Wednesday, June 27, 2012

Nagmamaganda

Google
Ok mabilis lang to. Sinamahan ko kahapon si gelpre para bumili ng sapatos para sa kanyang trabaho. Alas Dos ng hapon ang labas niya so hinintay ko pa siya at nagkita kami bandang Alas Tres na. Sumakay kami ng Jeep.   Pagkasakay sa jeep walang masyadong pasahero. Isang Ate at dalawang lovers lang. Umupo kami ni gelpren sa bandang dulo ng Jeep.


Hindi pa nakakalayo ang Jeep ng huminto ulit ito. May sumakay. Isang babae at isang lalaki. Walang duda magkasintahan sila. Umupo sila sa tapat namin. May itsura ang lalaki, may kataasan, maputi, gwapo. Ang babae naman, naka lipstick ng pink. Yun na yun basta naka lipstick siya.


Hindi naman talaga ko mahilig magmasid ng mga babae na may bowa na. Pero itong si ate iba. Ang lakas ng arrived! Pano ba naman bunganga lang niya ang naririrnig sa Jeep. To think na ang lakas na ng tunog ng tambutso ng Jeep ni Manong. Sa bawat pagdaan ng sinasakyan naming Jeep sa mga establishments along the Hi-Way, may comment siya. Na kesyo "Diyan ako nagpa SALOON last month" "Ay! Gusto ko magpa Spa diyan minsan"  "Diyan malapit nakatira si Camille yung freind ko, remember?" At nilalabas  niya ang kanyang 4th Gen ipod touch, kausap ang jowa niya na panay naman ang ayos sa kanyang buhok.


Napataas ang naka curl kong kilay, para tuloy gusto kong hugutin sa aking bag ang aking Ipad3, Samsung S3, Iphone 4s at dawalang Mac Book Pro with Retina Display! Pero hindi na. Dahil wala naman akong ganun. Hehe.


Dahil para siyang binabayaran para magsalita, nakatingin na kanya si Ate, yung magjowa sa harapan at kaming dalawang magjowa rin. May mga pagkakataon ngang nagkakatinginan kami ni Ate na unang pasahero at napapangiti. Si gelpren naman pag tinitignan ko at nakikita kong nakatitig siya dun sa babaing naka lipstick, alam kong isa lang nasa isip naming dalawa. Ang arte-arte niya!


Lumiko ang Jeep para magpa gas. Habang nagpapagas ang sinasakyan namin, biglang nagsalita ang bowa ng babaing naka lipstick.


"Ang oily ng mukha ko."


"Sige i will put powder" Sagot ng babae sabay labas ng pulbo sa bag.


Akma ng lalagyan ng babae ng pulbo ang bowa niya ng nagsalita ang lalaki ng: "Mamaya na lang, baka lumipad lang yan."


Nahiya ata.


"You waste my effort! You always do that! I hate you!"


Putangina! Parang gusto kong tumambling bigla! Englisera? Soyal? Sa limousine nakasakay? Kaloka.


Sasabihin ko sana "Te, baka ang ibig mong sabihin eh You just wasted my effort! Your always doing that! I hate you!" Tama ba ang grammar ko? Correct me if your right. lels.


Umusad na ang Jeep. Pagdating sa isang kanto bumaba na sila at sumakay sa isang trisikel



Pag andar ng Jeep, nagawi ang tingin ko sa inuupuan  ng mag jowa. At nakita kong basang basa ang upuan kung saan umupo ang babaing naka lipstick. Kitang kitang nakabakat ang hita ng babae. Naka shorts kasi siya ng maikli at walang duda kung ano yun. Pawis! Isang kutsarang pawis!

Thursday, June 21, 2012

A Father's Day Post

Oo alam ko June 21 na pero pang Fathers Day pa rin ang entry na ito. Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw. Abala ako sa pagiging butihing nobyo, paghahanap ng trabaho at paglalamyerda. Kaya ako na ang maraming ginagawa. Huli man, nais ko pa rin ihabol ang post na ito para sa taong walang sawang nagmamahal at nag alaga sakin mula pagkabata hanggang ngayon. Para sayo to erpat!

