Friday, June 8, 2012

Random Post


Dahil wala na rin akong maisipan rarandom na rin ako.

  1. Naiinip na ko. Dalawang linggo pa lang akong tumatambay pero gusto ko na ulit mag trabaho.
  2. Di purket galing na sa ibang bansa eh marami ng dalang pera. Isa lamang akong aliping sagigilid sa Qatar wala akong maipapa utang! Kaloka kayo!
  3. Gusto kong kumuha ng kahit isang maliit na apartment lang. Gusto ko ulit maging independent.
  4. Naiinip akong maghintay na matapos ang duty ng gelpren ko. Nakakainip dito sa bahay nila.
  5. Naaaliw ako sa anak ng kapatid ni gelpren. Ang cute kasi. Nacucutetan nga lang ba ako o gusto ko na rin talaga magka anak?
  6. Nakakabadtrip si mudrax di man lang niya ko magawang itext! Di man lang sumasagot sa mga text ko!
  7. Gusto ko magkasyon kaso walang budget para sa bakasyon. Magtataninm na lang muna ko siguro ng kamote.
  8. Ano kayang masarap kainin na di ko pa natitikman? Parang gusto kong kumain ng exotic food.
  9. Ang laki ng tiyan ko! Nakakasuya tignan. Makapag seat-up nga pag tinamaan ng sipag.
  10. Gusto ko magpamasahe. Makapag mall nga at makapagmasahe sa bulag. Sumasakit na likod ko puno na ata ng lamig.
  11. Kailan kaya ko makaka bisita sa Dentist? Ang tagal kasi ng off ni gelpren dapat sabay kami eh.

PEACE!!

12 comments:

  1. Kaaliw aman random post mo lalo na 2 at 7 lol

    ReplyDelete
  2. Bat nga kaya feling ng mga tao na mayaman ka pag work ka sa ibang bansa?haha... Tawagan mo na lang si mudrax.. Kailangan ko din magpunta ng dentist, tsk tsk!

    ReplyDelete
  3. yung sa number 2, yan ang mentality ng pinoy, nag-work-abroad means Pera. :(

    yung sa 5, part na ata ng mga tao na macutan sa mga babies. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ewan ko ba sa kanila idol. nanlalambot nga ako kapag may umuutang di ko alam sasabihin ko. hehe

      Delete
  4. I can help you find a job, althugh nasa Taguig ang office ko :))

    ReplyDelete
  5. Ang kulit ng post! Yung #2 eh totoo ganun talaga tingin ng mga nasa abroad eh. :| Nice portrait, serious much? :D

    Jewel Clicks

    ReplyDelete
    Replies
    1. kumpara sa mga shots mo walang wala yan. hehe

      Delete
  6. okay yung idea na magtanim ng kamote. natry mo na? lol.

    ReplyDelete