Friday, June 1, 2012

Biyaheng Pinas

Sa wakas nakapag blog din! Naputol na kasi ang connection namin dito sa bahay. Pinabayaan ng mga frog kong kapamilya. Kaya ito nakikihiram na lang muna ng USB Broadband ng Globe sa kapitbahay. Ang hina nga eh. Nakuha ng pagpawisan ng kili kili ko di pa tapos magload ang isang page. Kalowka! Mahina ata reception dito samin. Anyway, di naman tungkol sa Broaband review ang entry na to.

Tungkol ito sa masaya, nakaka imbyerna at nakakapagod na byahe ko pauwi sa ating bansang pinakamamahal ang Mainland China! tsarot! siyempre Pilipinas.

Bandang 9:00 pm gora na ako sa Airport sakay ng company mini bus namin. Mini talaga? Maaga. Kasi yun ang free time ng bus namin. Kaya kahit na 3:45 pa ng madaling araw ang flight, 10:00 pm nasa airport na ko. Keri na kesa kumuha pa ko ng taxi. Wala na akong pera pambayad. So ayun pagdating sa airport. Pacute ng konti, yosi-yosi, kape-kape, ihi-ihi tska na ko nag check-in bandang 12:00 ng madaling araw.

Ilang araw ko na rin pinuproblema ang mga bagahe ko. Alam ko kasi na sobra sa 30 kilos ang mga buhanging dala ko na nilagay ko sa bag at karton. Kaya paglagay ko ng isang maleta at isang karton sa counter para kilohin, ayun at sobra nga ng anim na kilos! At sinisingil ako ng 720 Qr (8,000 Php)  para sa sobrang bigat ng bagahe. Dahil sa kakuripotan ko, at ayoko na gumastos sabi ko sa manong counter:

"Wait sir, I dont wanna pay!" (slang? wanna talaga?)
"I will just reduce the weight"

Edi ayun binaba ang maleta at karton. Pumwesto sa tabi, Bukas maleta, Inalis ang mga butas na brief, tshirts, shorts at pantalon tapos pinilit isiniksik sa Hand Carry Bag. Di na daw kasi kinikilo ung hand carry kaya ayun naka umbok much ung bagpack at laptop bag ko.


Pagbalik ko kay manong counter, ipinakilo ko agad at puta lang sobra pa rin ng 3 kilo! Puro medyas at panyo na nga lang ang laman ng maleta pero sobra pa rin?! Hanggang sa mapagtanto ko na ang mabigat talaga ay ang mismong maleta. Ibababa ko na sana ang maleta ko ulit pero may lumapit saking Indian. Bumulong siya sakin at sabi:


"Pare, leave it. Just give 100 Qr No problem"


Dahil sa desperado na ko, at basang basa na rin ang kili kili ko kaka buhat ng mga lecheng bagahe, pumayag na rin ako. Isang kindat lang ni manong fixer sa counter pina diretso na agad yung mga bagahe ko at bigay na siya ng ticket sakin. Sabay pasimple na rin ako ng abot ng 100 Qr kay manong fixer.


Oh di ba? Nakatipid pa ko. Buti na lang may mga ganong padulas kembot din pala sa ibang bansa. Parang Pilipinas lang!


So ayun na pagkatapos ng ilang minutong  pre departure procedures naka check in na ko. Yey!


Bandang 3:00 am nakasakay na kami ng eroplano. Connecting Flight kasi ako. Tipid much ang kompanya namin kaya may stop over pa ko sa Dubai.


Ito yung mga kuha ng byahe ko papuntang Dubai. Pagpa sensyahan niyo na at cellphone lang gamit ko.






Breakfast ng Economy

Dubai from the top


















Around 5:00 ng umaga Dubai Time nasa Dubai na ko. At ang una kong gusting gawin? Manigarilyo! Kaya naghanap agad ako ng mapagtatanongan kung san ang Smoking Area ng paliparan na iyon. Sabi ng unang napagtanongan ko, diretso lang sabay turo sa direction. Ako naman sunod sa sinabi ni kuya. Siguro mga 3 hours 5 minutes na ko naglalakad wala pa rin akong makitang Smoking Area.