Google
Dear Pudra,

Nung nakaraang linggo, hinatid mo ako sa sakayan ng bus. Kailangan ko na naman kasing lumayo sa inyo ni Mama para humanap ulit ng trabaho. Alam mo naman ubos na bread na dala ko kakapainom sa tropa. Habang nasa biyahe papunta sa Terminal, napagmasdan kita. Matanda ka na nga. Nakita kong unti unti ng kumukulubot ang balat mo. Dati maganda pa ang katawan mo pero ngayon nangayayat ka na. Sabi mo sakin noon kamukha mo si Edu Manzano at napapaniwala mo pa ako pero ngayon, si Max Albarado na ang nakikita ko sayo pag tinitignan kita. Alam ko rin marami na ring masakit sa katawan mo. Yung balikat mo na lagi mo iniinda at yang likod at sikmura mo na sinasabi mong sumasasakit. Kung may magagawa lang sana ako para mawala agad yang mga dinadaing mo ginawa ko na. Ayokong nakikita kang naghihirap sa kirot, di baleng ako na wag lang ikaw, huwag lang kayo nila Mama at Mommy.

Natatandaaan mo pa ba nung bata ako? Nung mga panahong kailangan mong lumayo samin ni Mama para magtrabaho sa Baguio? Naalala ko pa noon tuwing aalis ka, kailangan patulugin muna pa nila ako para di ako umiyak dahil gusto kong sumama sayo. Sabi pa sakin ni pinsan bago ka daw umalis habang natutulog ang cute na batang ako, maluha luha ka pa daw umaaalis. Totoo ba yun? Baguio lang yun Papa pero feeling mo ata sa abroad ka pupunta. Pero seryoso, naiiyak ako nung sinabi sa akin yun.

Alam ko dati feeling niyo ni Mama nung nasa elementary pa ko, ikinakahiya ko kayo. Pero hindi totoo yun. Nahihiya lang ako nun sa mga classmates ko. Kayo ba naman kasi, nasa Grade 4 na ko hatid-sundo niyo pa ako sa school. Hindi lang yun, kayo pa nagdadala ng baon ko tuwing recess. Tapos pag uwian na, gusto mo kaw pa magbibitbit ng bag ko. Tinutukso kasi ako ng mga ka eskwela ko eh, Baby Damulag daw ako. Pero ngayon ko narealize ang lahat. Ginawa niyo lang yun dahil mahal niyo ko. Ayaw niyo akong masaktan gusto niyo lang na maging safe ako at ayaw niyo akong mahirapan.

Nung college naman ako, di pa rin nawala ang pag aalaga niyo sakin. Tuwing bakasyon at uuwi ako sa bahay ng nakainom, ikaw pa magbubukas sa akin ng pinto at ipaghahain mo pa ko o tatanongin kung nakakakain na ba ako. Kahit hanggang ngayon na nagka edad na ko ginagawa mo pa rin yun. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko at sayo kasi di ka naman umiinom o naninigarilyo.  Salamat Papa.

Hindi ko man sinasabi sa iyo ng madalas o sa text ko lang sinsabi nung nasa Qatar pa ko, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat pagmamahal, pag aalaga at lahat ng sakripisyong ginawa mo para sa akin. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya maibalik ko lang ang lahat ng yun. Hindi man ngayon, dadating ang panahon na mabibigayan ko kayo ni Mama ng magandang buhay. Yung tipong pag aaralan mo maglaro ng Majong kasi wala ka ng ginagawa. Ganun. Promise ko yan. Maraming maraming salamat po ulit sa lahat. Mahal na mahal ko po kayo ni Mama.

Mawalan man ako ngayon at ipanganak ulit after 5 mins, ikaw ang gusto kong maging tunay na Ama.

Ang iyong lasenggong anak,
          Richie

Wednesday, June 13, 2012

Apartment


Ika labing-isa ng Hunyo taong Dalawang libo’t labing-dalawa, natupad din ang isa sa mga goal ko. Nakahanap na rin ako ng isang maliit na apartment. Hindi man ito kalakihan o glamorosa tulad ng mga naglalakihang condominium sa Makati ay masaya na rin ako.

