Showing posts with label True Story. Show all posts
Showing posts with label True Story. Show all posts

Wednesday, May 25, 2016

“Comprehending..”


He was lonely, alone, miserable and sad. Cut off from the world and his instinct tells him to run home. But he is away from home and don’t even know  what home is anymore. The man tries hard to laugh and mingle around, but the world is still incomplete. Days passed very slow. Everyday is the same. Everyday is empty.

“ Nobody really knows him. They only know his cover. But he wish he could let it free. Let them know what's under. “
It was his second year away from home. “This day will be normal as what is should to be.” he whispered while entering the strident classroom full of students giggling and chatting.
A young girl entered the room. It caught his attention. Butterflies on his stomach. The girl is short, hair is long and slanted eyes. Those eyes made his day. Though they are small, it lights up the room. His world. The guy can’t approach him. He’s shy and afraid. It’s impossible to talk to her and it’s futile to be her friend.
“ The first time he saw you, his heart whispered: "That's the one.
 But God made a way. He let him to be his friend. They talked, hang out and shared secrets. Moments past and he fall in love with the girl. They knew that there’s something special between them but no one admitted their feelings. Hence, the girl is afraid falling to a friend. Both of them are even committed with someone else. Both of them are trapped in a relationship that’s not working.
The guy don’t believe in “Destiny” but believes in “Chance”. He never imagine that one day the girl will break up with his man. Knowing about it, he broke up with his girl too sacrificing his relationship for the girl he truly  loves.

He didn't mean to fall in love but you made it so easy.
 They became lovers. Just like that. Days, months, and years they shared and experience lot of things together. Being with her completed his empty world. Everyday is not a sad song anymore. .
She’s beautiful  like a sunset reflected in still water.
He loves how she move, her effortless grace. She love how  she walk, her rhythm and sway.
He turns him on.  It’s undeniable. It’s chemical. It’s electric.
Like no one else can, she awaken the man in him.
He was amazed with the kindness this girl has.
He loves everything about her. Her silliness and playfulness, how easily they  can laugh at themselves and at life.
He loves her jealousy and insecurity. He loves the (sometimes painful) honesty. He loves her willingness to face her fears and grow. Her courage, her strength.
He loves sharing his life with her. The triumphs and the failures, the laughter and the painful silence.

“Thank you for this wonderful gift Father”  the guy muttered with grace.
It all comes down to who is by your side and who is willing to stand up for love even when it seems impossible
 But relationship is not always rainbows and unicorns. They're together almost half of their lives. They've been through a lot. LOVE, CARE, BELIEVING and with the HELP from GOD, their family and friends, they beat everything.
Non sense fights
Being late on a date (She’s always late)
Debating what movie to watch or food to eat
Forgetting about monthsary messages
Being insensitive
Lack of communication
Jealousy
Insecurity
Long distance relationship
Cheating
“Fuck you! Name it. Been there, done that!”
Hand in hand they survived everything that came between them.
“Mistakes are proof that you are trying.. “
The guy become too cocky. He took the girl for granted most of the time. He became busy, distant, self-absorbed to make time for her.
“Complete imbecile and a fucking jerk!”
 Never did he expect, the girl got tired. Tired of waiting, forgiving and hoping the guy will change. She misses the day when they're so in love and effort is undying. Everyday became a struggle.

"Thank you for everything. Take care of yourself. God bless" She uttered.

They talked and bid goodbyes. No one ask for a chance. A chance to work it out.  It ended real quick. Never considering all the happiness and sadness. All the years they spent together.
She suddenly became a stranger..
“It's not the GOODBYE that hurts, but the FLASHBACKS that follow. “
 “Is it really the end for us? After all we had?”
“Do I really need to start my life again and start a new one without her?”
The guy asks himself realizing all the pain and bitterness the girl felt.
“I won’t let it go. I won’t let go the girl who thought me how to look at the glass as half full when I am certain it is half empty. The girl who took care of me when I’m sick and drunk. The girl who made me feel wanted and special. She is my rock. She reads me better than I read myself. She lifts me up when I am down and grounds me when my head is in the clouds. She accepted my everything. She is my everything..“

“I wont surrender. I will win her back. I promise..”

The guy cried in agony.






Image from DevianArt


Wednesday, July 25, 2012

Sayang Lang Oras mo Dito

Habang winawalis ko yung dalawang ipis na napatay ko kanina dito sa MalacaƱang, may mga kabastusan bagay-bagay na sumagi sa aking isip. Ewan ko ba siguro dahil sa wala akong makausap dito, kung ano anong shit na lang ang pumapasok sa isip ko. Mga bagay bagay tulad ng prito ba o may sabaw ang iluluto ko mamayang tanghalian, nakikita ba ko sa bintana ng kapitbahay ko pag sumasayaw ako ng moves like jagger, anong oras at araw kaya naimbento ang relo at kalendaryo at marami pang ibang kaulolan. Namputa! Ito na naman. Lumalayo na naman ako sa dapat na isusulat ko at humahaba na naman ang intro ko. Ito dapat isusulat ko eh.


