ang mababang pagtingin sa ating mga kababayang kababaihan na sila ay nakukuha sa pera lamang (alam niyo na ang ibig kong sabihin). Sa palagay ko, hindi na mababago ang pagtingin ng ibang maga banyagang ito sa ating mga OFW. Ang magagawa na lamang natin ay ang lalong magsipag at ipakita sa kanila na mali ang kanilang iniisip na tayo ay HINDI JUST - JUST (basta - basta) lamang.

Naalala ko tuloy nung mga unang araw ko pa lang dito sa Middle East. Akala ng isang Arabo ay isa rin akong Babaylan sa Kagubatan. Dahil siguro sa maputi kong balat at balingkinitang katawan, ay akala niya na maibibigay ko ang kanyang kahilingan gamit ang mahika ng isang Babaylan. (Buti na lang at todo ignore ang peg ko kaya tumigil din siya, grabe naloka ako!) buhaha!


Kaya ito lang ang masasabi ko:
Mabuhay ang mga Manggagawang Pilipinong sa Ibang Bansa!
Mabuhay ang mga Migranteng Pilipino!
Mabuhay ang mga Bagong Bayaning Walang Bantayog! (*taray*)