Maliit man ay sa palagay ko safe naman ako dito. Basta ang importante may kama at banyo ok na ko. Di naman ako maarte. Mababait pa landlord ko. Isa pa walking distance lang sa ESEM kaya kung gusto ko magmall ay lalakarin ko na lang.

Kapitbahay ko pala dito ang pinsan ko. Yung napangasawa kasi niya anak ng may ari kaya ito magkatabi lang kami ng bahay. Isanama ko rin ang isa ko pang pinsan na wala pa rin trabaho tulad ko para may kasama ko at di maburyo mag isa.

Magastos man mamuhay ng mag isa, ay pipilitin kong kayanin. Maganda rin ito para matuto akong magtipid, lagi na lang kasi akong napapagalitan ni gelpren ang gastos ko daw. Gosh! Isa pa, gusto ko kasing maging independent ulit. Mahirap din kasi minsan pag nasa bahay ako bini baby ako ni Mudrax-2 feeling niya ata PBB TEEN pa rin ako kahit bente kwatro anyos na ko.

O siya at bibili pa ko ng mga konting gamit para sa aking bahay bahayan.

Ito pala ang aking munting tahanan:

Google

Hehe. Ako na ang meyembro ng First Family.

Friday, June 8, 2012

Random Post


Dahil wala na rin akong maisipan rarandom na rin ako.

  1. Naiinip na ko. Dalawang linggo pa lang akong tumatambay pero gusto ko na ulit mag trabaho.
  2. Di purket galing na sa ibang bansa eh marami ng dalang pera. Isa lamang akong aliping sagigilid sa Qatar wala akong maipapa utang! Kaloka kayo!
  3. Gusto kong kumuha ng kahit isang maliit na apartment lang. Gusto ko ulit maging independent.
  4. Naiinip akong maghintay na matapos ang duty ng gelpren ko. Nakakainip dito sa bahay nila.
  5. Naaaliw ako sa anak ng kapatid ni gelpren. Ang cute kasi. Nacucutetan nga lang ba ako o gusto ko na rin talaga magka anak?
  6. Nakakabadtrip si mudrax di man lang niya ko magawang itext! Di man lang sumasagot sa mga text ko!
  7. Gusto ko magkasyon kaso walang budget para sa bakasyon. Magtataninm na lang muna ko siguro ng kamote.
  8. Ano kayang masarap kainin na di ko pa natitikman? Parang gusto kong kumain ng exotic food.
  9. Ang laki ng tiyan ko! Nakakasuya tignan. Makapag seat-up nga pag tinamaan ng sipag.
  10. Gusto ko magpamasahe. Makapag mall nga at makapagmasahe sa bulag. Sumasakit na likod ko puno na ata ng lamig.
  11. Kailan kaya ko makaka bisita sa Dentist? Ang tagal kasi ng off ni gelpren dapat sabay kami eh.

PEACE!!

Saturday, June 2, 2012

Qatar National Day 2010

Last December 18 2010, napag diskitahan ng Pinoy Community namin sa Qatar ang manood ng National Day nila. Sa umaga kami pumunta parada kasi. Sa gabi naman fireworks na lang yata yun tsaka iba pang activities sa pagkakatanda ko. Mas bet namin yung parada. Isa pa may pasok kami kinabukasan kaya sa umaga kami pumunta.

Kung sa atin ay simple lang ang silebrasyon tuwing Araw ng Kalayaan, sa kanila hindi. Magarbo at Mayabang ganyan ko mailalarawan.

Unang pagkakataon ko makakita ng personal at malapitan ng mga naglalakihang tangke, mga kanyon at iba pang mga sandatang pandigma. Mga mamahaling sasakyan na pininturan ng kulay purple at dinisenyohan ng kanilang bandila para lang sa araw na iyon. Namangha lang ako kasi yung mga bagay na nakikita ko lang sa mga Hollywood films ay sa Qatar ko pala makikita ng personal.

