Last December 18 2010, napag diskitahan ng Pinoy Community namin sa Qatar ang manood ng National Day nila. Sa umaga kami pumunta parada kasi. Sa gabi naman fireworks na lang yata yun tsaka iba pang activities sa pagkakatanda ko. Mas bet namin yung parada. Isa pa may pasok kami kinabukasan kaya sa umaga kami pumunta.
Kung sa atin ay simple lang ang silebrasyon tuwing Araw ng Kalayaan, sa kanila hindi. Magarbo at Mayabang ganyan ko mailalarawan.
Unang pagkakataon ko makakita ng personal at malapitan ng mga naglalakihang tangke, mga kanyon at iba pang mga sandatang pandigma. Mga mamahaling sasakyan na pininturan ng kulay purple at dinisenyohan ng kanilang bandila para lang sa araw na iyon. Namangha lang ako kasi yung mga bagay na nakikita ko lang sa mga Hollywood films ay sa Qatar ko pala makikita ng personal.
Ito ang ilan sa mga kuha. Pasensiya na at cellphone lang gamit ko diyan. Tsaka isa pa, mahigit isang taon na ang mga kuhang yan.
War kung War
Arabs Stolen Shot
Ito yung picture nung tatlong bata na naging instant celebrity dahil sa kacutetan nilang tatlo. Ang ganda nung nasa kaliwa! <3 hehe.
Ten te ne nen! ang mga Jologs na OFW ng Qatar
PEACE!!
|
Lol. ang kulet nung caption na jologs. ahaha
ReplyDeleteall boys ang mga jologs, hehehe
ReplyDeleteewan ko pero parang natatakot ako dyan hehe lalu na nung nakita ko yun tangke na pinaparada haha
:))
Ang taray lang ng parada, may tangke at.. fighter jets ba yun?? ang dame nyo OFW at ang cute ng background..
ReplyDeletemas cute ka. hehe
Delete