Ipinagdiriwang ni Mr. Bernard Umali ng HIBANG {tagni-tagning ideya} ang kanyang ikapitong taon ng pagbo-blog ngayong taon. Sa pagkaka alam ko dahil sa aking mga nababsa, si Sir Bernanrd ang founder ng United Bloggers of the Philippines or U-Blog at isa sa mga tao sa likod ng Saranggola Blog Awards (correct me if I'm wrong). Dahil sa pitong taon ng masaya, malikhain at matagumpay sa larangan na ito, gumawa siya ng isang handog para sa kanyang mga mambabasa at mga kaibigan bilang pasasalamat. Tinawag niya itong "Lucky 7"
Pagkabasa ko pa lang ng mechanics para makasali sa na excite agad ako. Isipin mo susulat ka lang sa kanya at sabihin mo iyong kahilingan. Ganun lang ka simple! At Kung ikaw ang mapiling lucky sender, ipapalabas ang sulat mo sa MMK! chos!
Unang pumasok sa isip ko ay MacBook or isang magarang DSLR sana kaso napag isip-isip ko hindi naman sa Wish Ko Lang o kay Wako-Wako ako sumusulat. Kaya binago ko na lang ang makasariling hangarin ko.
Ito ang aking hiniling at ang tugon ni Mr. Bernard Umali:Lucky ThirdImportante din ang ikatlong hiling. Naisip ko, oo nga, marami ang matutulungan ng hiling na ito.ito ay mula kay Richie Mendoza ng One Man One Worldbago lang po ako sa pagboblog. Matagal ko na gusto magblog ngunit itong mga nakaraang buwan pa lang ako nakapag umpisa talaga. Natutuwa kasi ako tuwing nagbabasa ng mga kwento ng ibang tao kaya naisipan ko rin gumawa ng sarili ko.Dalawang bagay po ang aking hiling:Una, nais ko po sanang ifollow niyo ang aking blog at magcomment ng kahit isang simpleng “nice post” lang sa isa sa mga blog post ko. Bukod sa isa palang ang follower ko, gusto ko po sanang maimprove ang mga blog entry na ginagawa ko at ang mga comment o puna ng isang beteranong tulad niyo ay alam kong makakatulong sa akin.Pangalawa, kung maaari po bang magpost kayo ng isang entry na tumutukoy sa mga bagohang blogger na tulad ko. Mga tips and tricks mga ganun bang eksena. Tips tulad ng:1. Payo sa mga bagong bloggers2. Payo para makatagal ng 7 taon tulad niyo o higit pa.3. At mga kung ano ano pang mga chenes para sa mga bagong bloggers.Naghahanap kasi ako ng mga ganung post kaso wala akong makita. Yun lamang po. Sana isa ako sa mga mapipili ng niyo. Marami salamat poPara sa kanyang unang hiling : na like ko na ito at nagcomment na rin.Para sa pangalawa, ito ang aking pitong payo.Alagaan ang sarili dahil hindi ka aabot ng pitong taon kung mahina ang katawan. Echos! Basic lang naman ang dapat tandaan sa pagbablog.1.Piliin mo kung anong klaseng blog ang gagawin o isusulat mo. Anong niche? Medyo Technical ba o Personal? Kadalasan, nagsisimula tayo sa mga personal na blog. Huwag mong paghaluin para hindi malito ang mambabasa. Kailangan kasi ma establish mo ang blog mo para balik-balikan ka nila.Ang payo ko dito ay tungkol sa personal blog dahil iyon ang tema ko palagi.2. Mas masarap magsulat kung may nagbabasa, tama? Ganun din ang pakiramdam ng iba pang bloggers. Kaya nga magbasa ka rin ng blog ng iba. In short, makipagkaibigan ka, dumalaw sa blog ng iba, magcomment, makipag batian portion, magretweet, share, like at subscribe, sigurado gagawin din nila yun sa blog mo. Lagyan din ng social media buttons ang bawat entry para kung magustuhan nila ay madali sa kanila ang magshare ng blog mo. Sa ganitong paraan, hahatak ka ng readers at mga kaibigang bloggers. Pero syempre hinay-hinay sa kakapromote, hindi cool ang nagpa flood ng invitation at palaging nagrerequest ng exchange link o kaya yung magcocomment kunyari pero hindi naman sincere, masabi lang na dumaan ka sa entry nila. Talamak yan dito.3. Ang iyong blog ay ang iyong boses. Kaya piliin mo nang mabuti ang tono ng iyong salita. Bagamat malaya tayong nakapagsusulat, saklaw ng batas ang pagbablog. Pwede kang mademanda. Kaya igalang ang karapatan ng iba. Hindi ako nagtatagal sa blog na maraming reklamo, puro angas, puro yabang, puro negatibong opinyon at wala akong natututunan. Good vibes ika nga.4. Hindi ka pinipilit magsulat kaya wag kang magpapressure sa mga readers mo. Hindi kinakailangang updated