Ito ang ilan sa mga kuha. Pasensiya na at cellphone lang gamit ko diyan. Tsaka isa pa, mahigit isang taon na ang mga kuhang yan. 



War kung War





Arabs Stolen Shot

Ito yung picture nung tatlong bata na naging instant celebrity dahil sa kacutetan nilang tatlo. Ang ganda nung nasa kaliwa! <3 hehe.



Ten te ne nen! ang mga Jologs na OFW ng Qatar




PEACE!!

Friday, June 1, 2012

Biyaheng Pinas

Sa wakas nakapag blog din! Naputol na kasi ang connection namin dito sa bahay. Pinabayaan ng mga frog kong kapamilya. Kaya ito nakikihiram na lang muna ng USB Broadband ng Globe sa kapitbahay. Ang hina nga eh. Nakuha ng pagpawisan ng kili kili ko di pa tapos magload ang isang page. Kalowka! Mahina ata reception dito samin. Anyway, di naman tungkol sa Broaband review ang entry na to.

Tungkol ito sa masaya, nakaka imbyerna at nakakapagod na byahe ko pauwi sa ating bansang pinakamamahal ang Mainland China! tsarot! siyempre Pilipinas.

Bandang 9:00 pm gora na ako sa Airport sakay ng company mini bus namin. Mini talaga? Maaga. Kasi yun ang free time ng bus namin. Kaya kahit na 3:45 pa ng madaling araw ang flight, 10:00 pm nasa airport na ko. Keri na kesa kumuha pa ko ng taxi. Wala na akong pera pambayad. So ayun pagdating sa airport. Pacute ng konti, yosi-yosi, kape-kape, ihi-ihi tska na ko nag check-in bandang 12:00 ng madaling araw.

Ilang araw ko na rin pinuproblema ang mga bagahe ko. Alam ko kasi na sobra sa 30 kilos ang mga buhanging dala ko na nilagay ko sa bag at karton. Kaya paglagay ko ng isang maleta at isang karton sa counter para kilohin, ayun at sobra nga ng anim na kilos! At sinisingil ako ng 720 Qr (8,000 Php)  para sa sobrang bigat ng bagahe. Dahil sa kakuripotan ko, at ayoko na gumastos sabi ko sa manong counter:

"Wait sir, I dont wanna pay!" (slang? wanna talaga?)
"I will just reduce the weight"

Edi ayun binaba ang maleta at karton. Pumwesto sa tabi, Bukas maleta, Inalis ang mga butas na brief, tshirts, shorts at pantalon tapos pinilit isiniksik sa Hand Carry Bag. Di na daw kasi kinikilo ung hand carry kaya ayun naka umbok much ung bagpack at laptop bag ko.


Pagbalik ko kay manong counter, ipinakilo ko agad at puta lang sobra pa rin ng 3 kilo! Puro medyas at panyo na nga lang ang laman ng maleta pero sobra pa rin?! Hanggang sa mapagtanto ko na ang mabigat talaga ay ang mismong maleta. Ibababa ko na sana ang maleta ko ulit pero may lumapit saking Indian. Bumulong siya sakin at sabi:


"Pare, leave it. Just give 100 Qr No problem"


Dahil sa desperado na ko, at basang basa na rin ang kili kili ko kaka buhat ng mga lecheng bagahe, pumayag na rin ako. Isang kindat lang ni manong fixer sa counter pina diretso na agad yung mga bagahe ko at bigay na siya ng ticket sakin. Sabay pasimple na rin ako ng abot ng 100 Qr kay manong fixer.


Oh di ba? Nakatipid pa ko. Buti na lang may mga ganong padulas kembot din pala sa ibang bansa. Parang Pilipinas lang!


So ayun na pagkatapos ng ilang minutong  pre departure procedures naka check in na ko. Yey!


Bandang 3:00 am nakasakay na kami ng eroplano. Connecting Flight kasi ako. Tipid much ang kompanya namin kaya may stop over pa ko sa Dubai.


Ito yung mga kuha ng byahe ko papuntang Dubai. Pagpa sensyahan niyo na at cellphone lang gamit ko.






