Wednesday, July 25, 2012

Sayang Lang Oras mo Dito

Habang winawalis ko yung dalawang ipis na napatay ko kanina dito sa Malacañang, may mga kabastusan bagay-bagay na sumagi sa aking isip. Ewan ko ba siguro dahil sa wala akong makausap dito, kung ano anong shit na lang ang pumapasok sa isip ko. Mga bagay bagay tulad ng prito ba o may sabaw ang iluluto ko mamayang tanghalian, nakikita ba ko sa bintana ng kapitbahay ko pag sumasayaw ako ng moves like jagger, anong oras at araw kaya naimbento ang relo at kalendaryo at marami pang ibang kaulolan. Namputa! Ito na naman. Lumalayo na naman ako sa dapat na isusulat ko at humahaba na naman ang intro ko. Ito dapat isusulat ko eh.


Aminin Mo!!


Aminin mo tuwing nakaupo ka sa inidoro at jumejebs, may mga magagandang idea o bagay bagay kang naiisip. Madalas pa nga habang tumatae ka, dito mo naaalala ang mga dapat mong gawin o mga bagay na nakalimutan mo.

Aminin mo nung minsang naglalakad ka sa mall, at nakakita ka ng mag jowang HINDI BAGAY o sa madaling sabi pangit yung isa pero yung partner niya ay gwapo o maganda ay walang pagtitimpi mo silang inokray sa isip mo ng "Ano ba yan ang jutay naman ng bf/gf niya!" Kahit na kaibigan mo pa na ipinakilala sayo ang mabait pero di naman kagwapohan na jowa niya walang patumangga itong nilait ng  mabuti mong isip.


Aminin mo nung elementary ka ay ginawa mo ring meryenda ang takip ng iyong ballpen. Walang awa mo itong nginatngat ng nginatgat habang nag iisip ka ng isasagot mo sa iyong test paper.


Aminin mo minsang ka ring naapektohan sa sakit na naramdaman ni Popoy nung makipaghiwalay si Basha sa kanya. Kumislot din ang puso mo nung binitiwan ni Basha ang mga katagang "Sana ako na lang, Sana ako pa rin, Sana ako na lang ulit"




Aminin mo nung minsang nanonood ka ng isang nakakatakot na palabas noong bata ka pa ay tinakpan mo rin iyong mata gamit ang iyong mga kamay. Habang nakatakip, ay sinisilip mo naman ito sa maliit na siwang ng iyong mga kamay at nagagalit ka sa katabi mo kapag pilit nilang inaalis ang kamay mong nakatakip sa mata/mukha mo.


Aminin mo...

Wala na kong maisip na iba. Kung hindi ka naka relate well, sorry naman. Sabi ko sayo masasayang lang ang gintong oras mo dito eh. :)


PEACE!!

images from Google

13 comments:

  1. relate ako sa lahat pwera lang sa ginawang merienda ang takip ng ballpen hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. masarap naman siya eh may salty taste sa dulo. hehe

      Delete
  2. Pareho kami ni pinkline, yun lang din ang di ko ginawa dati, di ko bet ang takip ng ballpen o kahit yun dulong pambura ng lapis na favorite kainin ng mga classmates ko dati! It's so kadiri kashi, eewww! Charot!

    ReplyDelete
    Replies
    1. akala ko di ka makakarelate dun sa jumejebs. :)

      Delete
  3. Naka-relate ako sa lahat. Lol!

    ReplyDelete
  4. relate much. hahaha. pero di naman ganon ka severe ang pag-ngatngat ko ng ballpen. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung tipong nginangatngat mo siya habang discussion tpos hihinto ka at itutuloy mo nalng pag recess na? hehe

      Delete
  5. aminado ako .. guilty ako heheheh

    ReplyDelete
  6. Inaaamin ko po sa mata mo at sa mga mata ng mga taong nagbabasa na inaamin ko ang ilan sa mga nasambit. Lol. Chos. Pagjumejebs.. not really.. hindi ko alam, pero naka-focus lang ako dun sa legit na bagay na dapat lumabas sa kin.. may problema yata ako sa potty training nung bata ako. Medjo hindi rin kapag nakakakita ako ng magsyotang di bagay.. di ko sila nilalait..pero iniisip ko ang posibilidad kung bakit sila nagkatuluyan.. kung mayaman ba si boylet.. or whatevs..

    Oo, aaminin ko na yung ballpen, pero naaalala ko yung sitmate ko dati.. ang nginangatngat niya eh yung pwet ng ballpen na PANDA.. nagulat na lang ako dahil mukha na itong bulaklak pagkatapos... at nakalabas na yung lalagyanan talaga nung tinta..

    Aaminin ko na din ang pangalawa sa huli at ang huli.. ang haba ng comment ko.. nakarelate lang siguro masyado..

    ReplyDelete
  7. HAHA pag jumejebs madami ako naiisip, kung ano anong SHIT talaga naiisip ko, haha

    ReplyDelete
  8. oo na aaminin ko na. guilty ako sa lahat except sa takip ng ballpen. haha

    ReplyDelete
  9. taas na nga ang kamay ko. inaamin ko na. :)

    ReplyDelete