palagi ang blog mo. May araw talaga na wala ka sa mood magsulat. Gaya ng araw na wala ako sa mood makipagkwentuhan. Kailangan mo ng karanasan, ng subject na ikukwento kaya kailangan ka ring lumabas at makipag socialize. Wag gawing mundo ang blog, diary mo lang ‘to. Mas creative tayo pag ganado. Tandaan ang salitang CREATIVITY. Sa Filipino : Pagkamalikhain. Ang salitang ugat nito ay LIKHA. sa madaling salita, obra mo ang ipopost mo. Pinag-isipan, bunga ng imahinasyon at mula sa iyo. Maaari kang makakuha ng inspirasyon pero gamitin iyon para may matutunan ka, iwasang mangopya. Kung may paksa na gusto mong kunin o talakayin, banggitin ito at ipaalam.5. Kapag may mga mambabasa ka na o regular readers, isipin ang kanilang kapakanan. Sana may natututunan o nakukuha sila sayo. Hindi ka obligado dito dahil ang blog ay personal nga pero suhestyon lang naman na magset ka ng standard. Yun bang kinikilala ka na nila dahil iba ka, refreshing at orihinal. Okay, granted na wala namang masyadong matututunan sa ibablog mo, sana man lang ay iba ito.6.Huwag puro tungkol sa sarili. Sumisikat ang artista hindi lang dahil sa kwento ng buhay nila kundi sa role na ginagampanan nila sa TV. Maraming bloggers na feeling artista, turn off yun. Turn off ang puro picture nila, kung gusto mong magsulat ng mga lugar na pinupuntahan mo, pwede namang hindi ka kasama sa litrato! Tama na yung isang picture na andun ka. Blog to, hindi photo album mo. Kung interesado yan sayo, malamang inadd ka na nya sa facebook at like ng like ng pictures mo7. Bukod sa contents, ayusin din ang lay-out, design, color ng fonts at mag update ng theme pa minsan-minsan. Bihisan ang blog ayon sa panlasa moIlan lamang ito sa mga dapat tandaan sa pagbablog:)Pandagdag na pwedeng gawin:Sumali sa mga grupo na mga bloggers gaya ng UBlog para matuto ka sa mga kapwa bloggersWish Granted !
Dear Kuya Bernard,
Lubos pa rin akong nagagalak at isa ako sa inyong napili para mapagbigyan ang aking munting kahilingan. Isang malaking karangalan ang mapagbigyan ng isang tulad niyo. Muli po akong nagpapasalamat. Marami po akong natutunan sa mga bagay na sinabi niyo at makakaasa kayong susundin at gagawin ko ang mga payong ibinigay niyo. Naway lalo pang tumagal ang inyong mga blogs at pagpalain pa kayo ng maykapal. Happy 7th ulit! :)
Ang seryoso ko sa entry na toh'. Kalerks! Di me sanay!
Dahil hindi na publish ang buong sulat ko kay Sir Bernard dito ko ilalahad. Itew yung part na di na publish. lols
Magandang araw sa inyo Ginoo. Luma ang lahat, maligayang ika pitong anibersaryo ng inyong blog at naway tumagal pa inyong pagsusulat.Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa dahil mahina po ako sa mga intro.Nakita ko ang inyong post sa U-Blog page sa peysbuk. Nais ko po sanang humiling sa inyo. Simple lang ang aking hiling. Baboyin niyo ang pagkatao ko,1 night stand ganun. charot!
Ang pokpok ko lang! :)PS:Bago magbago isip niyo, magpapababoy talaga ko pare! joke! :)
image from Google
lol, kaaliw yung part na hindi na-publish.
ReplyDeletepara sa akin, hindi ako pabor na wag paghaluin ang blog [re: technical and/or personal] kasi mas maganda ung malawak ang subject na tinatalakay mo db? versatility nga eh.
pero agree ako na dapat binibihisan ang blog [re: nagpalit-damit ako ng template ko, dali kelangan ko violent reaction]
isa lang ang payo ko para magtagal sa pag-blog: PASSION
Hahaha, kalurkey ang simpleng hiling, babuyin ang pagkatao, san ka pa?lol..
ReplyDeleteCongrats at na-grant ang iyong tunay na hiling.. Ang slow ko today, kailangan ko pa basahin ng twice para maintindihan ko nangyayari..
Anyways, makiki-chismis muna ako sa blog ni lawrence, bagong bihis daw e! Ciao! :D
hahaha... iba rin ang trip.. gahahaha
ReplyDeleteha ha ha I agree with Lawrence kaaliw yung hindi na-post. CONGRATS naman at na-grant ang wish mo :) mag blow-out ka naman he he :P
ReplyDeleteAyos sa trip ah?!! hehehe
ReplyDeletenice congrats sau.. ayos na ayos ang mga kahilingan mo yung unpublished part, yung ang winner sa lahat.. BOOM!!! :P
ReplyDelete