Breakfast ng Economy

Dubai from the top


















Around 5:00 ng umaga Dubai Time nasa Dubai na ko. At ang una kong gusting gawin? Manigarilyo! Kaya naghanap agad ako ng mapagtatanongan kung san ang Smoking Area ng paliparan na iyon. Sabi ng unang napagtanongan ko, diretso lang sabay turo sa direction. Ako naman sunod sa sinabi ni kuya. Siguro mga 3 hours 5 minutes na ko naglalakad wala pa rin akong makitang Smoking Area.

After ilang metrong 60 kilometers ng paglalakad, nakita ko rin. Nakita ko rin ang saradong Smoking Area! Amputa under renovation! smoking area lang? Anong ilalagay nila dun swimming pool?! Pagkatapos kong maglakad ng ganun kahaba sarado pala?! Futa Gusto kong sumigaw ng WORST AIRPORT EVErrrR! Arte lang. hehe.

Hindi pwede ito sabi ko sa sarili ko. Kaya nagtanong ulit ako. Sabi ng miss na napagtanongan ko nasa baba na daw. Kaya takbo ko sa escalator. Pagbaba ko, mga 3 mins ulit akong naglalakad ng diresto pero di ko pa rin talaga makita ang punyetang Smoking Area! So I said. Ahhh Fck it! Sa Pilipinas na lang ako maninigarilyo. Hehe. Kaya napagpasyahan ko na lang bumalik sa Waiting Area at mag sa sightseeing na lang ako ng mga magagandang Pinay OFW na pauwi na rin.

Di ko na babanggitin na ang baaaaagaaaaalll ng wifi sa Dubai International Airport baka kasi sa pwesto ko lang yun or marami lang talagang naka connect ng mga oras na yun.

Wala naman masyadong nangyari pagsakay ko ng Emirates papunta ng Pilipinas. May katabi rin kasi akong seaman at dalawang mag asawang galing pa ng New York kaya nahihiya me mag picture ng loob ng plane baka isipin pa nila first time ko. Kaya super behave na lang ang peg ko.

Tinitigan ko na lang lahat ng body parts ng mga Flight Stewardess, nanood ng movies, nakipagkwentohan sa katabi, kumain ng  lunch at dinner, kumain ng cup noodles, nagmeryenda at nagkape. Nanghingi din pala ko ng dalawang can ng beer at isang maliit ng bote ng scotch tsaka ko jumebs. Oh di ba behave pa ko niyan.

Pagbaba ng sinasakyan kong eroplano sa NAIA, siyempre bumaba na rin ako ano pa bang gagawin ko dun eh sawang sawa na kong umupo dahil sa 8 oras din na biyahe from Dubai to Philippines.

Paglabas ko ng plane, jumingle na muna ko napapa wiwi me sa happiness and excitement. Napakasaya ko dahil pagkatapos ng dalawang taong paninilhan sa bansa ng langis at buhangin, sa wakas nasa bansang sinilangan na ko. Parang gusto kong ang halikan ng torid ang sahig ng NAIA sa tuwa. Ganun.

Pagkatapos kong ipagpag, naghugas na ko ng kamay at dumiretso na ko sa Immigration. Kung Immigration nga ang tawag dun di ko alam, basta may counter din.

Biglang nawala ang saya ko ng nakita ko ang haba ng pila! Punyeta lang parang nakasale ang SM sa dami ng nakapila para iprocess ang mga passport namin. Siguro 30 minutes din akong nakipila. Sa dinami dami ng computers at bakanteng counter bakit apat lang yata ang bukas at nagtatatak ng mga Passport ng mga OFW at mga foreigners?! Imbyerna much! Di ko kasi nabunot ang aking 3210i kaya di ko na piktyuran eh. Kumalma na lang ako dahil ayokong maubos ang mga natitira ko pang good vibes sa katawang lupa ko.

Pagkatapos ng mabagal na proseso at pakikipagbalyan sa NAIA, lumabas na ko at nakita ko na rin ang aking dawalawang 25 kataong sundo.

Kamustahan ng konti tapos bumeyahe na kami pauwi ng Pangasinan.