Aminin Mo!!


Aminin mo tuwing nakaupo ka sa inidoro at jumejebs, may mga magagandang idea o bagay bagay kang naiisip. Madalas pa nga habang tumatae ka, dito mo naaalala ang mga dapat mong gawin o mga bagay na nakalimutan mo.

Aminin mo nung minsang naglalakad ka sa mall, at nakakita ka ng mag jowang HINDI BAGAY o sa madaling sabi pangit yung isa pero yung partner niya ay gwapo o maganda ay walang pagtitimpi mo silang inokray sa isip mo ng "Ano ba yan ang jutay naman ng bf/gf niya!" Kahit na kaibigan mo pa na ipinakilala sayo ang mabait pero di naman kagwapohan na jowa niya walang patumangga itong nilait ng  mabuti mong isip.


Aminin mo nung elementary ka ay ginawa mo ring meryenda ang takip ng iyong ballpen. Walang awa mo itong nginatngat ng nginatgat habang nag iisip ka ng isasagot mo sa iyong test paper.


Aminin mo minsang ka ring naapektohan sa sakit na naramdaman ni Popoy nung makipaghiwalay si Basha sa kanya. Kumislot din ang puso mo nung binitiwan ni Basha ang mga katagang "Sana ako na lang, Sana ako pa rin, Sana ako na lang ulit"




Aminin mo nung minsang nanonood ka ng isang nakakatakot na palabas noong bata ka pa ay tinakpan mo rin iyong mata gamit ang iyong mga kamay. Habang nakatakip, ay sinisilip mo naman ito sa maliit na siwang ng iyong mga kamay at nagagalit ka sa katabi mo kapag pilit nilang inaalis ang kamay mong nakatakip sa mata/mukha mo.


Aminin mo...

Wala na kong maisip na iba. Kung hindi ka naka relate well, sorry naman. Sabi ko sayo masasayang lang ang gintong oras mo dito eh. :)


PEACE!!

images from Google

Monday, July 9, 2012

Lucky Third


Ipinagdiriwang ni Mr. Bernard Umali ng HIBANG {tagni-tagning ideya} ang kanyang ikapitong taon ng pagbo-blog ngayong taon. Sa pagkaka alam ko dahil sa aking mga nababsa, si Sir Bernanrd ang founder ng United Bloggers of the Philippines or U-Blog at isa sa mga tao sa likod ng Saranggola Blog Awards (correct me if I'm wrong). Dahil sa pitong taon ng masaya, malikhain at matagumpay sa larangan na ito, gumawa siya ng isang handog para sa kanyang mga mambabasa at mga kaibigan bilang pasasalamat. Tinawag niya itong "Lucky 7"


Pagkabasa ko pa lang ng mechanics para makasali sa na excite agad ako. Isipin mo susulat ka lang sa kanya at sabihin mo iyong kahilingan. Ganun lang ka simple! At Kung ikaw ang mapiling lucky sender, ipapalabas ang sulat mo sa MMK! chos!

Unang pumasok sa isip ko ay MacBook or isang magarang DSLR sana kaso napag isip-isip ko hindi naman sa Wish Ko Lang o kay Wako-Wako ako sumusulat. Kaya binago ko na lang ang makasariling hangarin ko.   
Ito ang aking hiniling at ang tugon ni Mr. Bernard Umali:

Lucky Third
Importante din ang ikatlong hiling. Naisip ko, oo nga, marami ang matutulungan ng hiling na ito.
ito ay mula kay Richie Mendoza ng One Man One World
bago lang po ako sa pagboblog. Matagal ko na gusto magblog ngunit itong mga nakaraang buwan pa lang ako nakapag umpisa talaga. Natutuwa kasi ako tuwing nagbabasa ng mga kwento ng ibang tao kaya naisipan ko rin gumawa ng sarili ko.
Dalawang bagay po ang aking hiling:
Una, nais ko po sanang ifollow niyo ang aking blog at magcomment ng kahit isang simpleng “nice post” lang sa isa sa mga blog post ko. Bukod sa isa palang ang follower ko, gusto ko po sanang maimprove ang mga blog entry na ginagawa ko at ang mga comment o puna ng isang beteranong tulad niyo ay alam kong makakatulong sa akin.
Pangalawa, kung maaari po bang magpost kayo ng isang entry na tumutukoy sa mga bagohang blogger na tulad ko. Mga tips and tricks mga ganun bang eksena. Tips tulad ng:
1. Payo sa mga bagong bloggers
2. Payo para makatagal ng 7 taon tulad niyo o higit pa.
3. At mga kung ano ano pang mga chenes para sa mga bagong bloggers.
Naghahanap kasi ako ng mga ganung post kaso wala akong makita. Yun lamang po. Sana isa ako sa mga mapipili ng niyo. Marami salamat po
Para sa kanyang unang hiling : na like ko na ito at nagcomment na rin.
Para sa pangalawa, ito ang aking  pitong payo.
Alagaan ang sarili dahil hindi ka aabot ng pitong taon kung mahina ang katawan. Echos! Basic lang naman ang dapat tandaan sa pagbablog.
1.Piliin mo kung anong klaseng blog ang gagawin o isusulat mo. Anong niche? Medyo Technical ba o Personal?  Kadalasan, nagsisimula tayo sa mga personal na blog. Huwag mong paghaluin para hindi malito ang mambabasa. Kailangan kasi ma establish mo ang blog mo para balik-balikan ka nila.
Ang payo ko dito ay tungkol sa personal blog dahil iyon ang tema ko palagi.
2. Mas masarap magsulat kung may nagbabasa, tama? Ganun din ang pakiramdam ng iba pang bloggers. Kaya nga magbasa ka rin ng blog ng iba. In short, makipagkaibigan ka, dumalaw sa blog ng iba, magcomment, makipag batian portion, magretweet, share, like at subscribe, sigurado gagawin din nila yun sa blog mo. Lagyan din ng social media buttons ang bawat entry para kung magustuhan nila ay madali sa kanila ang magshare ng blog mo. Sa ganitong paraan, hahatak ka ng readers at mga kaibigang bloggers. Pero syempre hinay-hinay sa kakapromote, hindi cool ang nagpa flood ng invitation at palaging nagrerequest ng exchange link o kaya yung magcocomment kunyari pero hindi naman sincere, masabi lang na dumaan ka sa entry nila. Talamak yan dito.
3. Ang iyong blog ay ang iyong boses. Kaya piliin mo nang mabuti ang tono ng iyong salita. Bagamat malaya tayong nakapagsusulat, saklaw ng batas ang pagbablog. Pwede kang mademanda. Kaya igalang ang karapatan ng iba. Hindi ako nagtatagal sa blog na maraming reklamo, puro angas, puro yabang, puro negatibong opinyon at wala akong natututunan. Good vibes ika nga.
4. Hindi ka pinipilit magsulat kaya wag kang magpapressure sa mga readers mo. Hindi kinakailangang  updated palagi ang blog mo. May araw talaga na wala ka sa mood magsulat. Gaya ng araw na wala ako sa mood makipagkwentuhan. Kailangan mo ng karanasan, ng subject na ikukwento kaya kailangan ka ring lumabas at makipag socialize. Wag gawing mundo ang blog, diary mo lang ‘to. Mas  creative tayo pag ganado. Tandaan ang salitang CREATIVITY. Sa Filipino : Pagkamalikhain. Ang salitang ugat nito ay LIKHA. sa madaling salita, obra mo ang ipopost mo. Pinag-isipan, bunga ng imahinasyon at mula sa iyo. Maaari kang makakuha ng inspirasyon pero gamitin iyon para may matutunan ka, iwasang mangopya. Kung may paksa na gusto mong kunin o talakayin, banggitin ito at ipaalam.
5. Kapag may mga mambabasa ka na o regular readers, isipin ang kanilang kapakanan. Sana may natututunan o nakukuha sila sayo. Hindi ka obligado dito dahil ang blog ay personal nga pero suhestyon lang naman na magset ka ng standard. Yun bang kinikilala ka na nila dahil iba ka, refreshing at orihinal. Okay, granted na wala namang masyadong matututunan sa ibablog mo, sana man lang ay iba ito.
6.Huwag puro tungkol sa sarili. Sumisikat ang artista hindi lang dahil sa kwento ng buhay nila kundi sa role na ginagampanan nila sa TV. Maraming bloggers na feeling artista, turn off yun. Turn off ang puro picture nila, kung gusto mong magsulat ng mga lugar na pinupuntahan mo, pwede namang hindi ka kasama sa litrato! Tama na yung isang picture na andun ka. Blog to, hindi photo album mo. Kung interesado yan sayo, malamang inadd ka na nya sa facebook at like ng like ng pictures mo 
7. Bukod sa contents, ayusin din ang lay-out, design, color ng fonts at mag update ng theme pa minsan-minsan. Bihisan ang blog ayon sa panlasa mo 
Ilan lamang ito sa mga dapat tandaan sa pagbablog:)
Pandagdag na pwedeng gawin:
Sumali sa mga grupo na mga bloggers gaya ng UBlog para matuto ka sa mga kapwa bloggers 
Wish Granted !

