Saturday, May 5, 2012

Walang Basagan ng Trip

Kanina habang naglalaba ako, kung ano -  ano na namang pumasok sa isip ko. Yun bang tamang muni - muni ka habang panay ang kusot mo ng mga maruruming damit? Isa sa mga pinagtuunan ng aking gunita (waw may ganun?) ay ang mga kakatwang bagay na una kong nakita sa dalawang taong pag tatrabaho sa bansa ng Arabyano. Kakatwa para sa akin kasi di naman normal sa Pilipinas ang mga ito tska yung iba pers taym kong makita. Boy First Time lang?

Di na ako magpapa ligoy - ligoy pa ito na:

Mga tunay na lalaking nag beso -beso pag nagkikita
Nawindang ako nung una kong nakita itong mga arabo nag chi-cheek to cheek pag nagbabatian. Una shake hands muna tapos sunod beso beso na. Mga lalaki lang gumagawa nito at mga babae simpleng kamustahan lang pero ang mga lolo niyo talagang skin to skin, kaskasan kung kaskasan ng balbas. Ito may nahagip ang camera ko minsan.
Mga lalaking nag HHWW
Hindi naman mga Arabyano ang gumagawa nito kundi mga dayuhan din dito sa Qatar. Ayoko magbanggit ng lahi baka sabihn niyo racist ako. Hindi naman sila beki pero HHWW talaga sila. Minsan sinubukan namin ng isa kong kaibigan yung ganito at di nagtagal nandiri kami sa mga sarili namin,napa putangina tuloy kaming dalawa. Well, tradition is tradition. Walang basagan ng trip. Nakakita ako ng piktyur sa flickr.
Mga naka paldang men
Hindi naman bago sa paningin ko ito kasi nakakita na rin ako sa tv ng mga pinoy na naka suot ng sarong at yung ibang mga rock bands ay may mga ganito ring eksena. Pero sinama ko na rin. Bakit? Kasi gusto ko blog ko naman to. Ay oo nga pala tuwing summer marami rin naka palda sa Pilipinas yung mga totoy na bagong binyag. Imahe galing kay Google.
Iabot mo sa kanan
Nakaugalian na siguro ng mga Arabo ang pag abot ng at pagtanggap ng mga grasya galing kay God sa kanilang kanang kamay. Para sa kanila tanda daw ng respeto kung iaabot mo sa kanila ang food o drinks using your right hand. Siyempre tatanggapin din nila ito sa right hand nila tanda rin ng respeto nila sa nag abot. Gets niyo pa ba? Ang gulo puro abot at tanggap. Bukod sa respect factor, marumi daw kasi ang left hand. Napa isip tuloy ako, tama nga naman kasi right hand ang pinanghuhugas ko ng wetpakels ko pagtapos kong jumerbaks. Maliban na lang kung kaliwete ka.

Tama na muna ang apat sa ngayon, Sa susunod na lang ang iba baka kasi tamarin na kayo magbasa kung may nagbabasa man. Adios! 


Pauna:
Hindi ko po pinagtatawanan o gingawang katatawanan ang mga tradisyon sa entry na ito. Ito po ay mga bago lang sa paningin ko kaya pi-nost ko para lang ma ishare. Kung may nainis, ipagpatawad niyo ang aking kapangahasan.

7 comments:

  1. Haha! Napapasin ko rin ito dito sa amin... Lalo na 'yung beso-beso mode...

    Kakatuwa naman... lalo na sa green minded tulad ko... LOL

    ReplyDelete
  2. mas nakakatawa pag nakakita k ng nakapaldang men nag bbeso beso tapos magkahawak ang kamay habang nag kkwentohan. meron ganun minsan dito.

    ReplyDelete
  3. hahaha, ang tradisyon ng mga yan, di pede sa pinas... nalalagyan ng malisya :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. kapag yan nauso sa pinas di na malalaman kung sino ang beki sa hindi..hehe

      salamat sa pagbisita ^^

      Delete
  4. i saw one time nung nag-aaral pa ko,

    2 Iranian guys, nagbe2so-beso....sabe nila ganun daw talaga ang batian nila,

    theoscasanova.blogspot.com

    :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa middle east ka nag aral? yomon!

      salamat sa pagdaan ser.. ^^

      Delete
  5. It's very common here in Italy. Pilipino lang ang nagdadagdag malisya. Nung una naaalibadbaran ako, pero nawala na rin yun sa akin. I only do that kind of greeting with my italian friends. Ginagahasa ko na lang yung mga Pilipino. Hahaha!

    ReplyDelete