After ilang metrong 60 kilometers ng paglalakad, nakita ko rin. Nakita ko rin ang saradong Smoking Area! Amputa under renovation! smoking area lang? Anong ilalagay nila dun swimming pool?! Pagkatapos kong maglakad ng ganun kahaba sarado pala?! Futa Gusto kong sumigaw ng WORST AIRPORT EVErrrR! Arte lang. hehe.

Hindi pwede ito sabi ko sa sarili ko. Kaya nagtanong ulit ako. Sabi ng miss na napagtanongan ko nasa baba na daw. Kaya takbo ko sa escalator. Pagbaba ko, mga 3 mins ulit akong naglalakad ng diresto pero di ko pa rin talaga makita ang punyetang Smoking Area! So I said. Ahhh Fck it! Sa Pilipinas na lang ako maninigarilyo. Hehe. Kaya napagpasyahan ko na lang bumalik sa Waiting Area at mag sa sightseeing na lang ako ng mga magagandang Pinay OFW na pauwi na rin.

Di ko na babanggitin na ang baaaaagaaaaalll ng wifi sa Dubai International Airport baka kasi sa pwesto ko lang yun or marami lang talagang naka connect ng mga oras na yun.

Wala naman masyadong nangyari pagsakay ko ng Emirates papunta ng Pilipinas. May katabi rin kasi akong seaman at dalawang mag asawang galing pa ng New York kaya nahihiya me mag picture ng loob ng plane baka isipin pa nila first time ko. Kaya super behave na lang ang peg ko.

Tinitigan ko na lang lahat ng body parts ng mga Flight Stewardess, nanood ng movies, nakipagkwentohan sa katabi, kumain ng  lunch at dinner, kumain ng cup noodles, nagmeryenda at nagkape. Nanghingi din pala ko ng dalawang can ng beer at isang maliit ng bote ng scotch tsaka ko jumebs. Oh di ba behave pa ko niyan.

Pagbaba ng sinasakyan kong eroplano sa NAIA, siyempre bumaba na rin ako ano pa bang gagawin ko dun eh sawang sawa na kong umupo dahil sa 8 oras din na biyahe from Dubai to Philippines.

Paglabas ko ng plane, jumingle na muna ko napapa wiwi me sa happiness and excitement. Napakasaya ko dahil pagkatapos ng dalawang taong paninilhan sa bansa ng langis at buhangin, sa wakas nasa bansang sinilangan na ko. Parang gusto kong ang halikan ng torid ang sahig ng NAIA sa tuwa. Ganun.

Pagkatapos kong ipagpag, naghugas na ko ng kamay at dumiretso na ko sa Immigration. Kung Immigration nga ang tawag dun di ko alam, basta may counter din.

Biglang nawala ang saya ko ng nakita ko ang haba ng pila! Punyeta lang parang nakasale ang SM sa dami ng nakapila para iprocess ang mga passport namin. Siguro 30 minutes din akong nakipila. Sa dinami dami ng computers at bakanteng counter bakit apat lang yata ang bukas at nagtatatak ng mga Passport ng mga OFW at mga foreigners?! Imbyerna much! Di ko kasi nabunot ang aking 3210i kaya di ko na piktyuran eh. Kumalma na lang ako dahil ayokong maubos ang mga natitira ko pang good vibes sa katawang lupa ko.

Pagkatapos ng mabagal na proseso at pakikipagbalyan sa NAIA, lumabas na ko at nakita ko na rin ang aking dawalawang 25 kataong sundo.

Kamustahan ng konti tapos bumeyahe na kami pauwi ng Pangasinan.

2 comments:

  1. wow, akala ko papunta ka na ng pinas hehe

    ReplyDelete
  2. ahahaha, naaliw ako sa "WORST AIRPORT EVErrrR!"

    ReplyDelete