Dear Kuya Bernard,

Lubos pa rin akong nagagalak at isa ako sa inyong napili para mapagbigyan ang aking munting kahilingan. Isang malaking karangalan ang mapagbigyan ng isang tulad niyo. Muli po akong nagpapasalamat. Marami po akong natutunan sa mga bagay na sinabi niyo at makakaasa kayong susundin at gagawin ko ang mga payong ibinigay niyo. Naway lalo pang tumagal ang inyong mga blogs at pagpalain pa kayo ng maykapal. Happy 7th ulit! :)



Ang seryoso ko sa entry na toh'. Kalerks! Di me sanay!

Dahil hindi na publish ang buong sulat ko kay Sir Bernard dito ko ilalahad. Itew yung part na di na publish. lols
Magandang araw sa inyo Ginoo. Luma ang lahat, maligayang ika pitong anibersaryo ng inyong blog at naway tumagal pa inyong pagsusulat.
Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa dahil mahina po ako sa mga intro.

Nakita ko ang inyong post sa U-Blog page sa peysbuk. Nais ko po sanang humiling sa inyo. Simple lang ang aking hiling. Baboyin niyo ang pagkatao ko,1 night stand ganun. charot!
PS:
Bago magbago isip niyo, magpapababoy talaga ko pare! joke! :) 
Ang pokpok ko lang! :)
 
image from Google

Wednesday, June 27, 2012

Nagmamaganda

Google
Ok mabilis lang to. Sinamahan ko kahapon si gelpre para bumili ng sapatos para sa kanyang trabaho. Alas Dos ng hapon ang labas niya so hinintay ko pa siya at nagkita kami bandang Alas Tres na. Sumakay kami ng Jeep.   Pagkasakay sa jeep walang masyadong pasahero. Isang Ate at dalawang lovers lang. Umupo kami ni gelpren sa bandang dulo ng Jeep.


Hindi pa nakakalayo ang Jeep ng huminto ulit ito. May sumakay. Isang babae at isang lalaki. Walang duda magkasintahan sila. Umupo sila sa tapat namin. May itsura ang lalaki, may kataasan, maputi, gwapo. Ang babae naman, naka lipstick ng pink. Yun na yun basta naka lipstick siya.


Hindi naman talaga ko mahilig magmasid ng mga babae na may bowa na. Pero itong si ate iba. Ang lakas ng arrived! Pano ba naman bunganga lang niya ang naririrnig sa Jeep. To think na ang lakas na ng tunog ng tambutso ng Jeep ni Manong. Sa bawat pagdaan ng sinasakyan naming Jeep sa mga establishments along the Hi-Way, may comment siya. Na kesyo "Diyan ako nagpa SALOON last month" "Ay! Gusto ko magpa Spa diyan minsan"  "Diyan malapit nakatira si Camille yung freind ko, remember?" At nilalabas  niya ang kanyang 4th Gen ipod touch, kausap ang jowa niya na panay naman ang ayos sa kanyang buhok.


Napataas ang naka curl kong kilay, para tuloy gusto kong hugutin sa aking bag ang aking Ipad3, Samsung S3, Iphone 4s at dawalang Mac Book Pro with Retina Display! Pero hindi na. Dahil wala naman akong ganun. Hehe.


Dahil para siyang binabayaran para magsalita, nakatingin na kanya si Ate, yung magjowa sa harapan at kaming dalawang magjowa rin. May mga pagkakataon ngang nagkakatinginan kami ni Ate na unang pasahero at napapangiti. Si gelpren naman pag tinitignan ko at nakikita kong nakatitig siya dun sa babaing naka lipstick, alam kong isa lang nasa isip naming dalawa. Ang arte-arte niya!


Lumiko ang Jeep para magpa gas. Habang nagpapagas ang sinasakyan namin, biglang nagsalita ang bowa ng babaing naka lipstick.


"Ang oily ng mukha ko."


"Sige i will put powder" Sagot ng babae sabay labas ng pulbo sa bag.


Akma ng lalagyan ng babae ng pulbo ang bowa niya ng nagsalita ang lalaki ng: "Mamaya na lang, baka lumipad lang yan."


Nahiya ata.


"You waste my effort! You always do that! I hate you!"


Putangina! Parang gusto kong tumambling bigla! Englisera? Soyal? Sa limousine nakasakay? Kaloka.


Sasabihin ko sana "Te, baka ang ibig mong sabihin eh You just wasted my effort! Your always doing that! I hate you!" Tama ba ang grammar ko? Correct me if your right. lels.


Umusad na ang Jeep. Pagdating sa isang kanto bumaba na sila at sumakay sa isang trisikel



Pag andar ng Jeep, nagawi ang tingin ko sa inuupuan  ng mag jowa. At nakita kong basang basa ang upuan kung saan umupo ang babaing naka lipstick. Kitang kitang nakabakat ang hita ng babae. Naka shorts kasi siya ng maikli at walang duda kung ano yun. Pawis! Isang kutsarang pawis!